CHAPTER 3

75 14 0
                                    

KABANATA 3

Samantala, sa Neptunus Corporation.

Kalalabas lang ni Chen sa meeting room matapos ang meeting ng mga shareholders nang makita niya ang mga babaeng empleyado na nag-uusap at nagtatawanan habang nakatingin sa mga cellphone.

Paano nila nagawang magpatambay tambay during work hours? Naglakad si Chen papunta sa mga babaeng empleyada para sabihan ang mga ito, at doon na niya nakitang nanonood ang mga ito ng video, at makikita sa video na ito ang isang lalaki na walang iba kundi si Nonack!

"Parang naging kapatid ko na rin ang bike na ito,  huwag kang mag-alala. ipaghihiganti kita..."

Makikita sa video ang mukhang nagluluksang si Nonack habang niyayakap ang kaniyang bike.

"Haha, nakakatawa naman ang lalaking ito, kilala niyo ba siya?"

Hindi mo siya kilala? Iyan ang asawa ni Miss Perez."

"Ano? Iyong basurang Nonack na iyon? Narinig kong ikinasal daw siya sa barusang iyon..."

Masayang magchichismisan ang mga babae habang tumatayo ang isa para gayahin ang ginagawa ni Nonack sa video. "Hindi ko sigurado kung narinig niyo rin kanina ang narinig ko noong kararating rating ko lang dito, sinabi ni Nonack na bibilhin niya raw ng Worship of Crystal si Miss Perez!"

"Hahaha, nagbibiro talaga siya!"

"Oo nga, tingnan ninyo kung gaano siya kadungis habang nagluluksa sa nasira niyang bike. Nagkakahalaga ang Worship of Crystal ng 30 million, kailangan niya munang magtrabaho ng ilang henerasyon bago ito mapag-ipunan!"

Walang tigil ang pag-uusap usap ng mga ito nang mapalingon ang isa sa kanila at napansin ang nakatinging si Chen. Agad na nagbago ang itsura sa kanilang mga mukha.

"Pasensya na po Miss Perez, babalik na po kami sa trabaho..."

Napakagat nang husto sa kaniyang labi si chen habang ibinabangon ang kaniyang sarili sa kahihiyan na kaniyang tinanggap! Kahit na siya pa ang general manager, makakaramdam pa rin siya ng kahihiyan sa mga ganitong klase ng sitwasyon. Hindi siya lumabas para mananghalian noong araw na iyon at sa halip ay nagkulong siya sa kaniyang opisina, hindi na niya maiwasang maluha sa kahihiyan na kaniyang tinanggap.

Samantala, naghuhum na umuwi si Nonack sa kaniyang tahanan. Aattend siya ng high school reunion kaya kinakailangan niya para makapagpalit.

Agad na nawala ang magandang mood ni Nonack nang pumasok siya sa bahay na pag-aari ng pamilya ni chen, dito niya nakita ang nakadekwantong si Samantha habang nakaupo sa sofa, tinitingnan siya nito gamit ang nanlilisik nitong mga mata.

"Mabuti at nakabalik ka na Nonack, lumapit ka sa akin."

Tatlong taon nanirahan si Nonack sa bahay na ito kasama ang pamilya ni chen, at matindi rin ang takot na nararamdaman niya kay Samantha.

"Mag-impake ka na Nonack, makikipagdivorce ka bukas at lalayas na sa pamamahay na ito." Walang awang sinabi ni Samantha.

*Pero ma'am... Seryoso po ang pagmamahal ko kay Chen..." Nakayukong sinabi ni Nonack. Matapos ang tatlong taon nilang pagsasama, natural na mas magdevelop ang nararamdaman niyang pagmamahal kay Chen.

Hinampas ni Samantha ang kanilang lamesa matapos marinig ang mga salitang ito. Tumayo siya at naglakad papunta kay Nonack. "Mahal mo ang anak ko? Anong karapatan mo para mahalin siya? Hinayaan kita ng tatlong taon, ano pa bang magagawa mo maliban sa gawaing bahay? Paano mo nasabing bagay ka para sa anak ko? Alam mo ba kung ilang mga lalaki ang nagkakandarapa na mapangasawa anh ang anak ko? Tumawag sa akin si Donald Dinindo at sinabing pamilya ng 20 milyong dolyar na dowry sa sandaling ipakasal ko siya sa aking anak."

'Son-in Law who surpasses them all'Where stories live. Discover now