CHAPTER 22

61 12 0
                                    

KABANATA XXII

Nagsimula na ring magbigay ng ispekulasyon ang ilang mga babae sa venue, sinabi ng iba na isa raw middle aged na bigotilyong lalaki si Mr. Wayne.

Sinabi naman ng iba na matangkad at guwapo raw si Mr. Wayne. Nagawa na nilang mailagay sa kanilang ispekulasyon ang lahat ng magagandang katangian na kanilang naiisip.

Dito na ikinaway ni Grandma Perez ang kaniyang kamay na nagpatigil sa usapan ng lahat.

Tumingin sa paligid ang mga tauhan ni Jerry pero hindi nakita ng mga ito si Nonack.

"Iiwan ko na lang ang birthday gift na dinala ko kung ganoon, mauuna na po ako." Bahagyang bow ni Jerry.

Nabagabag dito si Grandma Perez at iniling nang husto ang kaniyang ulo, nagawa rin nitong  magbow pabalik kay Jerry.

Nang makaalis si Jerry, binuksan na nila ang regalong iniwan nito. Ito ang regalong mas gumulat sa kanilang lahat!

Isa itong titulo!

" Para sa marami pang birthday at tagumpay na darating sa iyo. Sa iyong ipinagdiriwang na kaarawan, dala ko ngayon ang espesyal na regalo para sa iyo: ang southernwood villa, No. A88"

Natahimik dito ang lahat! Walang kahit na anong ingay ang narinig sa loob ng hall sa mga sandaling ito!

Malinaw na maririnig ng lahat maging ang pagkahulog ng isang karayom!

Isa.... Isa.... Isang villa bilang birthday gift!?

Hindi lang ito isang ordinaryong villa, isa itong southernwood villa! Matatagpuan ito sa mga nangungunang residential area sa buong Donghai City! At sa loob ng Southernwood Villa, mayroon tatlong mga pinakamahal na villa ang ibinebenta, ito ay ang A66, A88 at A99. Nasa 10 milyong doryar ang halaga ng bawat isang villa na ito!

Ang A88 ay ang pinakamahal naman sa kanilang tatlo. Makikita ito sa sentro ng Southernwood Community, mayroon itong pribadong  swimming pool, malaking bakuran, mini zoo at isang mini aquarium!

Ngayon ang birthday ni Grandma Perez, at nagawa siyang regaluhan ni Jerry ng villa na ito! Ito ay...

Isang tao lang ang hindi nagulat sa mga nangyayaring ito. Ito ay walang iba kundi si Chen.

Malinaw na malinaw para kay Chen ang inis niya sa basurang Nonack na iyon, pero mula noong umalis ito, hindi na siya maalis sa isipan ni Chen.

Kinuha ni Chen ang kaniyang cellphone at hindi napigilang magsend kay Nonack ng isang text message.

[Chen: Nasaan ka ngayon?]

Hindi nagtagal, nagreply naman si Nonack sa kaniya, [Nonack: Nasa bahay ako para mag-empake. Aalis na ako mamayang gabi.]

Nang mabasa ang reply na ito, agad na napuno ng isang hindi maipaliwanag ns pakiramdam sa kaniyang dibdib si Chen.

Isa lang basura si Nonack kaya dapat lang na gumaan ang loob niya sa pag-alis nito.

Napagat nang husto sa kaniyang labi si Chen at nagreply kay Nonack. [ Chen: Hintayin mo ako, pauwi na ako ngayon.]

Maaaring gusto niya itong makita sa huling sandali?

Sabagay, tatlong taon na rin silang kasal. Nadedevelop din ang feelings ng kahit na sino maging sa isang aso, paano pa kaya sa isang tao?

"Ma, lalabas na muna akp." Mahinang sinabi ni Chen  habang paalis ng villa.

Hindi pa nagigising ang lahat sa sobrang pagkagulat sa mga nakita nilang iniregalo nina Norman at Jerry kaya hindi nila napansin ang pag-alis ni Chen.

Tanging si Donald lang ang mabilis na sumunod kay Chen.

Nagdrive si Chen at huminto sa main entrance. Pero nang bababa na sana siya ng sasakyan, bakita niya si Donald na tumatakbo papunta sa kaniya.

"Bakit mo kailangang umalis nang biglaan, Chen? Tanong ni Donald. "Mapapapayag pa natin si Grandma Perez sa gusto nating kasal pagkatapos ng party kaya bumalik na muna tayo sa loob."

