CHAPTER 18

65 13 0
                                    

KABANATA 18

"Basura?"

Natuwa si Wency nang marinig ang sinabing ito ng matanda. Kung tama ang kaniyang iniisip, maaring ito ang box na ginagamit ng palasyo noong Quinlong period ng dinastiyang Qing. Mamahalin ang mga materyalis na ginamit sa paggawa nitonna mukha ring Golden-Thread Nanmu.

Kahit na makikitang kupas at sira na ang box na ito, mapapansin pa rin ang maingat na pagkakagawa sa box na nakalapag sa sahig kung titingnan maigi!

Ang box pa lang na ito ay nagkakahalaga nang daang libo pero itinuring pa rin nila itong basura?

At dahil sa dami ng karanasan ni Wency pagdating sa antiques, kusa niyang binuksan ang kaniyang bag nang hindi niya namamalayan at kumuha ng isang kulay pastel green na magnifying glass.

Ilang henerasyon nang nasa antique business ng pamilyang Young at madalas din silang nakakakita ng mga kayamanan sa tabi tabi. Ito ang dahilan kung bakit parati nilang dala ang magnifying glass na maaari nilang magamit para masuri ang kanilang mga natitiyempuhang antique.

"Ano ang ginagawa mo, President Young?"

Hindi mapigilan ang matandang babae na sabihing, "Isa lang iyang basura. Pupulitin yan ng mga maglilinis mamaya para itapon sa basurahan."

Nanatili namang tahimik si Young habang sinusuri ang bax na gawa sa kahoy gamit ang hawak niyang magnifying glass, makikita rin ang pagtulo ng pawis sa kaniyang noo.

Mayroong isang gintong dragon ang makikitang nakaukit sa box!

Kahit na mukhang dumaan ang box na ito sa ilang taon na pagkasira mula sa iba't ibang bagay, tanging ang magnifying glass lang ang makapagsasabi na ito ang box na ginagamit noon ng emperador!

Noong feudal era, iilan lang ang mga taong nakakapag-ukit ng dragon sa kung ano anong bagay! Ito ang panahon kung kailan tanging ang emperyo lamang ang may hindi mapapantayang awtoridad sa lahat at mga piling taga-ukit lamang ng emperador ang maaaring gumawa ng mga ganitong klase ng box.

Naunderestimate ni Wency ang halaga ng box na ito matapos masabing nagkakahalaga ito ng ilang  daang libong dolyar. Pero ang tunay nitong presyo da kasalukuyan ay hindi bababa sa isang milyon dolyar!

"President Young? Halika na at maupo." Naglakad si James palapit at nagbow bilang respeto kay Wency. "Nagsisimula na ang handaan, President Young."

Itinango ni Wency ang hawak niyang magnifying glass at bumulong ng, "Itong box na ito...? Kaninong regalo ito?"

"Walang bmay ari niyang Ms. Young!" Mabilis na ikinaway ni James ang kaniyang kamay, "Hawak mo sanang masamain ang sasabihin ko Ms. Young, pero mga nirerespetong tao ang mga bisita sa pagdiriwang na ito. Kaya hinding hindi sila magbibigay ng regalong napulot lang nila sa tabi ng kalsada. Haha!"

Sabagay, prestihiyoso pa rin naman kung maituturing ang pamilya Perez kaya hinding hindi nila sasabihing tumanggap sila ng ganitong klase ng regalo.

Habang nagsasalita, kinuha ni James ang box para itapon ito sa basurahan.

Nagpapasalamat namang  tumingin ang matanda kay James. Napakabait talaga nitong apo niyang si James sa kaniya kaya hindi siya nagsisi na ito ang naging paborito niyang apo!

"Sandali."

Muling nagsalita si Wency at kinuha ang hawak na box ni James. Naintindihan niya na ring hindi alam ng lahat ang tungkol sa bagay na ito! Isang bagay na pinulot lang sa tabi ng kalsada? Walang sinuman sa kanila ang nakaisip na isa talaga itong tunay na kayamanan!

Dahan dahang binuksan ng sabik na si Wency ang box. Dito na agad natulala at nanginig ang buong katawan ni Wency hanggang sa kaniyang mga buto!

Na iyon... ay walang iba kundi, maaari bang ito ang? Naghahallucinate na ba siya sa mga sandaling ito?

'Son-in Law who surpasses them all'Where stories live. Discover now