TINITINGALA NG LAHAT K-63: Nang naospital ang ama ni Nonack:Tatlong taon na ang nakalilipas, itinakwil si Nonack at ang kaniyang mga magulang sa kanilang magulang sa kanilang pamilya. Mula noon ay nanirahan na ang kaniyang mga magulang sa probinsya. Binisita sila ni Nonack kada sa ilang araw na lumilipas mula noon.
"Nonack, narinig kong ibinigay daw ng iyong uncle ang Platinum Corporation sa iyo. Hindi ako makapaniwala rito kaya nagpunta kami para makita ito nang personal." Nagliliwanag na tumawa rito si Danny.
"Ikaw na pala ang president ng Platinum Corporation?" Tanong ng nanay niyang si Luna.
Tumango rito si Nonack at nagpaliwanag, Pa, Ma. Naayos ko na ang bagay na kinaharap natin tatlong taon na ang nakalilipas. Muli na akong tinanggap sa ting pamilya at si Uncle Drake pa mismo ang nagbigay ng Platinum Corporation sa akin."
Nqkukumportable siyang tumawa at sinabing "Napag-alala ko kayong dalawa nitong nakalipas na tatlong taon. Pero lumipas na ang mga bagay na iyon kaya nitong nakaraang dalawang araw ay naisip ko kung paano ko Sabihin ito sa inyo sa sandaling pumunta kayo rito."
Nakahinga na rin nang maluwag si Danny at puno ng emosyong sinabi na, "Mabuti na lang at naayos na rin ang hindi natin pagkakaunawaan noon. Hindi na naming kailangan pang mag-alala sa iyo."
Tamango si Nonack at nag-alok ng "Ma, Pa, dahil nandito na rin naman kayo, huwag na kayong bumalik sa probinsya."
Pero tahimik kung tutuosin ang probinsya na nababalot ng sariwang hangin kaya hindi magiging madali ang pag-aadjust ng kaniyang mga magulang dito.
Nag-isip si Danny sa loob ng isang sandali bago tumingin kay Luna at tumatangong sinabi na. " Sige, babalik na kami ng mama mo sa mansyon. Namimiss na rin naming ang ating pamilya dahil sa tagal ng panahong hindi namin pagkikita."
"Ihahatid ko na po kayo roon." Alok ni Nonack.
Ikinaway no Danny ang kaniyang kamay at sinabing, "Huwag mo na kaming alalahanin. May korporasyon ka pang kailangang patakbuhin. Matagal na rin kaming hindi nakakapunta sa isang city ng mama mo kaya maglilibot libot na rin muna kami rito. Huwag mo kaming alalahanin at bumalik ka na sa mga ginagawa mo rito."
Sa pagpupumilit ng kaniyang ama, hinayaan na ni Nonack ang gustong gawin ng kaniyang mga magulang.
Matapos umalis ng mga ito, agad nilabas ni Nonack ang paso niyang gawa sa clay at sinimulan ang paggawa sa Golden Pill.
*****
Sa mansyong pagmamayari ng mga Wayne sa tabing dagat ng Donghai City.
Dalawang mga kasambahay ang nakatayo sa pintuan nang magpakita ang isang rental car sa kanilang harapan. Isang middle aged na mag-asawa ang bumaba mula rito.
Nakaramdam ng matinding emosyon sina Danny at Luna nang muli nilang makita ang mansyon.
"Master Danny, Lady Luna?" Nagulat dito ang dalawang kasambahay. Agad nilang binati ang mga ito habang tumatakbo palapit sa mga dati nila amo.
Matapos ang 10 minuto, nakarating na rin sa living hall ang tumatayong ama ng pamilya Wayne na si Drake na sinundan nina Franky, Yumi at ng iba pang miyembro ng kanilang pamilya.
Si Drake-- na punong puno ng papasalamat -- ay tumawa kay Danny. "Kapatid, napag-isipan mo na rin ang tungkol dito ah? Natutuwa kaming nakabalik na rin kayo rito! Magpatawag na ako ng tao para linisin ang tutulugan ninyong mga kuwarto."
Nakaramdam ng guilt si Drake matapos itakwil ng kanilang pamilya sina Nonack at ang mga magulang nito tatlong taon na ang nakalilipas.
Natutuwa namang sumagot si Danny ng, "Hindi mo na kailangan pang mag-abala sa aming kuya. Bahay ko rin naman ito kaya bakit hindi ako babalik dito? Bumalik ako dahil tapos na rin sa wakas ang hindi natin pagkakaunawaan noon dahil sa ginawa ni Nonack kaya ako na mismo ang nagpasyang bumalik para makita ito nang personal."
YOU ARE READING
'Son-in Law who surpasses them all'
RandomBiyenan. "Layuan mo na ang anak ko! Hindi siya karapat dapat para sa isang basurang tulad mo!" Makalipas ang tatlong araw, bumalik ang manugang nito sakay ng isang mamahalin sasakyan. Biyenan, "Parang awa mo na iho, huwag mo iwan ang anak ko."