K --- 48Pero wala itong pakialam si Nonack. Bahagya lang siyang ngumiti at sinundan ang mga lalaki papasok sa isang sasakyan.
Matapos ang ilang minute, nakarating na sila sa isang pribadong manor.
Kahit na malayo ito sa dagat, nagawa pa ring, makipagsabayan ng naging dekorasyon nito sa mga villa na nakatayo sa tabing dagat. Mas naging metikuloso maayos din ang naging layout ng manor na itong naghighlight sa napakalakas na aura ng taong nagmamayari nito.
Naglabas ng makalumang pakiramdam sa paligid ang buong manor na itong mayroong vintage na uri ng style.
Agad na umalis ang dalawang mga nakaitim na lalaki pagkatapos nilang samahan si Nonack papasok sa front hall ng manor.
Dito makikitang nakaupo si Brandon sa isang eleganteng upuan na gawa sa kahoy. Nang makita niya ang pagdating ni Nonack, tumayo siya at itinuro ang isang box na naglalaman ng regalo sa kaniyang tabi. "Isa itong regalo galing aking kapatid bilang pagpapasalamat sa iyong ginawa sa kaniya. Kunin mo ito."
Buong pagpapasalamat na nagsalita si Brandon pero hindi nagpakita ng kahit kaunting paggalang ang kaniyang naging tono at itsura kay Nonack at sa halip ay napuno ito ng pagkaarogante.
Sa kasalukuyang posisyon na mayroon si Brandon sa buong Donghai City, walang kuwenta para sa kaniya maging ang pamilya Wayne, at lalong lalo na ang itinakwil nitong miyembro na si Nonack, hindi naging kasingyaman ng mga Wayne si Brandon pero takot pa rin ang mga ito sa kaniya. Ito ay dahil habang abala sa pagnenegosyo ang mga Wayne, si Brandon naman ay hindi lang abala sa kaniyang mga negosyo kundi maging sa mga transaksyon at pangyayari sa madilim na bahagi ng Donghai City.
At isa ring nakikitirang manugang ng mga Perez si Nonack na mas lalong nakapagpababa sa naging tingin ni Brandon sa kaniya.
Hindi na pinansin ni Nonack ang ipinakita nitong attitude sa kaniya. Itinango niya lang ang kaniyang ulo at lumapit para kunin ang box.
Napansin ni Nonack na ang regalong nakalagay sa ibabaw ng table ay isang thumb ring na mayroong nakaukit na stripe sa paligi nito na nagmukhang gawa sa jade pero hindi talaga ito gawa sa materyales na iyon. Nagbigay ito ng isang misteryosong aura sa sinumang titingin sa singsing na ito.
Makikita sa likuran ng thumb ring ang isang symbolo na inukit sa kahoy kung saan makikita ring nakaukit nang magara ang ilang mga salita na makikita ng sinumang titingin dito nang husto.
Nabasa ni Nonack ang mga salitang "Tianshan" sa harapan pero masyado naman naging malabo ang mga salitang nakaukit sa likuran nito dahil sa sobrang gulo ng pagkakaukit sa mga ito. Malaki nga talaga ang halaga ng thumb ring na ito at siguradong isa rin itong high quality na antique.
"Nonack tama? Noong makita ka naming sa kasal ni Jackson kanina, agad naming napansin ng aking kapatid na isa kang partial cultivator. Siguradong uminom ka ng isang espesyal na pill kay mas naging malakas ang iyong katawan kung ikukumpara sa isang ordinaryong tao." Sabi ni Brandon.
Nagulat dito si Nonack.
" Paano nila nalalaman na uminom ako ng Universal Pill? Mukhang mga cultivators din ang dalawang ito na nagmula sa Tianshan School." Isip ni Nonack.
Ngumiti at tumango rito si Nonack. "Napakametikuloso talaga ng mga pag-iisip ninyo."
Habang nagsasalita, binuksan ni Nonack ang kahon na naglalaman ng regalo ng magkapatid sa kaniya, dito na niya nakita ang laman nito na isang floral herb.
Parang himalang may pulang bulaklak at berdenhmga dahon ang floral herb na ito, punong puno rin ito ng buhay na para bang nakatanim pa rin ito aa lupa.
YOU ARE READING
'Son-in Law who surpasses them all'
AléatoireBiyenan. "Layuan mo na ang anak ko! Hindi siya karapat dapat para sa isang basurang tulad mo!" Makalipas ang tatlong araw, bumalik ang manugang nito sakay ng isang mamahalin sasakyan. Biyenan, "Parang awa mo na iho, huwag mo iwan ang anak ko."