CHAPTER LVII

50 15 1
                                    

K  ----------  57

"Oh wow, nagtatrabaho ka para sa isang tao. Haha!" Naeexagerate  na tumango rito si Kent.

Nagsimula nang magserve ang waiter. At dahil sa galit na ipinakita ni Faye kanina, nabawas bawasan na ang hindi magagandang bagay na lumalabas sa bibig ni Kent. Pero sinubukan pa rin niyang maghanap ng iba't ibang topic na magpapahiya kay Nonack kasama ng mga mayayamang spoiled brats na kasama niyang nagtatanong dito.

Hindi na makapagpigil pa rito si Faye, nagpaalam siya para pumunta sa washroom.

Nang umalis ito, agad na dinerekta ni Kent si Nonack. "Dude, kung ako lang sa iyo, aalis na ako rito sa lalong madaling panahon. Ano bang maganda ang makukuha mo sa pananatili rito? Alam mo ba kung anong klase ng lugar ito? Ang Oriental Pearl ay ang pinakamarayang hotel sa buong Donghai City. Sino ka para kumain dito?"

Hinampas ng kaniyang mga kasama ang lamesa bilang pagsang-ayon habang nanlolokong nakangiti ang mga girlfriend na kasama ng mga ito kay Nonack.

Agad ding sumali ang iba sa usapan, "Oo nga, kung hindi lang dahil sa hipag namin, iniisip mo bang magiging kaibigan mo kami?"

"Umalis ka na, masuwerte ka at hinayaan ka pa naming manatili sa dining area na ito."

"Sino ka ba sa tingin mo, nakikitirang manugang ng mga Perez? Iniisip mo bang magagawa mong makakain at magstay sa lugar na ito kung kailan mo gustusin?"

Nanatili namang kalmado si Nonack habang tumatawang sinasabi na. "Ikaw si Kent Hough hindi ba? Masyado ka nang kinain ng reputasyon mo-- masyado kang cheap sa paningin ko."

Hinampas ni Kent ang table at sinabing. "Hayop ka, ulitin mo ulit iyang mga sinabi mo!"

Wala namang pakialam na sumagot si Nonack. "Hindi porke't nagkaroon ng kaunting extrang barya ang iyong pamilya para magawa mong kumain sa Oriental Pearl ay maiisip mo nang isa kang mataas at hindi mapapantayang tao. Kung hindi pa oto cheap para sa iyo, ano pa nga bang dapat kong itawag sa iyo?"

Hindi na nakapagsalita pa rito si Kent. Nagulat maging ang kaniyang mga kasama habang ginaganahang nakatingin kay Nonack.

Mukhang wala na sa kaniyang sarili ang lalaking ito. Paano niya  nagawang pagsalitaan si Kent nang ganoon! Mukhang naging sobra ang mga Perez sa pagpapahirap sa kanilang manugang kaya nagawa na nitong maghanap ng ibang mapaglalabasan ng kaniyang galit. Pero nagawa pa rin niya ito sa maling tao. Pinagdidiskitahan mo si Kent? Sinusubukan na niyang mamatay nang maaga?

Nagngitngit ang mga ngipin ni Kent at sinabing. "Wow, iba ang isang ito. Isang toyboy na nangmamaliit sa atin."

Matapos nito, agad na tumingin ang nanghahamong si Kent kay Nonack. "Dude, huwag mo sabihin sa aking ikaw ang may-ari ng Oriental Pearl? Oh no, takot na takot ako sa iyo." Agad na sumabog sa tawanan ang buong box matapos itong sabihin ni Kent.

Bahagyang ngumiti rito si Nonack na agad kumuha sa kaniyang phone at idinial ang number ni Norman Woodall.

"Mr. Wayne!" Nasurpresa si Wayne nang sagutin nito ang tawag.

Pero direkta nang nagbigay ng instruction dito si Nonack, "Nasa Oriental Pearl ako ngayon, pumunta ka ngayon sa Dining Room 555." Matapos nito ay agad nang ibinaba ni Nonack ang tawag, umupo siya sa kaniyang kinauupuan, nagsalin ng tea at dahan dahan itong ininom.

Nagpatuloy naman sa pang-aasar si Kent kay Nonack, "Sino naman ang tinawagan mo Nonack? Ang asawa mo ba? O ang ibang miyembro ng mga Perez? Haha!"

"Para sa isang talunang kagaya niya, sa sandaling magkaroon ito ng problema, siguradong tatawagan nito ang kaniyang asawa, dahil kung hindi edi sino? Hahaha!" Paisa isa nilang binabanatan si Nonack.

'Son-in Law who surpasses them all'Where stories live. Discover now