KABANATA 31Desperado siyang pinigilan Nelson, "Hindi na kailangan. Ako na ang gagawa nito."
Kasabay nito ang pagtulo ng nanlalamig niyang pawis sa kaniyang noo.
Siya ang Presidente ng Platinum Corporation habang si Paula naman ang bestfriend ni Chen. Paanong hindi mo maaalala ang mga ito? Masyado kang naging walang awa nang kausapin mo siya kanina.
"Sige, walang problema, ikaw na ang bahala riyan. Ilibre mo nga pala ako ng dinner sa sandaling maayos mo na ang relasyon ninyo ni Chen!" Itinago ni Paula ang kaniyang cellphone at nakangiting nagpaalam kay Nelson bago tumalikod at umalis sa showroom.
Hindi napansin sa mga sandaling ito ni Paula kung gaano kaawkward ang ipinakitang ngiti ni Nelson sa kaniyang mukha.
"President Wayne, tungkol sa kontrata ng mga kumpanya natin..."
Nakangiting bumalik si Nelson sa kaniyang opisina.
Direkta naman siyang sinabihan ni Nonack ng, "Pirmahan mo na!" at nagpatuloy sa kaniyang pagsasalita, "Pero bago mo pa ito pirmahan, may isang bagay kang dapat na maintindihan. Wala akong pakialam kung paano kayo nagkakilala ni Chen, pero alam mo na siguro ang dapat mong gawin hindi ba?"
Mabilis namang sumagot si Nelson ng, "Naiintindihan ko, naiintindihan ko, Mr. President. Ipinapangako ko na kami ni Chen ay..., este, kami ni Ms. Perez ay magkakaroon na ng distansiya sa isa't isa."
Sumangayon dito si Nonack na nagsabing, "Sige, wala na akong kailangan pa bukod dito. Pero hayaan mo munang paalalahanan kita, huwag kang maging mapagtaas sa susunod kung ayaw mong mapahiya nang ganito kadali."
Nagmamadali namang sumangayon si Nelson dito. "Opo, opo!"
Matapos mapagnilayan ang naging asal niya kanina, seryosong sinabi ni Nelson na, "Gusto mo pong bumili ng sasakyan kanina hindi ba? Para maipakita ang aking sinseridad at para na rin humingi ng paumanhin, hayaan niyo pong bigyan kita ng isa sa mga sasakyan namin sa labas bilang isang regalo. Ano sa tingin ninyo?"
"Talaga? Tatanggapin ko ito kung ganoon."
Libreng sasakyan na ang inooffer nito nito sa kaniya kaya siguradong kukunin agad nito ni Nonack.
Sinubukang magpaimpress ni Nelson nang sabihin niyang , "Walang anuman, President Wayne. Partners na tayo ngayon kaya ano ba naman ang isang sasakyan para rito? Pagkatapos mong pirmahan ang kontrata, magsimula ka na model na gusto mo sa labas."
Natapos ang pirmahan sa loob ng isang sandali. Naglakad si Nonack palabas ng kaniyang opisina na siyang sinundan naman ni Nelson. Tinuro ni Nonack ang isang kulay puting R8 na nasa gitna ng showroom at sinabing, "Ok na sa akin ang model na ito. Ito na ang kukunin ko."
Bumaliktad ang sikmura ni Nelson nang marinig niya ang sinabi ni Nonack.
Ang bawat isang Audi R8 ay nagkakahalaga ng 1 million dollars!
"Anong problema? Pinagsisisihan mo na ba ang pag-alok mo sa akin kanina?" Biro ni Nonack habang tinitingnan ang mukhang ni Nelson na parang mayroong LBM.
Mabilis namang iniling ni Nelson ang kaniyang ulo at sinabing, "Hindi, hindi naman po sa ganoon... Naisip ko lang po na magaling pala kayong mamili ng sasakyan President Wayne. Sigurado akong bagay na bagay sa inyo ang R8 na ito."
Agad na inutusan ni Nelson ang isa sa kaniyang mga tauhan para ihanda ang mga kinakailangan dokumento para makuha ni Nonack ang sasakyan. Napuno ng ngiti ang kaniyang mukha habang kumikirot naman nang husto ang kaniyang puso.
Pagkalipas ng kalahating oras, normal na minaneho ni Nonack ang bago niyang Audi R8 palabas ng Audi headquarters.
Sa mga sandaling ito, naguluhan at hindi naintindihan ng mga empleyado sa center ang mga nangyayari nang makita nilang magalang na ibinibigay ni Nelson R8 kay Nonack.
YOU ARE READING
'Son-in Law who surpasses them all'
RandomBiyenan. "Layuan mo na ang anak ko! Hindi siya karapat dapat para sa isang basurang tulad mo!" Makalipas ang tatlong araw, bumalik ang manugang nito sakay ng isang mamahalin sasakyan. Biyenan, "Parang awa mo na iho, huwag mo iwan ang anak ko."