KABANATA XXI
" Puwede ko bang tanungin kung nandito ngayon si Mr. Wayne?" Inulit ni Norman ang kaniyang tanong nang makita niyang hindi nagsalita ang lahat.
Iniling naman ng lahat ang kanilang mga ulo.
Alam nila na ang taong nakatayo sa pintuan ng venue ay ang kilalang si Norman Woodall. Kaya paanong magiging Nonack, na isang basura ang tinutukoy na Mr. Wayne ni Norman?
Nakitaan din ng pagkagulat sa kaniyang mukha si Norman.
Maaaring nagkamali siya ng natanggap na impormasyon, nagpadala na siya noon ng mga tao para magtanong tanong, kaya dapat lang na makita niya ang ikalawang young master sa villa ng pamilya Perez! Birthday ngayon ng ikalawang young master kaya personal siyang nagpunta rito para ibigay ang kaniyang regalo. At nang makarating siya sa villa, nakita niya ring nagdiriwang ang mga Perez para sa kaarawan ng isa sa kanilang mga miyembro.Napalunok na lang dito si Norman at ibinigay ang box na kaniyang hawak. "Mauuna na ako ngayong wala naman dito si Mr. Wayne. Ito nga pala ang dala kong birthday gift, iiwan ko na rin ito rito."
At pagkatapos , umalis na si Norman kasama ng kaniyang mga tauhan.
Nang makaalis si Norman, hindi na nakapaghintay pa ang mga bisita at agad na pinaligiran ang regalong iniwan nito. Nagdesisyon na rin si Grandma Perez na buksan ang box na galing kay Norman.
Sabagay, isa si Norman sa mga kilalang tao sa buong Donghai City. At nakita ng lahat ang tindi ng presensya nito sa venue, matapos sundan ng higit sa sampung mga tauhan na sakay ng limang Rolls Royce. Personal siyang nagpunta rito para magbigay ng regalo kay Grandma Perez! Napakalawak na nga talaga ng impluwensya mayroon ang pamilya Perez ngayon hindi ba?"
Napuna ng inggit ang ilang mga bisita nang makita ito.
Oo nga naman, sino ba sa buong Donghai City ang ayaw magkaroon ng magandang relasyon kay Norman? Siya ang boss ng Oriental Pearl Hotel, ang pinakamarangyang hotel sa buong Donghai City. Madalas na inorganize ng mga kilalang pamilya ang kanilang mga pagdiriwang sa Oriental Pearl. Sabagay, maganda na rin ang naging reputasyon nito kaya maraming tao ang gustong ko makipagkaibigan sa may-ari nitong si Norman.
Pero mayroong kakaibang personality si Norman. Hindi siya mahilig makipagkaibigan at hindi rin umattend sa Birthday ng kahit na sino!
Marami ng nga talagang kuneksyon si Grandma Perez!
Kahit na nagtaka sa kaniyang loob si Grandma Perez, napangiti pa rin ito sa pagpunta ni Norman.
Bakit nga ba mag-iiwan ng birthday gift dito si Norman?Wala naman siyang kuneksyon dito. Pero siya lang naman ang nagcecelebrate ng kaniyang kaarawan ngayong araw, kaya kung hindi talaga para sa kaniya ang regalong ito, para kanino ba talaga ito?
Binuksan ni Stefan ang box na iniwan ni Norman sa utos ng kaniyang lola. Agad natahimik ang lahat at napapigil hininga sa sobrang pagkagulat!
Isa itong nagliliwanag na perlas! Pero bakit mukhang iba ang perlas na ito sa perlas na ibinigay sa kaniya ni James?
Kinuha rin ng pinagkakatiwalaang si Stefan ang ibinigay na perlas ni James at pinagtabi ang dalawang ito. Dito na nakita ng lahat ang kakaiba ng dalawang perlas!
Nakabukas ang mga kurtina na nagpapasok sa liwanag ng araw sa venue. Kaya nakita nilang nagmukhang isang pangkaraniwang babasagin na perlas ang regalong ibinigay ni James.
Pero parang maliit na araw na nagliwanag ang perlas na nanggaling kay Norman kahit nasa ilalim na ito ng sikat ng araw!
" Ito..."
Hindi na nakapagsalita pa ang lahat at tumitig na lang nang husto sa dalawang perlas.
" Dalian ninyo, isara ninyo ang mga kurtina at patayin ang mga ilaw!" Utos ni Stefan.
Nang madilim na ang buong hall, hindi na nakapagpigil pa ang lahat at nasurpresa nang husto sa kanilang nakita!
