CHAPTER 20

60 14 0
                                    

KABANATA XX

Si Arnold Salvo ang lalaking ito!

Kahit na hindi siya kilala ni Chen sa personal, madalas nang nababanggit ang pangalan nito ng kaniyang mga kaibigan sa kanilang mga usapa!

Marami ang nagsasabi na kilalang tao ai Arnold sa buong Donghai City dahil una sa lahat, bata pa siya, matapang, walang awa at higit sa lahat, hawak ng maimpluwensiyang tao na si Samson.

Si Samson ang may-ari ng Moonlit River Bar, ang pinakamarangyang bar sa buong Donghai City.

Kitang kita ni Chen ang mabagsik na mukha ni Arnold habang may hawak na itak. At kung magawa nitong maabutan ai Nonack, siguradong mapaparalisa o mapapatay niya ito.

"Dalian mo nang umalis!" Nabagabag na nang husto sa mga sandaling ito si Chen. Napatayo siya sa kaniyang upuan para hatakin si Nonack sa kinatatayuan nito pero agad siyang pinigilan ng kaniyang mga kasama sa table.

Hindi na rin maintindihan ni Chen ang kaniyang mga iniisip sa mga sandaling ito. Kahit na mababa lamang ang kaniyang tingin kay Nonack, hindi pa rin niya maiwasang magkaconcern dito nang makita niya na mabubugbog si Nonack ng grupo ni Arnold.

Pero hindi ganito ang naging pananaw ng mga tao sa kaniyang paligid at sa halip ay nasabik pa ang mga ito nang makita nil ang nalalapit na pambubugbog kay Nonack!

Ang pinakanaalarma  sa ginawang ito ni Chen ay si Donald na agad humila sa kaniya. "Ano ba ang dapat mo pang ikaconcern sa talunang ito ni Chen? Hindi niya alam kung paano lumugar at nagawa pang hamunin si James. Kaya dapat lang na mabugbog siya!"

Itinaas ni Arnold ang kaniyang itak at tumakbo papasok sa villa!

"Huwag kang mag-alala, James." Idinura ni Arnold ang sigarilyo sa kaniyang bibig habang sinasabi na "Gustong gusto ko nang makita kung sino ang mangmang na nagkaroon ng lakas ng loob na hamunin ang aking kinakapatid! Sisiguraduhin kong patay na ang magiging turing sa iyo ng lahat sa sandaling magpang abot tayo!"

Tumango nang husto si James at arogante naglakad papunta kay Nonack. Natuwa ito nang husto dahil sa pagkakaroon ng ganito kaganda reputasyon na nagbigay sa kaniya ng kakayahan papuntahin si Arnold sa sandaling mangailangan siya ng tulong!

Pero sa totoo lang, isang beses pa lang sila nagkita ni Arnold sa personal.

Isang beses noong napaaway si James sa isa pang driver. Nagresulta ito sa pagkasundo nilang dalawa na magkipag-away sa ibang lugar, dito na tinawagan ng nakaaway na driver ni James si Arnold.

Halos mapatay na ni Arnold si James noong mga sandaling iyon. Natakot sa kaniya nang husto si James kaya ginawa nito ang lahat para kaibiganin ang bumugbog sa kaniya.

Nalaman niyang mahilig magsugal si Arnold at madalas ding mawalan ng pera nang dahil dito. Kaya naisip ni James na pahiramin nang malaking pera si Arnold buwan buwan. Kahit na pagpapahiram ang naging tawag nila rito, hindi pa rin siya nagagawang mabayaran ni Arnold.

Wala ring intensyon si James na maningil ng mga naipautang niya kay Arnold! Hindi naman masama na bigyan niya ang lalaking ito ng pera buwan buwan kaya magagawa niyang makahingi ng tulong dito sa sandaling kailanganin niya ito.

Wala nang kahit na sinong kumalaban kay James mula noong makilala nito si Arnold. Malayo layo na rin kasi ang inabot ng reputasyon ni Arnold sa buong Donghai City kaya walanh sinuman sa mga bagong henerasyon ang nagkaroon ng lakas ng loob para harapin ito nang durekta!

10 metro na lang ang layo  ni Nonack at ni Arnold sa isa't isa nang magkatinginan silang dalawa.

At sa kasamang palad, malabo labo na rin ang mata ni Arnold kaya hindi niya pa rin nakilala si Nonack kahit na isingkit niya ang kaniyang mga mata! Dito na itinaas ng agresibong ai Arnold ang kaniyang itak at mabilis na sumugod kay Nonack!

'Son-in Law who surpasses them all'Where stories live. Discover now