KABANATA 5
Nasa kamay ng kaniyang lola ang pamamahala sa buong angkan ng mga Perez, at si James ang pinakapaburito nitong miyembro ng angkan. Naging maganda rin ang ipinakitang performance ni James dahil mayroon na itong hindi bababa sa 30 million dollars na halaga ng mga ari arian. Kaya siguradong mamasamain ang sinumang babastos o makakaaway nito.
"Anong ginagawa mo Mom tanong ni Chen habang naglalakad papalapit para awatin kaniyang ina.
Kahit na kinaiinisan ni Chen si Nonack, nagawa pa rin nito ipagtanggol siya at ibangon sa nararamdaman niyang kahihiyan.
Hinawakan ni Nonack ang kaniyang mukha kung saan makikita ang namumulang bakas ng kamay ni Samantha. Pero nagpakita pa rin siya ng kaunting ngiti. Matapos ng tatlong taon nilang pagsasama, ito ang unang beses na kampihan siya ni Chen. Tumalikod na lang si Nonack at nakangiting umalis.
"Bumalik ka ritong basura ka!" kahit na nakalayo na siya kay Samantha. Narinig niya pa rin ang malakas nitong sigaw.
Habang pinapanood ng lahat ang kahahantungan ng kaguluhang ito, isang matandang boses ang maririnig hindi kalayuan.
"Ano ang kaguluhan ito?" tanong ni Grandma Perez habang naglalakad papunta sa stage. Agad na natahimik ang maingay na hall nang makita siya ng lahat.
"Sige na, sige na, hindi na kailangan ng ganyang formality. Maupo na kayong lahat." Ikinaway ni Grandma Perez ang kaniyang kamay, at matapos suportahan ng ilang mga tao, dahan dahan siyang umupo sa kaniyang upuan. "Ayon sa mga pinagkakatiwalaan kong mga source, magkakaroon ng bagong President ang Platinum Corporation ng Donghai City bukas."
"Woah!"
Agad na uminit ang usapan sa paligid. Mayroong sampung mga advertising company na pag-aari ang mga Perez. At nitong mga nakaraang taon, ginagawa ng mga Perez ang kanilang mga makakaya para magkaroon ng partnership sa pagitan nila at ng Platinum Corporation dahil ito ang pinakamalaking entertainment company sa buong Donghai City. Siguradong magiging stable ang kanilang kita sa sandaling matupad ang partnership na ito.
Pero ang nagmamayari sa Platinum Corporation ay walang iba kundi ang angkan ng Wayne na may mababang tingin sa mga Perez! Ang bawat isang request para sa partnership ay agad na nirereject ng mga ito. Kaya sa pag-upo ng bagong president ng kumpanya, kinakailangan muling subukan ng mga Perez na lumapit at humiling ng partnership sa mga ito!
"Sinong may gustong makipag-usap tungkol sa hiling nating partnership?" Dahan dahang tinanong ni Grandma Perez habang tumitingin sa buong hall. "Ang sinumang matagumpay na makikipag partnership sa Platinum Corporation ay kikilalanin bilang miyembro na may pinakamalaking naiambag sa ating angkan!"
"Ako na lang po!"
"Ako na po ang pupunta lola!"
"Gusto ko rin pong makipag-usap sa kanila!"
Nagkandarapa ang lahat sa role na iyon maliban na lang kay Chen. Alam niya na masyado nang mababa ang kaniyang katayuan sa kanilang angkan para mapili sa mga ganitong klase ng gawain.
Matapos makita ang nasasabik na mga tao sa paligid, natutuwang itinango ni Grandma Perez ang kaniyang ulo at ngumiti. Tinuro niya si James at sinabing "James, bakit hindi ka pumunta roon bukas at subukan silang kausapin."
Nanlaki ang mga mata ni James at nasasabik na tumungo.
Mag-isang umalis si Nonack at sumakay ng taxi pauwi. Kailangan niyang bawiin ang kaniyang tulog kagabi mula sa pagkasabik na kaniyang naramdaman mula noong ibalita sa kaniya ang biglaan niyang pagyaman.
Napakahimbing na natulog ni Nonack noong gabing iyon. At noong kinaumagahan ay agad siyang umalis matapos mag-almusal at nagpunta sa Platinum Corporation gamit ang kaniyang scooter.
YOU ARE READING
'Son-in Law who surpasses them all'
De TodoBiyenan. "Layuan mo na ang anak ko! Hindi siya karapat dapat para sa isang basurang tulad mo!" Makalipas ang tatlong araw, bumalik ang manugang nito sakay ng isang mamahalin sasakyan. Biyenan, "Parang awa mo na iho, huwag mo iwan ang anak ko."