CHAPTER 23

61 11 0
                                    

KABANATA XXIII

Makalipas ang 30 minuto, sa bahay ni Donald.

"Tulong, tulungan ninyo kami!"  Sigaw ng nakataling si Samantha!

Hindi kailanman pumasok ss isipan ni Samantha na gagawa ng ganitong klase ng bagay ang inaasahan niyang magiging asawa ng kaniyang anak! Pareho silang nakatali ng anak niyang si Chen sa mga sandaling ito.

"Shhh." Sabi ni Donald habang nilalagay ang kaniyang darili sa kaniyang mga labi para mapatahimik ang dalawa. "Huwag na kayong sumigaw dahil wala rin namang makakarinig sa inyo kahit na anong sigaw pa ang gawin ninyo. Mas makapal nang tatlong beses kaysa sa normal na pader ang mga pader ng bahay ko. Kaya huwag na kayong magsayang ng lakas." Sabi ng masiglang si Donald.

Nagsara nang husto ang mga kamao ni Samantha habang namumula ang kaniyang mga mata. "Huwag kang magpadalos dalos, Donald, isa kang talentadong bata na may magandang kinabukasan, huwag mong sirain ang kinabukasan mo!"

"Manahimik ka!"  Mabilis na naglakad si Donald papunta kay Samantha, sinabunutan niya ito at sinabing "Sirain ang kibabukasan ko? Magpapakatotoo na ako sa iyo, sira na ang kinabukasan ko! Nakipaglaban at nagtiis ako para sa aking negosyo sa loob ng sampung taon, at ngayong nagsisimula ko nang anihin ang mga paghihirap ko, inalis naman ako ng pamilya Wayne sa aking kumpanya!"

"Ano... Ano ang sinabi mo?" Nagugulat na sinabi ni Chen. "Pinaalis ka nila sa kumpanya? Hindi ba't ibinenta mo ang kumpanya mo para maibili ako ng Worship of Crystal?"

"Hahaha!"

Tumawa si Donald at dahan dahang tumayo mula sa kaniyang higaan. "Naniwala ka naman sa kalokohang pinagsasabi ko? 30 million dollars lang ang net worth ko, pero naisip mo pa ring 30 million dollars na ito para maibili ka lang ng isang pares ng heels? Nahihibang ka na siguro!"

Isinara ni Donald nang husto ang kaniyang mga kamao at sinabing. "Oo, maganda at sexy ka nga, pero hondi pa rin ito dahilan para tumaas ang tingin mo sa iyong sarili! Sa totoo lang, hindi ako ang nagbigay sa iyo ng mga heels na iyan! Inisip ko noon na isa kang classy na diyosa Chen, pero mukhang isa ka ring nabubulok na basura! Sigurado akong marami ka nang lalaki na nasamahan hindi ba? Kasi kung hindi, bakit hindi mo kilala kung sino ang nagbigay ng mga heels na iyan sa iyo?"

"Hayop ka, Donald Dinindo!"

Nagalit dito nang husto si Chen. Gusto niyang sampalin ng dalawang beses si Donald nang malakas! Pero kasalukuyan siyang nakatali kaya hindi niya ito magawa. Napakagat na lang si Chen sa kaniyang mga labi hanggang sa halos magdugo na ang mga ito.

Nagsindi si Donald ng isang sigarilyo mula sa kaniyang bulsa at hinigop ito bago sabihing. "Huwag kayong mag-alala, iingatan ko kayong dalawa mamaya."

"Isa kang mabuting tao, Donald, bakit ka nagpadala sa mga nararamdaman mo?" Nabablangkong tanong ng nakatitig na si Samantha.

"Bakit?" Ulit ni Donald habang punong puno ng pagbagsak ang kaniyang mukha. "Dahil wala nang natitira sa akin! Pinaalis ako ng mga Wayne at tinanggal ang lahat ng ibinibigay nilang suporta sa akin! At alam mo kung akit?"

