K ---------- 56Pero naiba sa mga ito si Nonack.
Naiba nga rito si Nonack dahil mayroon itong hawak na isang mahalagang bagay na gaya ng isang Golden Pill at nagawang ring maging isang Level Two Master sa loob lang ng napakaiksing panahon.
Habang nag-iisip, biglang huminhin ang tono ng boses ni Faye, "Kung ganoon, ano ba ang dapat kong gawin para makakuha ng isa pang Golden Pill.'
Kahit suot ang kaniyang uniform, makapigil hininga pa rin ang hubog ng katawan ni Faye. Tawa ni Nonack. "Sige, paano kaya kung magsabi ka ng magagandang bagay na tungkol sa akin. Batiin mo ako pero kailangan mong maging sincere rito. Bibigyan kita sa sandaling matuwa ako rito "
Bumagsak dito ang mukha ni Faye. Hindi na niya ito dapat gawin! Wala rin sa kaniyang bokabularyo ang pagyuko sa harapan ng iba para sa ikatutuwa ng mga ito.
Binagalan niya ang pagpapatakbo sa kaniyang sasakyan habang napapakagat sa kaniyang labi habang nag-iisip nang malalim. Matapos ang isang sandali, sumuko na rin siya at sinabing "Nonack, ikaw... Ikaw ang pinakaguwapong lalaki na nakilala ko, kaya maaari bang bigyan mo ako ng isa pang Golden Pill?"
Tumawa rito si Nonack. Pero inaamin niya sa kaniyang sarili na ang pagsunod ng isang malakas at magandang babae na kagaya ni Faye ay siguradong tatami sa puso ng kahit na sinong lalaking hindi makakapagpigil sa kaniyang mga sariling ibigay ang gusto nito, at kasama na siya sa mga lalaking ito.
"Sige na, sige na nga, bibigyan kita mg isa," Natutuwang pumayag dito si Nonack na nagbigay kay Faye ng isang pill.
"Maraming Salamat!" Agad
namang tinanggap ni Faye ang pill.Nang hindi na niya maitago pa ang kaniyang saya, mabilis niyang kinuha ang kaniyang cellphone at nagdial ng isang numero, "Hello, nakuha ko na ang pill na gusto mo. Gusto mo bang pumunta na ako riyan para ibigay ito sa iyo?" Nagsabi ng ilang bagay na hindi maririnig nang malinaw ang tao sa kabilang linya ng tawag, tumango rito si Faye at agad na ibinaba ang tawag.
"Nonack, mayroon akong kaibigan ngayon na kasalukuyang nasa Oriental Pearl. Puntahan na ba natin siya para makapagpasalamat sa iyo nang personal?" Sabi ni Faye.
"Sige," tango ni Nonack.
Sa Oriental Pearl, dinala ni Faye si Nonack sa isang pampribado at marangyang dining area. Makikita sa loob nito bang ilang mga magkasintahan na kung saan agad nakilala ni Nonack ang mga kalalakihan na siyang tinatawag na trust fund babies ng Donghai City na dumadalo sa annual gaya ng pamilya Perez. Kahit na nagmula sila sa mayayamang pamilya, pinapatay pa rin nila ang kanilang mga oras sa mga walang kakuwenta kuwentang bagay.
Nang makita nila si Megan, isa sa mga lalaki ang tumayo at nakangiting sinabi na, "Guys, guys! Ito nga pala ang girlfriend kong si Faye. Binigyan niya ako ngayon ng isang Golden Pill kaya magagawa ko na ring makatungtong sa Master General sa wakas!"
"Ano?" Natigilan dito si Nonack! "Buwisit! Nanghingi sa akin si Faye ng isang Golden Pill para lang sa hayop na ito? At siya rin ang boyfriend nito?"
"Wow! Kent Hough na siyang tagapagmana ng Everlasting Group. Napakayaman ng kanilang pamilya, pero hindi maikukumpara ang tigas ng ulo na mayroon ang isang ito habang si Faye naman ay isang diyosa kaya paano nagawang sumama rito ng isang katulad niya?"
Sinubukang hawakan ni Kent ang kamay ni Faye pero dahan dahang naman itong inalis ni Faye, "Napakaraming tao sa paligid natin ngayon Kent! Huwag natin itong gawin dito."
Ngumiti naman si Kent at tumingin sa kaniyang mga kasama sa paligid, "Guys, tingnan niyo ang girlfriend kong ito! Hanggang holding hands lang daw ang gusto niya, ni hindi ko manlang siya mahalikan. Sinasabi niya na ibibigay niya lang daw ang sarili niya sa akin sa sandaling ikasal na raw kami! Kaya huwag niyo na akong tuksuhin ah, haha!"
YOU ARE READING
'Son-in Law who surpasses them all'
RandomBiyenan. "Layuan mo na ang anak ko! Hindi siya karapat dapat para sa isang basurang tulad mo!" Makalipas ang tatlong araw, bumalik ang manugang nito sakay ng isang mamahalin sasakyan. Biyenan, "Parang awa mo na iho, huwag mo iwan ang anak ko."