TINITINGALA NG LAHAT, K-65: Paghanap ni Nonack kay Sherlyn, para magpasalamat:Ano?
Hindi peke ang hawak na Amethyst Bank Black Card ng isang ito? At nagawa nitong makapaglabas ng 700,000 dollars?
Sa loob ng isang iglap, nanigas ang buong mukha ni Chard habang gulat na gulat na tinitingnan si Nonack! Isang totoong ... Black Card?
Buwiset! Buong buhay na nagtrabaho si Chard at nakakuha lang ng isang gold card mula sa Amethyst Bank!
At sigurado rin siya sa kaniyang sarili na hindi hihigit sa tatlo ang mga Black Card na matatagpuan sa buong Donghai City!
"Well sir, nagkaroon po tayo ng hindi pagkakaintindihan kanina, ipagpaumanhin niyo po ang mga nangyari." Nanginig si Chard habang nagsasalita, ang tanging alam niya lang ay hindi niya dapat bastusin ang lalaking nakatayo sa kaniyang harapan!
Wow!
Kasabay nito ang pagnganga ng mga taong nagpunta lang dito para makipagtawanan.
700,000 dollars!
Kaya nga talaga ng binatang ito na bayaran ang operasyon ng kaniyang ama.
Hindi ba't isa lang siyang nakikitirang manugang na siya ring isang basura? Kaya bakit siya nagkaroon ng ganito kalaking pera?
Natigilan ang ilang mga nurse sa kanilang nakita, tumayo lang sila roon at hindi nagawa maging ang paghinga ng malalim.
"Hindi mo na kailangan pang humingi ng paumanhin, gusto ko lang maging maligtas at bumalik sa malusog na kundisyon ang katawan ng aking ama." Nanlalamig na sinabi ni Nonack.
"Opo, opo, huwag po kayong mag-alala sir, ihahanda po namin ang pinakamaganda naming ward para lang sa iyong ama." Ginawa ni Chard ang lahat para bumawi kay Nonack
Matapos ng isang oras, naka wheelchair na lumabas si Danny mula sa operating room.
"Kumusta na ang papa ko, Dr. Sullivan?" Mabilis na tumakbo si Nonack palapit kay Sherlyn.
"Ituring mo nang suwerte ang sarili mo ngayon, hindi inaasahan ang naging kundisyon ng iyong ama pero wala naman siya sa kahit na anong panganib."
Sabi ni Sherlyn. "Nagtrigger lang ito noong magalit siya. Ano nga ba ang gumalit sa papa mo na naglagay sa kaniya sa ganitong sitwasyon?" Tanong ni Sherlyn.Nakahinga na rin ng maluwag si Nonack pero hindi niya nagawang sagutin si Sherlyn. Nagpalitan lang sila ng ilang mga salita at kinalaunan, sinamahan ni Nonack ang kaniyang ama papunta sa ward ng ospital.
Sa loob ng ward, nagsalin si Luna ng isang baso ng tubig at nagtanong ng, "Maganda kung tutuosin si Dr. Sullivan, anak at mabait din siyang tao, ano nga ba ang relasyon niyong dalawa?"
"Magkaibigan lang kami Ma, walang kahit na anong espesyal na namamagitan sa aming dalawa kaya huwag na po kayong mag-isip ng kung ano ano riyan." Matapos marinig ang chismis ng kaniyang ina, hindi maiwasang matawa ng sumasagot at naiiritang si Nonack.
Maghahating gabi na nang tamaan ng antok si Nonack.
Nang imulat ni Nonack ang kaniyang mga mata, maliwanag na ang paligid sa labas.
Kasalukuyan pa ring natutulog ang kaniyang ama pero may mamulamula na itong kulay ng katawan na nagpapakita ng mas malusog nitong kalagayan kaysa noong operahan siya kahapon.
"Nonack, ipagpasalamat mo kami kay Dr. Sullivan. Dahil kung hindi niya naagapan ang lumalalang kondisyon ng iyong ama kahapon ay baka..."
Itinago ni Nonack ang kaniyang ulo.
YOU ARE READING
'Son-in Law who surpasses them all'
RandomBiyenan. "Layuan mo na ang anak ko! Hindi siya karapat dapat para sa isang basurang tulad mo!" Makalipas ang tatlong araw, bumalik ang manugang nito sakay ng isang mamahalin sasakyan. Biyenan, "Parang awa mo na iho, huwag mo iwan ang anak ko."