CHAPTER LXVII

208 20 7
                                    


TINITINGALA NG LAHAT, K-67: Paghahanap ng Head ng Cult kay Nonack;

Dahan dahang ngumiti si Nonack nang makita ang pagdududa sa kaniya ni Zachariah at sumagot ng "May kaunti akong alam tungkol dito, pero kung hindi ako nagkakamali, isang Feng Shui Master ang nagplano ng buong layout ng lahat na ito hindi ba?"

"Tama!" Tango ni Zachariah.

Nagpatuloy sa pagsasalita si Nonack na nagsabing, "At pagkatapos lang nitong dumating sa iyo ang fish tank na ito tama?"

Sumagot naman dito si Zachariah ng, "Oo, ibinigay ito sa aking ng isa sa mga business partner ko tatlong taon na ang nakalilipas."

"Ayun nga, sinira ng fish tank na ito ang buong layout ng tower. At sa sandaling masira ang Feng Shui, agad na ninipis ang nilalabas nitong spiritual aura sa iyo. Kaya natural lang na maging inefficient ng ginagawa mong pagsasanay dito." Nakangiting sinabi ni Nonack.

Nagulat dito si Zachariah. Nagawa rin nitong mahulaan na pagkatapos lang niya itayo ang tower na ito dumating ang itinuturo nitong fish tank. Napakahusay talaga ng binatang ito!

Alam din ni Nonack ang kaniyang mga sinasabi. Nagbunga na rin ang napakaraming oras na kaniyang ginugol sa pag-aaral ng librong "The Geomancy of Yin and Yang". Nakaukit na ang mga laman nito sa utak ni Nonack.

"Ang ibig mo bang sabihin ay babalik na ang lahat sa dati sa sandaling alisin ko ang fish tank na ito?" Tanong ni Zachariah.

Tumango rito si Nonack, "Oo, sa sandaling alisin mo ang fish tank na iyan, subukan mo muling magpalakas dito nang malaman mong mas maganda ang ginagawa mong pagpapalakas ngayon kaysa noong nandito pa ang fish tank na ito."

Agad na inutusan ni Zachariah ang kaniyang mga tauhan na alisin ang fish tank.

"Magaling kung ganoon! Iniisip ko noon na nasa akin lang ang problema pero nang dahil sa iyo ay agad kong nalaman ang tunay na problema sa likod nito!" Agad na binati ni Zachariah si Nonack.

Naglakad siya sa katabing kuwarto nito at lumabas dala ang isang manual.

Ibinigay niya ang manual kay Nonack at sinabing, "Ikinagagalak ko talagang makilala ka, kuya Nonack. Tanggapin mo sana ang "Blazing Slash" manual na ito bilang pagpapasalamat ko sa iyo, ilang taon na rin ang nakalilipas mula noong makuha ko ito."

Kasabay nito ang pagbebeep ng cellphone ni Nonack. Dito na niya nakita ang pagpasok ng pera sa kaniyang bank account. Tinanggap niya ang manual mula kay Zachariah at sumagot ng, "Ikinagagalak ko ring makilala ka. Pero may mga bagay pa akong dapat na gawin kaya mauuna na muna ako sa iyo."

*****

Kinatanghalian. Napakainit ng panahon sa city, makikitang nag-uusap usap ang kabataan kung saan sila puwede magpalamig.

Maraming babae ang kumuha ng litrato sa sasakyan ni Nonack habang dumadaan siya sa mga ito.

*****

Sa mansiyon ng mga Wayne.

Ihininto ni Nonack ang kaniyang sasakyan at mabilis na naglakad papasok sa mansyon.

Kasalukuyang nasa gitna ng isang salo salo ang mga Wayne sa mga oras na ito. Napuno ng saya at sigla ang hangin sa paligid na agad nawala nang pumasok si Nonack sa mansiyon.

"Hayop ka! Paano mo nagawang bumalik dito! Hindi ka nga talaga napalaki nang maayos ng ama mo!" Sabi ng isa sa mga taong nasa loob ng mansion.

Ibinagsak ni Yumi ang hawak niyang mga chopsticks, naglakad papalapit kay Nonack at sumigaw ng "Naparumi mong hayop ka, Nonack, paano mo nagawa ang kababuyang iyon! Hindi ka na welcome kailanman sa pamilyang ito! Kaya umalis ka na!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 11, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

'Son-in Law who surpasses them all'Where stories live. Discover now