CHAPTER 29

58 14 0
                                    


KABANATA XXIX

Sumagot naman ang mukhang naiinis na babaeng receptionist, "Nandito raw po siya para bumili ng sasakyan."

Inakala niya kanina na isang trabahador lang si Nonack mula sa isang di kalayuang factory, pero hindi niya inaakala na isa pala itong boy toy.

"Hahaha, bibili ka ng sasakyan?"

Tumawa si Nelson at sinabing, "Bibili ka ng sasakyan sa amin? Hindi mura ang mga sasakyan dito iho. May pambili ka ba?"

Habang nagsasalita, isang babae ang naglakad papasok sa showroom. Nasurpresa si Chen nang makita na ang babaeng ito ay walang iba kundi ang bestfriend niyang si Paula.

"Ate Chen?" Natutuwa namang bumilis sa paglalakad si Paula. Hindi niya inakalang makikita niya si Chen sa lugar na ito.

Tumuwa si Chen at sinabing "Nagkataong nandito ka rin pala, Paula. Anong ginagawa mo rito?"

Inayos ni Paula ang kaniyang buhok at sweet na sinabing, "Maganda ganda kasi ang naging kita ng aking asawa nitong nakaraan kaya binilhan niya ako ng bagong sasakyan. Nandito ako ngayon para kunin ito."

Hotel hospitality ang pinasok na negosyo ng asawa ni Paula kaya normal lang  para rin itong bilhan ang kaniyang asawa ng isang bagong sasakyan.

Napansin ni Paula si Nonack habang nagsasalita. Nasusurpresa nitong sinabi na. "Iyan ba ang walang kuwenta mong asawa, Chen? Sinama mo siya rito para magtingin ng mga sasakyan..."

Pero bago pa man siya matapos sa pagsasalita, nakita na niya ang hindi maipaliwanag na itsura ng mukha ni Chen, dito niya na rin nakita ang guwapong si Nelson na nakatayo sa likuran ng kaniyang kaibigan. Nang maisip ito ni Paula, agad siyang tumigil sa pagsasalita.

Dito na  nagtanong si Paula ng "At ikaw naman ay si..."

Hindi na hinintay pang magsalita  ni Nelson si Chen, agad nitong inabot ang kaniyang kamay at nakangiting sinabi na, "Hello, ako nga pala si Nelson Dome, ako ang  Regional Manager sa Donghai Branch ng Audi Corporation. Ipinakilala ako ni tita Samantha kay Chen."

Agad namang naintindihan ni Paula ang lahat nang marinig niya ito. Nakipagkamay siya kay Nelson at sumagot ng "Wow, isa kang Regional Manager. Kung ganoon, puwede mo ba akong mabigyan ng discount sa sasakyan binili ko ngayon dito? Bilang bestfriend ni Chen."

"Walang problema." Tawa ni Nelson nang bigla niyang tingnan si Nonack.

Nakikita mo ba ito?

Parehong nasa panig ko ang pamilya at bestfriend ni Chen. Kaya ano pang laban mo sa akin?

"Thank you, bayaw!" Ngumiti nang husto si Paula at nagbiro, "Nga pala, kailan kasal ninyo ni Chen? Huwag niyo akong kakalimutang imbitahan ah."

Sabik na sabik si Paula sa mga sandaling ito dahil hindi niya naisip na makakakuha siya ng mas malaki pang discount nang kunin na niya ang sasakyang binili ng kaniyang asawa.

Dito na bumagsak ang mukha ni Nonack.

Hayok ka. Hindi pa kami divorced ni Chen pero gustong gusto mo na silang makasal?

Napakasweet mo talaga bayaw.

Pahiyang pahiya na si Chen nang hilahin niya si Paula para sermonan ito. "Ni hindi pa kami nagsisimulang magdate kaya ano iyang pinagsasabi mo sa amin!"

Nang maisip niyang nahihiya lang siguro si Chen, sumagot si Paula ng, "Oras na lang naman ang hinihintay natin, sooner or later mangyayari rin ang mga sinasabi kong ito."

Habang nagsasalita, naiinis na tumitig si Paula kay Nonack at sinabing, "Makapal talaga ang mukha ng isa rito ah? Nagawa pa rin niyang  dumikit sa pamilya Perez hanggang ngayon. Nagawa mo pang sundan si ate Chen sa date nila ni Mr. Nelson dito."

'Son-in Law who surpasses them all'Where stories live. Discover now