KABANATA 14"Mag-isip ka nang mabuti Chen. Isipin mo na lang kung gaano karaming sermon at pagpapahiya ang kinakailangan mong harapin mula noong pakasalan mo si Nonack."
Nanlalamig na sinabi ni Samantha. "Binigyan natin siya ng makakain at masisilungan sa loob ng tatlong taon ninyong pagsasama. Pero atleast ay nagawa niyang matulungan ang ating pamilya sa pagpapahiram sa atin pera para maibangon ang ating kumpanya. Kaya pantay na kami ngayon ni Nonack at ang hinihiling ko lang ay ang pakikipaghiwalay mo sa talunang iyan.""Mom..." napakagat na lang sa kaniyang labi si Chen.
"Tinawagan din ako ni Donald at sinabing dadalo raw siya sa birthday ni Grandma Perez." Nagpatuloy si Samantha sa pagsasalita. "Naghanda raw siya ng magandang regalo na siguradong magugustuhan ni Grandma. Dapat lang na mapunta ka sa kaniya sa sandaling magustuhan siya ni Grandma."
Habang nagsasalita, nakita ni Samantha ang isang lalaki na naglalakad mula sa malayo. Nakasuot ito ng isang suit at leather na sapatos habang dala ang isang suitcaae. Ang lalaking ito ay walang iba kundi si Roberto, ang ama ni Chen.
Lumapit din sina Chen at Samantha para salubungin ito.
Nag-usap usap silang tatlo at nagtawanan palabas ng airport.Pag-uwi agad na nagluto si Samantha ng isang mamahaling pagkain. Si Nonack ang palaging nagluluto para sa kanila at matagal na ring hindi nakakapagluto si Samantha kaya hindi na kataka taka kung bakit nagawa nitong panatilihin ang kaniyang itsura sa ganitong edad.
Habang nasa dinner table, tinanong ni Samantha si Roberto kung kamusta ang buhay sa abroad.
Sinabi naman ni Roberto na hindi naging interesante ang kaniyang buhay sa ibang bansa, maliban sa kaniyang pagkain sa loob ng mga high class hotels tatlong beses sa isang araw at ang araw-araw na pakikipag-usap sa pinakamayayang tao sa rehiyon ng bansang iyon. Pinaganda niya nang husto ang kaniyang mga kuwento at habang nagsasalita, naglabas siya ng isang cheke na kaniyang sinulatan bago ibigay kay Samantha.
50 million!
Umabot hanggang tainga ang mga ngiti ni Samantha nang makita niya ang cheke!
"Hahaha, tapos na rin ang mga paghihirap natin! Nagawa mong maglabas ng cheke na nagkakahalaga ng 50 million na parang wala lang!"
"Narinig kong nagkaproblema raw ang kumpanya mo nitong mga nakaraang araw, Chen. Nangailangan daw ito ng five million?" tumingin si Roberto kay Chen at sinabing, "Nag-alala ako sa iyo noong tumawag ang mom mo nitong nakaraang araw, pero wala akong magawa dahil nasa stock market pa ang pera ko noon. Pero ok naman na ang lahat ngayon, nagawa ko nang makuha ang pera ko roon."
Magsulat muli si Roberto ng isa pang cheke habang nagsasalita.
"Ito pa ang isa pang cheke na nagkakahalaga ng 50 million." Tumawa si Roberto at sinabing "Oo nga pala, hindi niyo agad mapapapalitan ang mga cheke na iyan. Mapapalitan niyo lang yan matapos ang isang linggo dahil magiging valid lang iyan sa sandaling umalis ako ng bansa."
Mayroon bang ganitong klase ng requirements?
Naniwala pa rin si Samantha sa mga sinasabing ito ng kaniyang asawa kahit na nagkaroon ito ng ilang bagay na kaniyang ikinapagtaka at tumango na lang nang paulit ulit habang ngumingiti.
Sa wakas, makakaahon na muli sila matapos magtiis ng napakatagal na panahon. Gusto na nilang malaman kung mamaliitin pa rin ba sila ng lahat sa sandaling dumalo sila sa birthday ni Grandma Perez!
Ding-ding!
Masayang nag-uusap ang pamilya nang biglang magring ang phone ni Chen. Matapos tingnan ang caller ID nito, agad na nagtinginan ang buong pamilya.
YOU ARE READING
'Son-in Law who surpasses them all'
DiversosBiyenan. "Layuan mo na ang anak ko! Hindi siya karapat dapat para sa isang basurang tulad mo!" Makalipas ang tatlong araw, bumalik ang manugang nito sakay ng isang mamahalin sasakyan. Biyenan, "Parang awa mo na iho, huwag mo iwan ang anak ko."