KABANATA 36Mabilis namang tumakbo palapit sa binata ang mga pulis, hindi na nasurpresa ang mga ito nang mapunit nila ang maskarang suot ni Leon.
Isang taon na ang nakalilipas nang maloko ng dalawang ito ang isang mayamang merchant na dumating sa Donghai City para mag-invest sa isang painting na nagkakahalaga ng 1 billion dollars. Dahil sa laki ng kasong ito, itinuon ng buong general headquarter ang buo nilang fucos sa kasong ito na agad ding inassign kay faye para imbestigahan at maresolba sa lalong madaling panahon.
Pero dahil sa galing ng dalawang ito sa pagtatago, kahit na isang taong inilaan ni Faye ang kaniyang focus sa kasong ito, hindi pa rin niya nagawang masundan ang dalawa.
Pero hindi niya inasahang mahuhuli niya ang dalawang ito ngayong araw.
Nanginig ang buong katawan ni Faye matapos makakuha ng mataas na achievement sa kasong ito.
Hindi naman makapagsalita ang mga may-ari ng kanikanilang mga antique store na nagboluntaryong tumestigo sa panig ni joey kanina.
Alam na alam din nila ang tungkol sa kasong iyon na nangyari noong nakaraang taon. Hindi nila inakalang magkakaroon ng lakas nang loob ang dalawang ito na lokohin ang pamilya Young.
Kasabay nito ang nacucurious din nilang tingin kay Nonack.
Masyadong makatotohanan ang mga maskarang suot ng dalawang ito kaya paano niya ito nagawang makita?
Hindi na nila nagawa pang tanungin si Nonack tungkol dito dahil sa kasama nilang pulis na si Faye.
Sa mga sandaling ito, inutusan ni Faye ang kaniyang mga tauhang pulis isakay ang dalawang ito sa kanilang mobil bago maglakad papalapit kay Nonack.
Napakagat na lang sa kaniyang labi si Faye habang awkward na sinasabing, "Pasensya ka na sa pagkadala ko sa bugso ng aking damdamin kanina, Nonack. Muntik ko nang malampasan ang pagkakataong ito na mahuli sila kung hindi lang dahil sayo. Maraming Salamat sa ginawa mong tulong sa amin."
Ngumiti naman si Nonack habang ikinakaway ang kaniyang mga kamay. "Wala lang iyon, ayoko lang makawala ang mga masasamang loob na ito."
Tumango si Faye at nacucurious namang nagtanong ng, "Pero paano mo nalamang nakasuot lang ng maskara si Joey?"
Napaisip si Nonack dito na sumagot ng, "Wala naman akong ginawa na kahit ano para makita ito. Kusa lang kasing nagpakita ang maliit na dulo ng kaniyang maskara nang magpumiglas siya sa akin kanina."
Pero sa totoo lang, wala ring kaideideya si Nonack kung paano niya nga ba ito nagawa.
Napakaperpekto ng disguise na ginawa nina Joey at Leon. At ang nag-iisang bagay ay ang napakaliit na dulo ng suot nilang maskara na siguradong hindi mapapansin ng mga pangkaraniwang tao, kaya hindi alam ni Nonack kung paano niya ito nagawang pansinin.
Kailan ba liminaw nang ganito ang kaniyang paningin?
Napabulong si Nonack aa kaniyang sarili.
Hindi naman nagtaka si Faye sa naging sagot niya, nakangiti ito nagsabi sa kaniya ng "Kahit na ano pa ang nangyari nagpapasalamat pa rin ako sa tulong na ibinigay mo sa amin kaya dapat lang kitang ilibre ng hapunan kapag nagkita tayong muli."
Agad na umalis si Faye matapos niyang sabihin ito.
Habang papunta sa presinto, makikita ang inis at galit sa mga mukha nina Leon at Joey na nakaupo sa likurang bahagi ng isang police mobile.
Matagal tagal din nilang pinagplanuhan ang bagay na ito at naisip na wala itong magiging kahit na anong butas. Pero hindi nila inasahang sisirain ni Nonack nang ganoon ganoon na lang ang kanilang plano sa pinakadelikado nitong parte.
YOU ARE READING
'Son-in Law who surpasses them all'
DiversosBiyenan. "Layuan mo na ang anak ko! Hindi siya karapat dapat para sa isang basurang tulad mo!" Makalipas ang tatlong araw, bumalik ang manugang nito sakay ng isang mamahalin sasakyan. Biyenan, "Parang awa mo na iho, huwag mo iwan ang anak ko."