CHAPTER XXXIX

59 15 2
                                    

KABANATA 39

Agad na nagpunta si Nonack sa Pearl Pavilion matapos ibaba ang tawag.

Nang makababa siya sa  kaniyang sasakyan, agad niyang nakita ang  napakaraming tao sa harapan ng Pearl Pavilion. Mukhang punong puno ng pagkasabik ang mga taong nakikiusyoso sa paligid.

Nang maglakad si Nonack sa loob nito, nakita niyang nasa gitna ng mainit na usapan ang mga may-ari ng iba't ibang mga antique store sa buong Donghai City.

"Pekeng ang isang ito!"

"Oo nga, mukhang peke nga ito!"

Nang maglakad si Nonack sa gitna ng maraming tao papasok sa store, nakita niya ang isang kalbong lalaki na nasa harapan ng counter na mayroong yakap na isang makulay at gawa sa porselanang vase. Mukhang gusto niyang ibenta ang vase na ito pero nagduda ang mga tao sa pagiging orihinal ng hawak niyang item.

Ang mga taong nasa harapan ng kalbong lalaki ay sina Wency Young, Peter William at isa pang middle aged na lalaki.

Nakasuot ang middle aged na lalaking ito ng isang tradisyunal na kasuotan ng mga Chinese at isang salamin sa kaniyang mga mata na nagbigay dito ng imahe ng isang master. Siya ang ama ni Wency na si Kingstone Young. Siya rin ang namamahala sa pinakakilalang nagbebenta ng mga antique sa buong Donghai City!

Kasalukuyang tinitingnan ni Kingstone ang hawak na vase ng kalbong lalaki.

Nakita rin niya ang isang pamilyar na mukha sa mga nakikiusyosong tao.

At ito ay walang iba kundi si Chloe Perez!

Iniisip ni Nonack ang tungkol dito. Pero matapos maisip na malapit ang pamilya Perez at pamilya Young sa isa't isa, mukhang normal lang na bisitahin ni Chloe si Wency sa store na ito.

Tiningnan ni Nonack si Chloe habang iniisip ang mga bagay na ito.

Isa talagang napakagandang babae ni Chloe.

At katulad ng inaasahan sa mga magagandang tao, natural lang na magmukha pa rin silang maganda sa anumang isuot nilang damit! Kasalukuyang nakasuot si Chloe ng isang kulay puting spaghetti strap na dress habang nakatali nang paupdo ang kaniyang buhok. Hindi lang siya sexy at charming dahil nagmukha rin siyang elegante at biniyayaan sa itsura niyang ito.

Nasurpresa si Chloe nang makita niya si Nonack dito.

"Bakit siya nandito?"

"Nandito rin ba siya para makisaya sa atin?"

Naalala ni Chloe ang insidente kung kailan nagawang ipaliwanag ni Nonack ang bracelet na kaniyang ibinigay kay Grandma Perez sa isinagawang birthday celebration para rito. At sa hindi maipaliwanag na dahilan, nakuha ni Nonack ang kaniyang interes nang dahil dito.

Pero hindi sila gaanong nagkikita at hindi rin naging malapit sa isa't isa. Kaya nag-isip lamang si Chloe na hindi manlang nagawang bumati si Nonack.

Kinilatis ni Kingstone ang hawak na vase ng kalbong lalaki. Itinaas ng lahat ang kanikanilang mga leeg para makita ang ginagawang pagsusuri rito habang tahimik na nakatayo sa kanilang mga kinatatayuan dahil sa fucos at sa tensiyon na kanilang nararamdaman sa mga sandaling ito.

Napapigil ng hininga maging ang mga may-ari ng iba't ibang antique shops sa buong Donghai City na nagpunta rito.

Bilang pinuno ng pamilya Young, si Kingstone ay isang scholar na may mataas na narating sa Industriya ng mga antique. Kasalukuyanna siyang nasa level mg isang Master kaya sino ba ang maglalakas loob na magyabang sa harapan nito.

"Masyadong perpekto itsura ng porselanang dala na mayroong maselang texture, pero kung titingnan ang hugis at disenyo nito, hindi ko masabi kung isa ba itong sinaunang antique na nagmula sa anumang era ng China." Kinilatis ni Kingstone ang porselana sa loob ng ilang sandali bago iilang ang kaniyang ulo at kausapin ang kalbong lalaki.

'Son-in Law who surpasses them all'Where stories live. Discover now