KABANATA 30Kasabay nito ang tila ba pagkabunot ng malaking tinik sa kaniyang likuran. Tatlong taon na rin ang nakalilipad pero ngayon lang siya naging motivated na magkaroon ng progreso sa kaniyang buhay.
Kalmadong ngumiti si Nonack at sinabing, "Patulong tulong lang ako sa pinagtatrabahuan ko, madalas akong binibigyan ng trabaho na tungkol sa promotion ng aking pinagtatrabahuan at paminsan minsan naman ay nagahawa ko ring tumulong sa procurement. Tinutulungan ko ngayon ang aking boss na maghanap ng magandang sasakyan para sa kaniya."
Alam ni Nonack na magtatanong pa nang husto si Chen tungkol sa plano niyang pagbili ng bagong sasakyan pero agad nang nagpaliwanag si Nonack na huwag na itong usisain pa ni Chen.
Nagtatakang tumango si Chen at nacucurious na nagtanong ng "Anong klase ng kumpanya ang pinagtatrabahuan mo?"
Casual namang sumagot si Nonack ng "Maliit na kumpanya lang ito."
Sa totoo lang, gustong gusto nang sabihin ni Nonack kay chen ang katotohanan na siya ang Presidente ng Platinum Corporation. Pero matapos itong pag-isipan nang maigi, napagpasyahan niya na hindi pa ito ang tamang panahon kaya ipinagpatuloy ni Nonack ang pagtatago nito kay Chen.
Nang makitang ayaw na ni Nonack pag-usapan ang tungkol dito, tumigil na rin si Chen sa kaniyang pagtatanong. Naging kumplikado ang kaniyang emosyon habang napapakagat sa kaniyang labi at sinasabing, "Ayaw mo pa rin bang umuwi, Nonack?"
Hindi na alam ni Chen kung ano pa ang dapat niyang isipin. Dahil inis na inis siya rito noong magkasama pa sila, pero namimiss niya naman ito nang umalis na ito sa kanilang tahanan.
Huminga nang malalim si Nonack at sinabing, "Bigyan mo pa ako ng ilang araw, hahanapin kita pag matapos ko na ang mga bagay na kinakailangan. Kong gawin."
"Kung ganoon, sige." Tango ni
Chen habang nag-iisip ng ibang bagay habang tinititigan namg husto si Nonack at bago magtanong ng. "Bakit mo nga pala naisipang ipalit ang sarili mo bilang hostage noong isang araw?"Nakangiti namang sumagot si Nonack ng, "Dahil asawa kita."
Nang marinig ang mga sinabing ito ni Nonack, agad na nanginig ang buong katawan ni Chen. Naantig ang kaniyang puso sa mga salitang ito at nakaramdam ng kaunting hiya sa kaniyang sarili.
Dito na naging awkward ang hanging sa kanilang paligid.
Sa mga sandaling ito, bilang nagring ang cellphone ni Chen.
Matapos makita na galing sa kaniyang opisina ang tawag, agad itong sinagot ni Chen. At pagkatapos, tumingin naman siya kay Nonack at sinabing, "Kailangan ko nang umalis, ma... Mag-iingat ka ha?
Matapos niyang sabihin ito, sumakay si Chen sa kaniyang sasakyan nang may kaunting kalungkutan sa kaniyang mga mata.
Samantala, sa loob ng Audi 4s Center.
Pinigilan ni Nelson ang sakit na kaniyang nararamdaman. Matapos bigyan si paula ng ilang discount, sinabihan niya ang isa sa kaniyang mga receptionist na samahan si Paula magtingin ng mga sasakyan.
At pagkatapos, tinipon ni Nelson ang ilan sa kaniyang mga front desk personnel na tumayo nang maayos at gumawa ng dalawang rows ng linya sa labas mg showroom habang hinihintay ang pagdating ng presidente ng Platinum Corporation.
Pero sampung minuto na ang nakalipas, wala pa ring kahit na sinong nagpapakita sa kanila.
"Bakit wala pa siya hanggang ngayon?"
Nagreklamo si Nelson dahil sa natural na iksi ng kaniyang pasensya, at bumalik sa kaniyang opisina para tawagan ang secretary ng Platinum Corporation si Pearl Jones.
YOU ARE READING
'Son-in Law who surpasses them all'
RandomBiyenan. "Layuan mo na ang anak ko! Hindi siya karapat dapat para sa isang basurang tulad mo!" Makalipas ang tatlong araw, bumalik ang manugang nito sakay ng isang mamahalin sasakyan. Biyenan, "Parang awa mo na iho, huwag mo iwan ang anak ko."