Nagulat si Jackson nang makita niya ang confidence sa mga mata ni Nonack at agad na tumango. Sa ilalim ng mga mapanghusgang mata ng mga tao sa paligid, tumungtong si Jackson sa isang upuan at ibinaba ang eight diagram na salaming nakasabit sa dingding."Nahihibang ka na rin ba, Jackson? Paano mo nagawang maniwala sa nakikitirang manugang na ito?" Reklamo ni Yumi sa isang tabi.
Hindi siya pinansin ni Jackson. Naniwala nang husto si Jackson kay Nonack dahil sa napakalalim nilang pinagsamahan mula noong mga bata pa lamang sila.
"Dalian ninyo. Bilisan ninyong buhatin si President guy sa tabi ng maliit na lawa. "Utos ni Jackson sa mga waitress matapos .ibaba ang eight diagram na salamin.
Natigilan nang isang sandali ang mga waitress at agad na binuhat si Abby palabas.
Matapos makita ang pangyayaring ito, mahinhing iniling na lang ng mga tao sa paligid ang kanilang mga ulo.
Tama nang si Nonack na lang ang magsalita ng mga walang kabuluhang bagay sa mga sandaling ito, pero nagawa rin maging ni Jackson na mawala sa kaniyang sarili?
"Anong nangyari sa kapatid ko? Tumabi kayong lahat!"
Nang biglang narinig ang isang malalim at nanlalamig na boses sa entrance ng villa. Isang lalaking nakasuot ng isang itim na suot na may bulaklak sa bulsa nito sa harapan ang naglakad palapit, makikita sa kaniyang likuran ang 10 mga matitipunong lalaki na nakasuot ng itim na mga T Shirt.
Makikita sa ilalim ng mga damit ng binata ang tottoo ng isang itim na Dragon. Mabilis itong napansin ng sinumang tumingin sa kanila.
Siya ay walang iba kundi si Brandon, ang nakababatang kapatid ni Abby na kilala bilang isang walang awang pinuno ng mga gangster sa mga kalye ng Donghai City.
Napatahimik ng kaniyang pagpapakita ang mga umattend na bisita na nagbigay respeto rin sa kaniyang pagdating.
"Mga hayop kayo! Ano bang ginagawa ninyong mga Wayne sa kapatid ko? Bakit hindi niyo pa siya dinadala sa ospital?" Sigaw ni Brandon.
Nasa tabi na si Brandon ng maliit na lawa nang makita niya ang kaniyang kapatid na walang malay na nakaupo sa isang upuan.
"Kumalma po kayo Mr. Brandon at hayaan ninyo akong magpaliwanag." Sabi ni Drake habang pinupunasan ang pawis sa kaniyang noo.
Pero bago pa man ito makapagpatuloy sa pagsasalita, biglang naglakad palapit si Yumi na siyang nag-ipon sa kaniyang natitirang lakas ng loob.
"Mr. Brandon, gusto na po sana naming dalhin ang kapatid ninyo sa ospital, pero nagpumilit po siyang pigilan kami. Kaya wala na pong kasalanan ang mga Wayne rito." Sabi ni Yumi habang nakaturo kay Nonack, napuno ng inis at gigil ang mukha ng manugang na ito ni Nonack.
"Ikaw?" Lingon ni Brandon, dito na ito tumitig nang husto kay Nonack. "Ikaw ang nakikitirang manugang ng mga Perez hindi ba? Bakit mo ito ginagawa?"
"Wala naman pong mali sa inyong kapatid. Nabastos niya lang ang isang masamang espirito kaya magigising na siya sa loob lang ng isang sandali," sagot ni Nonack.
Nanginig ang dulo ng mga mata ni Brandon nang makita ang relax na pagsasalita ni Nonack. "Huwag mo na akong lokohing hayop ka. Anong nakabastos sa isang masamang espirito? Sinasabi ko na sa iyo ngayon pa lang, hindi ka na sisikatan ng araw sa sandaling may mangyaring hindi maganda sa kapatid ko."
Lumingon muli si Brandon para bigyan ng ilang nanlalamig na tingin si Drake. "Kasama sa sinabi kong ito ang mga Wayne. Sa tingin niyo makakatakas na kayo sa ginawa ninyong ito sa aking kapatid."
Parang isang malamig na hangin sa winter season ang naging boses ni Brandon. Ang sinumang nakarinig nito ay nakaramdam ng panlalamig sa kanilang mga puso.
YOU ARE READING
'Son-in Law who surpasses them all'
RandomBiyenan. "Layuan mo na ang anak ko! Hindi siya karapat dapat para sa isang basurang tulad mo!" Makalipas ang tatlong araw, bumalik ang manugang nito sakay ng isang mamahalin sasakyan. Biyenan, "Parang awa mo na iho, huwag mo iwan ang anak ko."