"Mauna ka na." sabi ni Chen habang nagmamadaling naglalakad papasok sa residential area.

"Chen!" sigaw ni Donald nang bigla nitong  hawakan ang kamay ni Chen. Dito na nakita ni Donald ang text message na sinend ni Chen kay Nonack!

"Makikipagkita ka pa rin ba sa basurang iyon? Napahinga nang malalim si Donald habang namumula ang kaniyang mga mata. "Ano bang mahihita mo sa basurang iyon, hayaan mo na siyang umalis ngayong gusto na niyang umalis! Bakit mo pa siya kailangang hanapin? Sumabay ka na sa akin pabalik!"

Nabagabag dito ang dibdib ni Donald. Alam niyang isa lang high quality replica ang Ping'an Tie ni Wang Xizhi na kaniyang ibinigay kay Grandma Perez. At siguradong kukuha ito ng isang eksperto sa antique para suriin ang scroll pagkatapos ng party, at sa sandaling mangyari ito, malalaman na rin ng matanda ang katotohanan hindi ba?

Ngayong walang wala na si Donald, ang nag-iisang hiling na lang niya ay ang makasama sa pagtulog ang diyosang ito ng kahit isang beses! Hangga't mapapapayag niya si Grandma Perez sa kanilang kasalan, magkakaroon siya ng magandang dahilan para madala si Chen sa kaniyang bahay na walang kahit na anong security camera na magmomonitor sa kanila! Sa mga sandali ring ito nagpaplano si Donald na maglagay ng gamot sa inumin ni Chen.

Habang iniisip ang mga bagay na ito, hinawakan ni Donald ang kaniyang bulsa na naglalaman ng isang sedative powder. Agad itong madidissolve kaya hindi ito mapapansin ng kahit na sino at sapat na rin ang isang lagok nito para humina ang katawang ng isang tao.

"Huwag mo akong hatakin," mahinang sinabi ni Chen. "Alam kong naging mabait ka sa akin, Donald, pero gusto ko siyang makita kahit sa huling sandali."

"Hindi." sabi ni Donald. "Bilisan na nating bumalik nang makita na natin kung papayag ba si Grandma Perez sa ating kasalan."

Nagtatalo ang dalawa nang tumigil ang isang Land Rover sa kanilang tabi. Bumaba mula rito si Samantha na nakasuot ng high heels.

"Donald, Chen, ano ang ginagawa niyo rito?" nagmamadaling tanong ni Samantha. "Dalian niyo nang bumalik, iaannunsuo na ni Grandma ang kasal ninyong dalawa.

"Gusto kong makita si Nonack sa huling  pagkakataon, hindi ako babalik doon! Hindi ako babalik kahit ano pa ang sabihin mo sa akin!" Sagot ni Chen habang kinakagat ang kaniyang labi nang husto.

Nagpapalit palit ang tingin ni Donald kina Samantha at Chen habang nagsasalita ng malademoyong tuwa ang kaniyang mga mata.

"Ikukuha ko na po muna kayo ng maiinom, auntie." Alok ni Donald.

Pumunta si Donald sa isang tindahan ng milk tea para bumili ng dalawang ng tasa ng milk tea na kaniyang nilagyan ng dala niyang powder.

Hinihila ni Samantha si Chen pabalik nang makita niya ang papabalik na si Donald na may dalang dalawang tasa ng milk tea na kaniyang ikinangiti.

Napakainit ng panahon noong mga sandaling iyon kaya ininom ng dalawa ang milk tea na binili ni Donald. Tumatawang sinabi ni Samantha na "Bilisan mo nang bumalik doon at maghintay sa pag-aanunsyo ni Grandma da kasalan ninyong dalawa, Chen. Tingnan mo kung gaano kabait si Donald, nagawa niya tayong dalhan ng milk tea ngayong bapakainit ng panahon."

Nang matapos sa pagsasalita si Samantha, naramdaman niys ang panghihina ng kaniyang katawan na para bang nawawala na siya sa kaniyang balanse sa pagtayo.

Ito rin ang naramdaman ni Chen,  nanginig naman ang kaniyang mga kamay at nabitawan ang dala niyang milk tea.

*****
Time     :     5 : 29 pm
Date      :    10 - 08 - 21
Noted    :   Follow & Vote
*****

'Son-in Law who surpasses them all'Where stories live. Discover now