CHAPTER 13

65 13 0
                                    


KABANATA 13

"Malapit na ang Valentine's Day, Chen. Siguradong magiging biyaya para sa akin na makatanggap ng isang set ng Crown Line Cosmetics." Sabi ni Paula kay Chen.

"Ikaw? Nananaginip ka na siguro." Nakangiting sinabi ni Chen.

Sa kasalukuyan, ang Crown Line ng Poesia Eleganza ay may napakataas na presyo at limitado lang din sa 520 sets na siguradong ubos na. Ang mga pamilyang nakabili rito ay ang mga naglalakihang mga pamilya na may sapat na kuneksyon para magkaaccess dito. Habang ang mga pamilya naman na gaya ng mga Perez ay walang kahit na anong tiyansa para makabili ng kahit isa sa mga ito.

"Sige na, tama na." tawa ni Chen. "Halika na't magshopping ng mga damit. Malapit na rin ang birthday ni Grandma. Kailangan nating magmukhang presentable sa magiging selebrasyon ng aming pamilya."

Tumango rito si Paula, at magkasabay silang pumasok sa isang  store ni Chen.

Kinabukasan, sa Platinum Corporation.

Umupo si Nonack sa loob ng General Manager's office at tumayo mula sa sofa. 2 na ng madaling araw noong matapos ang kanilang inuman kaya hindi na siya umuwi pa sa kanila, dito na siya nagpasyang matulog sa kumpanya.

Dito na magvibrate ang kaniyang cellphone, sinwipe niya ito para buksan kung saan agad niyang nakita ang isang message na mula sa kaniyang biyenan na Samantha.

"Natututo ka na rin palang hindi umuwi ngayon, hindi ba? Huwag na huwag ka nang babalik dito kung ayaw mo nang magstay dito."

Wala pang limang minute matapos ang message na ito ni Samantha, Nakatanggap naman siya ng isang message mula kay Chen.

"Sa makalawa na ang birthday ni Grandma Perez. Bilhan mo siya ng regalo at huwag mo akong ipahiya masyado roon."

Agad na inalis ni Nonack ang kaniyang cellphone matapos basahin ang dalawang message na iyon at noong makarinig siya ng katok sa kaniyang pinto.

Isang magandang babae na nakasuot ng business attire ang naglakad papasok. Ito ay ang kaniyang secretary na si Pearl Jones.

"President Wayne, kapipirma lang po natin ng kontrata para sa partnership natin kasama ang mga Perez pero nagpadala na po ulit sila ng kinatawan para makipag-usap sa inyo." Sabi ni Pearl. "Sinabi nila na gusto nilang hawakan ang pagpapaganda sa imahe ng bago nating artista na si Janelle. Naghihintay na po sa labas si James para kausapin kayo."

"Sabihin mong umalis na siya." Sabi ni Nonack habang ikinakaway ang kaniyang kamay, "linawin mo sa pamilya Perez ang pagkansela ko sa kanilang kontrata.'

"Opo."

Yumuko si Pearl at naglakad palabas sa opisina.

Hindi mapakaling naghihintay si James sa labas ng pinto. Si Chen ang gumawa ng deal noon para sa kanila pero ipinasa pa rin ni Grandma Perez ang nagawa ni Chen kay James at ipinadala rin ito para makipag-usap sa Platinum Corporation! "Haha!"

Nagkaroon din ng usap usapan na napakaganda at mayroon daw napakasexy na katawan ang bagong artista ng Platinum Corporation na si Janelle. Kaya siguradong kikita nang malaki ang mga Perez sa sandaling pasikatin nila ang pangalan ni Janelle. At sa sandaling mangyari ito, si James na lang ang makikita ng lahat na gumawa ng lahat para makuha nila ang tagumpay na ito!

"Mr. Perez." Naglakad si Pearl habang suot ang kaniyang high heels.

Tiningnan ito ni James mula ulo hanggang paa. Hindi na kataka taka para sa Platinum Corporation na  kilala sa pagkakaroon ng napakaraming À-lis na mga artistang magkakaroon ng napakagandang sekretatya para sa presidente nito.

'Son-in Law who surpasses them all'Where stories live. Discover now