KABANATA XIX
Nang ipagpatuloy na sana ni Wency ang pakikipag-usap kay Nonack, ngumiti si Grandma Perez at naglakad papunta kay Chen habang may hawak na wine glass.
Napatigil ang lahat sa pagkain nang makita nilang papalapit ang matanda sa kanila.
Chen, may gusto sana akong itanong sa iyo." Dahan dahang nagsalita ang matandang babae.
"Ok lang po, ano po iyon Grandma?" sabi ni Chen.
Tumango si Grandma Perez at nagsalita. "Birthday ng lola mo ngayon, Chen, kaya maipapangako mo ba sa akin na pupunta ka sa Platinum Corporation para makipagnegosasyon? Malaki ang kikitain ng pamilya natin sa sandaling ipahawak nila sa atin si Janelle. Ok lang ba sa iyo ito?"
"Ito ay..."
Hindi na alam ni Chen kung ano ang dapat niyang isipin nang palihim siyang tumingin kay Nonack.
Kay James napunta ang lahat ng effort na ginawa niya para mapapayag ang Platinum Corporation na makipagpartner sa kanila, ito ang uminis nang husto sa pag-iisip na si Chen.
Sinabihan din siya ni Nonack na huwag siyang pumayag sa request na ito ni Grandma Perez.
Hindi na kataka taka nakita niyang iniiling ni Nonack ang kaniyang ulo.
Nagngitngit ang mga ngipin ni Chen. Kakailanganin niyang tanggihan ang pakiusap sa kaniya ng matandang nagdiriwang sa kaniyang kaarawan kung pakikinggan niya ang talunang iyon.
"Oo naman, Ma." Biglang tumayo ang ina ni Chen na si Samantha. " Si Chen na po ang bahala rito. Siguradong hindi ka niya po bibiguin!"
"Mabuti kung ganoon!" Ngiti ng matandang babae.
Pero sa mga sandaling ito, walang ni isang nag akala na bigla ring tatayo ang tahimik na nakaupo sa isang tabi na si Nonack.
"Huwag na kayong umasa."
Naging matindi ang mga salita na kaniyang binitiwan!
"Si Chen naman talaga ang unang nakipagnegosasyon para sa kontrata, pero agad itong inangkin ni James." Nanlalamig na sinabi ni Nonack. "Ngayon niyo lang ulit naalala ang asawa kongayong ayaw nang kilalanin ng Platinum Corporation si James, tama?"
"Ikaw... Anong sinabi mo?" Tumuro ang galit na galit na matanda kay Nonack.
Tumingin ang mga miyembro ng pamilya Perez kay Nonack na para bang nakatingin sila sa isang taong wala sa kaniyang tamang pag-iisip.
Nasisiraan na ba siya? Naiisip niya pa ba kung ano ang katayuan niya sa pamilya Perez? Siya lang naman ang nakikitirang manugang ng pamilya Perez! Kaya mas naging masarap pa ang buhay ng aso na pagmamay-ari ng mga Perez kaysa sa kaniya!
"Matagal na akong nagpipigil sa iyo!" Hindi na bakapagpigil pa si James na biglang pumasok sa eksena. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo ngayon? Sino ka nga ba para diktahan ang mga dapat at hindi dapat gawin ni Chen? Nagsisimula ka ba ng gulo sa birthday ng lola namin? Nagsuot ka ng mumurahing mga damit, nagregalo ng basurang pamaypay at ngayon ay nagsisimula ka namang makialam sa usapan ng aming pamilya? Papatayin talaga kiya!"
Agad na sumuntok nang malakas ni James pagkatapos na pagkatapos nitong magsalita!
Mukhang ibinigay niya na ang lahat ng kaniyang lakas sa suntok na iyon! Paboritong paborito si James ni Grandma Perez kaya naispoil na ito noong bata pa lang siya. Ang pagiging spoil na, ito ang naging ugat kung bakit siya nagkaroon ng maiksing pasensya. Kaya kilala siya sa pakikipag-away at pagiging number 1 bully sa kanilang school. Pero kahit isa na siyang matanda ngayon na palaging busy sa kaniyang negosyo, kilala pa rin siya bilang isang tao na kayang dalhin ang kaniyang sarili at kakilala ng karamihan sa mga big boss sa komunidad.
YOU ARE READING
'Son-in Law who surpasses them all'
RandomBiyenan. "Layuan mo na ang anak ko! Hindi siya karapat dapat para sa isang basurang tulad mo!" Makalipas ang tatlong araw, bumalik ang manugang nito sakay ng isang mamahalin sasakyan. Biyenan, "Parang awa mo na iho, huwag mo iwan ang anak ko."