Tumawa nang malakas si Donald habang sinasabi ito. "Tinanong ko ang mga Wayne, at ang sinabi nila sa akin, inalis daw nila ako dahil mayroon daw akong nabastos na isang tao na hindi ko dapat bastusin. Pero ang nakakatawa pa rito, wala pa rin akongbideya hanggang ngayon kung sino ang navastos ko! Kaya sumusuko na ako, hindi ko na magagawa pang magpatuloy sa bagsak kong buhay. Ilang taon na rin kitang gusto Chen, kaya sisiguraduhin kong matutupad ko kahit ang bagay lang na ito ngayong araw!"

Nagpalitan ng tingin sina Chen at Samantha, parehong nasa gitna ng desperasyon ang mga ito.

Nang bigla silang makarinig ng katok sa pinto!

Nanginig ang katawan ni Donald sa sobrang pagkagulat. Mabilis niyang tinuro sina Samantha at Chen at nagbabals sa mga ito "Siguradong hindi na kayo makakalabas nang buhay sa sandaling gumawa kayo ng  kahit anong ingay."

At pagkatapos, sinagot ni Donald ang tao sa pintuan, "Sino iyan?"

"Hello sir, dumating na po ang mga kandila na inorder ninyo," sagot ng isang boses mula sa labas ng pintuan.

Dito na nakahinga nang maluwag si Donald. Isa lang pala itong delivery boy. Umorder siya ng mga kandila noon para sana sa pag-iimbita niya kay Chen na magkaroon silang dalawa ng isang candlelight dinner pagkatapis pumayag ni Grandma Perez ss kanilang kasalan, pero ngayong nag-iba na ang takbo ng mga pangyayari, hindi na ito kailangan pa.

Iwan mo na lang iyan sa pinto. "Utos ni Donald.

"Pasensya na sir pero kailangan niyo pong pumirma para  maverify na tinanggap niyo po ang parcel."

"Ang dami namang  ipinapagawa nito." Sabi ng naiinip na si Donald habang binubuksan ang pinto.

Sa mga sandali ring ito agad na tumingin si Samantha kay Chen.

"Dalian mong mag-isip ng paraan."

Naintindihan ni Chen ang gustong ipahiwatig ni Samantha. Wala na epekto ng gamot sa kaniyang katawan pero kasalukuyan pa rin itong nanghihina. Pero matspos itong pilitin na gumalaw, nagawa niyang mailabas ang kaniyang cellphone, dito na siya paisa isang pumindot para magsend kay Nonack ng text message.

"Nasisiraan ka na ba!" mahinang sermon ni Samantha. "Tumawag ka ng pulis! Ano bang maitutulong sa atin ng basurang iyan! Tumawag ka na ng pulis!"

Namula ang mga mata ni Samantha. Kahit na dumating ang basurang iyon, wala pa rin silang mapapala rito! Pero hindi pa rin siya makapaniwalang iniisip pa rin ito ng anak niyang si Chen!

Hindi nagtagal, nagbago ang isip ni Chen at agad tumawag sa pulis.

Sumagot ang pulis sa kabilang linya pero hindi gumawa ng kahit na anong ingay si Chen, at sa halip ay biglang tinap ng walang tigil ang screen ngbkaniyang cellphone bago agaf na ibaba ang tawag.

Siguradong pagsisisihan nilang dalawa sa sandaling malaman ito ni Donald!

Professional at dedicated sa kanilang trabaho ang Police Force ng Donghai City. Kaya kung natalino ang mga call operators nito, siguradong malalaman nilang nasa panganib ang taong tumawag sa kanila.

Matapos pumirma ni Donald sa ipinadeliver niyang mga kandila, inilagay niya ang parcel sa lamesa at muling naglakad pabalik sa higaan na kaniyang kinauupuan kanina.

Hindi na makapagpigil pa si Donald matapos makita ang dalawang mga nagagandahang babae sa kaniyang harapan...

Samantala, sa villa ng mga Perez.

*****
Time      :      9 : 16 pm
Date       :      10 - 08 - 21
Noted     :     Follow & Vote
*****

'Son-in Law who surpasses them all'Where stories live. Discover now