Sa mga sandaling ito lang nakita ng lahat ang pagkakaiba sa pagitan ng dalawang mga perlas! Parang araw na pinaliwanag ng perlas na nanggaling kay Norman ang buong hall!
" Gulp!"
Hindi na nakapagpigil pa ang isa sa mga bisita na napalunok nang malakas, at sa hudyat na ito nag simula ang malakas na usapan ng lahat.
" Ano ang ibig sabihin nito? Magkapareho naman ng sukat ang dalawang mga perlas na ito, pero bakit naging ganito kalaki ang pagkakaiba nilang dalawa?"
" Sinabi ni Nonack kanina na peke ang perlas na ibinigay ni James, pero walang sinuman ang nakinig sa kaniya...."
" Mukhang peke nga ito..."
Sumama ang itsura ni Grandma Perez nang marinig ang usapan ng mga bisita. Nadidismaya itong tumingin kay James dahil umasa siya sa mga sinabi nito. Alam din ng lahat na si James ang paboritong apo ni Grandma Perez! Kaya nakakagulat na bibigyan siya nito ng isang pekeng regalo!
Nabagabag dito si James kaya sinubukan na itong umalis habang kinaiinisan ng lahat. Pero, sa mga sandaling ring ito nakarinig ang lahat ng isa pang anunsyo!
" Grandma, naririto po ang Presidente ng Black Tiger Real Estate na si Jerry Blakely."
"Woah!"
Agad na nabuhay ang dugo ng mga taong nasa loob ng hall! Ano ang nangyayari? Pumunta rin si Jerry? Kilala siya bilang isa sa mga pinakamahuhusay na developers sa Donghai City!
Walang tigil na tumaas ang presyo at halaga ng mga bahay sa Donghai City, kaya natural lang na tumaas din na parang malakas na alon ang net worth ni Jerry. Nagawa nitong magdevelop ng ilang mga real estate areas na kinilala bilang pinakamahal na Donghai City na tinitirhan ng pinakamayayamang tao rito! Anong klase ng kuneksyon ba mayroon si Grandma? Kilala ba talaga niya si Jerry Blakely?
Nagulat ding tumayo roon si Grandma Perez. Atleast ay nagawa na niyang makilala si Norman noong magpasikat si James sa Oriental Pearl Hotel na nagpaabot ng kanilang bill sa 30 million dollars. Kaya katanggap tanggap lang na magpunta rito si Norman para bigyan siya ng regalo.
Pero hindi talaga kakilala ng matandang Perez si Jerry!
Humina ang tunog ng mga makina habang paisa isang humihinto ang ilang mga itim na Lincoln limousine sa entrance ng villa. Nakasuot si Jerry ng isang suit habang napapaligiran ng mga lalaking nakaitim habang papasok sa villa.
" Nandito ba si Mr.Wayne?"
Naging malakas ang dumadagundong na boses ni Jerry na narinig sa buong hall!
" Ano?!"
Sa loob ng isang iglap, nanginig ang lahat sa kanilang narinig!?
Sino nga ba si Mr. Wayne ?
"Mayroon bang may apilyedong Wayne dito!" Hindi na nakapagpigil pa si Grandma Perez at hinampas ang kaniyang kamay sa lamesa. "Puwede ko bang malaman kung sino si Mr. Wayne na ito, lumabas ka na ngayon . Hindi naging maganda ang paghahanda na ginawa ko para sa selebrasyon ngayong araw, lumabas na nang personal kitang mabigyan ng maiinom!"
Napatingin na lang ang libo libong mga bisita sa isa't isa nang marinig ang mga sinabing ito ni Grandma Perez. Hindi talaga nila kilala kung sino man iyon!
Nang aasar namang nagsalita si Stefan nang bumalik na sa katahimikan ang lahat, "si Nonack lang naman ang may apilyedo na Wayne dito... Hindi naman siguro siya ang hinahanap ninyo hindi ba ?"
" Hahahaha!"
Dito na tumawa nang malakas ang lahat matapos mapalitan ng tuwa mula sa sinabing ito ni stefan ang pagtataka na naramdaman nila kanina.
*****
Time : 5 : 52 am
Date : 10 - 08 - 21
Noted : Follow & Vote
*****
YOU ARE READING
'Son-in Law who surpasses them all'
De TodoBiyenan. "Layuan mo na ang anak ko! Hindi siya karapat dapat para sa isang basurang tulad mo!" Makalipas ang tatlong araw, bumalik ang manugang nito sakay ng isang mamahalin sasakyan. Biyenan, "Parang awa mo na iho, huwag mo iwan ang anak ko."