KABANATA 4"Hayop ka, kalalaba ko lang nito kahapon, makasabi ka ng madumi ito sa paningin mo ha?" isip ni Nonack sa kaniyang sarili. Magsasalita na sana siya ng kaniyang opinyon sa mga sinabi ni Janelle nang hatakin siya palayo ni Alex Armstrong.
Malapit sila magkaibigan noong high school pa lang sila. Nagkaroon na rin ng ilang pagkakataon kung saan nakipag-away at magcutting classes nang magkasama. Mukhang si Alex lang ang nag-iisang hindi nandidiri kay Nonack ngayong gabi.
Matapos hatakin si Nonack sa isang tabi, iniling ni Alex ang kaniyang ulo at sinabing "Bro, sinasabi ko sa iyo, isa ang tulad ni Janelle sa mga uri ng babaeng hindi natin dapat nilalapitan. Naghahanap ka ba ng sermon at kahihiyan sa ginawa mong iyong kanina?"
Hindi na nakapagsalita pa rito si Nonack at tumawa na lang nang mahina. Uninom at kumain silang lahat nang hindi namamalayan ang mabilis na paglipas ng gabi.
Maging si Janelle ay tipsy na rin kaya nang pilitin ng kaniyang mga dating kaklase, kinuha niya ang mikropono at kumanta habang dahan dahang sinasayaw ang kaniyang katawan. Naging mahinhin at kaakit akit ang kaniyang itsura sa mga sandaling ito na mas lalong nakapagpabighani sa mga lalaki na nasa kaniyang paligid. Napakaganda talaga ni Janelle.
Malalim na ang gabi nang magpasya silang umuwi. Hindi nakapunta sa reunion ang kanilang Class teacher dahil may bigla itong kinakailangan gawin last minute kaya nagpasya silang magkaroon na lang muli ng pagkikita sa susunod na Monday.
Habang papaalis, nagkandarapa ang mga lalaki sa kanilang klase na ihatid si Janelle pauwi. Pero agad itong sumakay sa kaniyang Porsche at umalis nang makarating sa entrance na gumulat sa kanilang lahat.
"Napakaganda niya talaga." Bulong ni Alex sa tabi ni Nonack. "Hindi na ako magtataka kung bakit mo nagawang tumabi sa kaniya kanina. Wala akong pakialam kahit mabawasan pa ng 10 taon ang aking buhay kung makakasama ko naman siya ng isang gabi."
Nanlalamig namang tumawa rito si Nonack. " Kung ganoon pinaplanong pumunta ni Janelle sa Platinum Corporation bukas para pumirma ng kontrata? Tamang tama," isip ni Nonack dahil pinaplano niya ring pumunta roon bukas para tanggapin ang bago niyang posisyon bilang President ng kumpanya. Naputol ang kaniyang pag-iisip nang biglang magvibrate ang kaniyang cellphone.
Natawa ang kaniyang mga kaklase sa paligid nang marinig ang kaniyang ring tone. Anong era na ba ngayon para makakita ako ng isang tao na gumagamit pa rin ng Nokia?
Mabilis pa sinagot ni Nonack ang tawag matapos makita ang nakadisplay na numero rito. Bago pa man siya makapagsalita, agad niyang narinig ang boses ng kaniyang biyenan na si Samantha sa kabilang linya. "Alam mo bang ngayon ang taunang reunion ng aming pamilya, Nonack? Gusto mo bang hintayin ka pa ng buong pamilya namin bago magsimula? Pumunta ka na rito ngayun din!"
Dito na napatili si Nonack nakalimutan na niya ang tungkol sa Family Reunion ng mga Perez!
Agad siyang sumakay sa kaniyang scooter habang nasa harapan ng kaniyang mga kaklase at mabilis na umalis. Pero kahit nagawa na niyang makalayo sa mga ito, nagawa pa ring marinig ni Nonack ang boses ng mga babae niyang kaklase na tumatawa sa kaniya.
Isang Land Rover ang nakikitang nakapark sa gate ng isang high end residence na matatagpuan sa Beihai City. Isang magandang babae ang makikitang nakatayo sa harapan ng sasakyan habang naiinip na tinitingnan ang kaniyang cellphone.
"Nakabalik na ako." Sabi ng humihingal na si Nonack. Itinabi niya ang kaniyang scooter at agad na tumakbo papunta kay Chen. Nagawa niyang makita na suot ng napagaganda nitong paa ang pares ng Worship of Crystal. Mukhang nagustuhan niya ang regalong ito na kaniyang agad na isinuot para sa reunion.
YOU ARE READING
'Son-in Law who surpasses them all'
AcakBiyenan. "Layuan mo na ang anak ko! Hindi siya karapat dapat para sa isang basurang tulad mo!" Makalipas ang tatlong araw, bumalik ang manugang nito sakay ng isang mamahalin sasakyan. Biyenan, "Parang awa mo na iho, huwag mo iwan ang anak ko."