KABANATA 40Napahinga nang malalim si Kingstone, hindi na rin naging maganda ang kaniyang itsura sa mga sandaling ito. Lumingon siya at bumulong kay Wency,"Ito ba ang kinikilalang tagakilatis ng antique na kinuha mo? At binigyan mo ng 50,000 dollars na sahod kada buwan?"
"Kahit na may pera ang ating pamilya, hindi pa rin tayo dapat gumastos nang ganoon na lang."
Wala namang nasabi rito si Wency habang makikita ang kaunting bakas ng kahihiyan sa kaniyang mga mata.
Tumawa ang kalbong lalaki na para bang wala nang bukas, tinapik niya ang balikat ni Nonack at sinabing," Mukhang marami nang alam ang batang ito!"
Bahagyang ngumiti lamang dito si Nonack.
Tumitig si Kingstone kay Nonack at nanlalamig na sinabing, "Sabihin mo sa akin, paano nagkaroon ng presyong 500,000 dollars ang isang iyan?"
"Hindi, mas malaki pa nga dapat ang halaga nito! Kaya siguradong kikita ka nang malaki sa sandaling bilhin mo iyan." Isip ni Nonack sa kaniyang sarili.
At pagkatapos, inayos niya ang kaniyang lalamunan at dahan dahang sinabi na, "Huwag po kayong mabahala, Uncle young. Ipapaliwanag ko po ito sa inyo. Alam niyo naman po siguro ang tungkol kay Princess Wencheng, hindi po ba Uncle Young?"
Nauubusan na ng pasensya si Kingstone sa mga sandaling ito pero nang marinig niya ang pangalan iyon, bigla siyang may naalala na isang bagay tungkol dito na nakapagpanginig sa buo niyang katawan. "Ang ibig mo bang sabihin..."
At pagkatapos, iniling ni Kingstone ang kaniyang ulo at sinabing. "Imposible, napakaimposible ng sinasabi mo!"
Ang mga historical record tungkol kay Princess Wencheng ay tungkol lamang sa kaniyang pagpapakasal sa isang prinsipe ng tibet. Pero nagkaroon ng usap usapan tungkol dito ang mga taong nasa mundo ng mga antique.
Mahulig si Princess Wencheng sa mga porselana mula noong bata pa lang siya. Kaya nang bigyan siya ni Emperor Taizong ng Tang Dynasty ng isang kautusan mula sa imperyo na magpakasal sa isang prinsipe mula sa Tibet, binigyan din siya nito ng isang porselanang vase. Ang porselanang vase na ito ay ang sinasabing regalo ng kaharian ng Tibet sa Emperor.
Ang unique na lokasyon ng kaharian ng Tibet kung pag-uusapan ang geograpiya ang nagpapaliwanag ng naging impluwensya ng mga kultura ng Tang Dynasty at mga lugar sa kanluran sa kanilang sariling kultura sa Tibet. Ito rin ang naging dahilan kung bakit naging maganda at pambihira ang porselanang ginawa ng Imperial family mula sa Tibet.
Halos wala nang kahit na anong bakas mula sa kultura at estilong iyon sa art ang makikita sa kasalukuyan panahon.
Nagkaroon ng usap usapan na gustong gusto ni Princess Wencheng ang porselanang iyon kaya palagi niya itong dinadala kung saan man siya magpunta.
Dito na paunti unting nagkaroon ng espirito ang porselana niyang ito. Sinasabi rin na sa sandaling ilapit ng isang tao ang kaniyang tainga sa bibig ng vase at pinakinggan iti nang maigi, magagawa niyang marinig ang tunog ng tubig na nagmumula sa loob nito. Ito ay dahil sa bawat sandaling mamiss ng Prinsesa ang kaniyang pinagmulang tahanan, ang kaharian ng Tang, uupo lamang siya sa tabi ng isang batis kasama ng kaniyang minamahal na vase para alalahanin ang kaniyang mga nakaraan
Sinasabi rin na mayroong hindi maipaliwanag na katangian ang vase na ito ng Prinsesa. Bago pa man maipakasal si Prinsesa Wencheng, ang tunay niyang pangalan ay Li Xueyan. Kaya binigyan ng mga tao sa mga sumunod na henerasyon ng pangalang Xueyan Promenade Vase ang porselanang ito ng Prinsesa.
Iilang tao lang ang nakikita sa aktwal na Xueyan Promenade Vase dahil mabilis itong nawala matapos mamatay ni Prinsesa Wencheng.
At sa huling sandali na lang ng Qing Dynasty nagpakita na parang isang himala ang Xueyan Promenade Vase sa tahanan ng isang taong may mataas na estado sa Jiangnan. Mabilis na kumalat ang at agad na napatay ang pamilyang iyon sa loob lang ng ilang araw.
YOU ARE READING
'Son-in Law who surpasses them all'
AcakBiyenan. "Layuan mo na ang anak ko! Hindi siya karapat dapat para sa isang basurang tulad mo!" Makalipas ang tatlong araw, bumalik ang manugang nito sakay ng isang mamahalin sasakyan. Biyenan, "Parang awa mo na iho, huwag mo iwan ang anak ko."