CHAPTER LI

57 16 1
                                    


K ------   51

Siguradong magmumukha siyang kahiya hiya sa harapan ni Melanie kaya mas piniling manatili at nagtiis ni Samantha sa kaniyang kinauupuan. Nakapagdesisyon na rin siyang utusan ang kaniyang anak na makipagdivorce kay Nonack sa sandaling makauwi sila mamaya. At sisiguruhin na niya sa pagkakataong ito na matatapos na matatapos na ng dakawang fill up an at pirmahan ang mga papeles bukas.

Inisip naman ni Chen na sumusobra na si Melanie pero wala na rin siyang nagawa pa rito nang makita niya ang katabi niyang si Nonack.

"Nagawang magpaimpress ng mga napangasawa ng nga kasama namin dito ang mga kaibigan ng kanikanilang mga kaibigan maliban na lang sa napangasawa kong ito. Bahala na nga!" Isip ni Chen.

Sa mga sandaling ito, nakangiting tumingin si Melanie kay Nonack at sinabing, "Anong masasabi mo  sa regalong ibinigay ng manugang kong si Jim sa akin, Nonack?"

Nang hindi tumitingala, tila walang pakialam na sinagot ni Nonack ang tanong ni Melanie, "Hindi na masama."

"Hindi na masama? Nagbibiro ba ang isang ito na para bang kaya niyang makabili nito?" Isip ni Melanie.

Sa mga sandaling ito, natawa sa kanikanilang mga sarili ang mga taong nasa loob ng dining room habang nagpapakita ng inis sa kanikanilang mga mukha.

" Ano bang mayroon sa mga taong ito? Ano bang nakakatuwa sa pagkukumpara ng mga bagay na mayroon sila?" Isip ni Nonack.

Hindi na napigilan pa ni Nonack ang kaniyang sarili matapos kutyakutyain ng lahat. Wala na siyang nagawa kundi tumayo at umalis sa dining area.

"Hahaha! Hindi na ba kaya ng basurang ito na manatili rito sa sobrang kahihiyan? Sayang dahil wala na tayong maloloko sa sandaling umalis na siya. Babalik na naman kami sa nakakaantok naming mga usapan." Isip ng lahat.

Makikita ang pagkadismaya sa mukha nina Melanie at Jim nang umalis si Nonack habang nakahinga naman nang maluwag ang manugang nitong si Samantha dahil kung hindi, kinakailangan niyang tiisin ang tila walang katapusan pangungutya ng kaniyang mga kasama nang dahil sa basurang ito. Gusto siyang sundan ni Chen para alamin kung ano ang naiisip nitong gawin pero agad niya itong inalis sa kaniyang isipan matapos makita ang kasalukuyang sitwasyon sa loob ng dining area.

Pero, matapos ang tatlong minuto, muling bunalik si Nonack.

Napapadyak na lang sa sahig ang galit na si Samantha nang muling magbukas ang mga punto papasok sa dining room. "Ano pang ginagawa mo rito? Hindi pa ba sapat ang kahihiyang tinanggap mo kanina?"

Tumayo na rin si Chen at bumulong ng, "Hintayin mo na lang kami sa sasakyan. Ano pang ginagawa mo rito?"

Ngumiti naman sa mga ito ang hindi nagsasalitang si Nonack habang hawak hawak ang isang kahon sa kaniyang kamay.

Nakuha niya ang regalong ito kay Drake Wayne matapos ang kaniyang kasal. Isa itong regalo para makabawi sa lahat ng nangyari noong nakaraan. Nang itakwil si Nonack ng pamilya Wayne matapos magpakasal sa isang miyembro ng pamilya Perez, walang ni isang miyembro ng pamilya Wayne ang umattend sa kaniyang kasal. Nakaramdam dito ng pagkaguilty si Drake kaya binigyan niya ng isang regalo si Nonack para makabawi sa nangyaring ito.

Tinanggap ni Nonack ang regalong ito ni Drake. Pero wala pa rin siyang ideya kung ano ang laman nito, pero sigurado ring hindi na ito masama dahil nagmula mismo kay Drake ang isang ito.

Nilagay niya ang box sa harapan ni Samantha at bumalik sa kaniyang kinauupuan. "Ma, hindi manlang kita nabigyan ng kahit isang regalo nitong tatlong taon nakalipas mula noong magpakasal ako kay chen. Ito, sana maging sapat ito para makabawi sa inyo."

'Son-in Law who surpasses them all'Where stories live. Discover now