CHAPTER LXVI

63 15 1
                                    


TINITINGALA NG LAHAT, K-66: Ang paghanap ni Mr. Z. Wright kay Nonack para bumili ng PILL:

Wala sa mood si Nonack sa mga sandaling ito kaya walang gana siyang sumagot ng, "Nasa City Hospital ako ngayon, hanapin mo na lang ako pagdating mo rito."

"Sige, malapit na akong makarating diyan," tawa ng tao sa kabilang linya bago niya ibaba ang tawag.

Dumura naman ng dugo ang nasa sahig na si Chard habang naghihinanakit na tinititigan si Nonack "Huwag na huwag kang aalis dito!"

At pagkatapos ay tinuro niya si Sherlyn at sinabing, "Ikaw! Sinadya mo siyang dalhin dito hindi ba! Alisin mo na sa isip mo ngayon pa lang ang paghawak sa posisyon ng director!"

Dito na niya nilabas ang kaniyang cellphone at sinubukang magdial ng isang numero.

"Nagawa mo pang magtawag ng kakampi mo? Sige lang, naghihintay lang ako rito." Sabi ng nanlalamig na tumatawang si Nonack.

Napuno naman ng pagkabagabag si Sherlyn. Nilapitan nito ai Nonack at mahinang sinabi na, "Mas maigi kung aalis ka na ngayon, Nonack. Si Chard ang Chief of staff ng ospital na ito kaya siguradong may mga kakilala siyang mga importanteng tao na magagawa niyang tawagin sa mga ganitong pagkakataon. Marami siyang mga kakilalang mayayaman at maimpluwensiyang tao dito sa Donghai City."

Nag-aalala si Sherlyn na baka hindi makauwi nang payapa mula sa ospital na ito si Nonack at maging sa kahahantungan ng kaniyang karera bilang isang doktor.

"Huwag kang mag-alala, ako na ang bahala rito," sagot ni Nonack.

Ikaw na ang bahala? Nagulat sa sinabi niyang ito nang bahagya si Sherlyn. Noong nasa  kasal siya ni Jackson Wayne, nakita na ni Sherlyn ang hindi magandang relasyon ni Nonack at ng kaniyang pamilya. Wala rin siyang kahit na anong katayuan sa mga Perez para humingi ng tulong sa mga ito.

Magdidial na sana si Chard ng isang numero nang marinig nila ang paglalakad ng isang tao sa labas ng opisina.

"Nandito ba si Mr. Wayne?" Isang middle aged na lalaking may pormal na damit ang dahan dahang naglakad papasok sa opisina habang sinusundan ng dalawa niyang mga bodyguard.

Kahit na may approachable na mukha ang lalaking ito, nagawa pa ring maramdaman ng lahat ang nakakatakot na aurang nanggagaling dito. Tinatawag ang lalaking ito na ai Zachariah Wright.
Tatlong taon na ang nakalilipas mula noong maging commander siya sa Donghai Military Region. At matapos magretiro ay itinayo niya naman ang Hydrohill Group, ang pinakasuccessful na Forestry Company sa buong Donghai City. Ang malaking bahagi ng kinikita nito ay napupunta sa  Charity habang nagtatanim ng tonetoneladang mga puno sa kagubatan. Walang kapantay ang naaabot na reputasyon ng kumpanyang ito. Inilaan ni Zachariah ang kalahati ng kaniyang buhay para protektahan ang Donghai City na siyang naging dahilan ng pagkakaroon niya ng napakaprestihiyosong katayuan sa City na ito.

Kahit na si Chard ang Chief of Staff ng Donghai City Hospital, wala pa rin siyang autoridad para magpaalis ng mga pasyente ng ospital pero sapat na ang isang salita mula kay Zachariah Wright para maipatapon sa labas ng ospital ang nacaconfine na ama ni Nonack.

Ibinaba ni Chard ang kaniyang cellphone -- at para bang wala na siyang pag-asa na nagmakaawang "Pre... President Wright, tamang tama po ang pagdating ninyo rito! Tatawagan ko na po sana kayo para humingi ng tulong. Tulungan po ninyo ako!"

Nagsisisi namang tumingin sa mga ito ai Sherlyn. Alam niyang ito na ang katapusan nh kaniyang karera. Naririto na ang makakapangyarihang tao sa Donghai City. Kaya siguradong hindi na siya makakapagtrabaho pa rito kailanman.

Walang sinuman ang nag-akala na hindi papansinin ni Zachariah si Chard. Nilapitan niya si Nonack at nagtanong ng "Mr. Wayne?"

"Ako nga iyon," sagot ni Nonack. Hindi manlang nito nagawang tumayo.

'Son-in Law who surpasses them all'Where stories live. Discover now