CHAPTER XXXV

56 12 0
                                    

KABANATA 35

Agad na sumabog sa katatawa ang ilan sa mga may-ari ng iba pang mga antique store city  habang napapakagat naman sa kaniyang labi nang husto si Wency. Tahimik niyang tiningnan si Nonack habang nakakaramdam ng pagkabagabag dito.

Tumutugma ang kulay, materyales at pagkakagawa ng Blood Tear Jade na ito sa mga impormasyong nakalap niya noon tungkol dito. Kaya bakit niya nagawang sabihin ns isa itong peke?

Inisip ni Wency na hindi si Nonack ang taong kagaya ng iniisip ng mga taong nasa kaniyang paligid. Pero normal lang din na isipin ng lahat na isa siyang walang kuwentang tao dahil ito rin ang ipinapakita niya sa lahat noon kaya natural lang din na kainisan siya ng lahat na nag-isip na wala siyang alam sa mga antique at nagkukunwari lang na may alam dito.

Sa mga sandaling ito, tumingin sina Leon at Joey sa isa't isa at ngumiti.

Kanina pa nila inisip ang baging background ni Nonack, pero alam na nila ngayon na isa lang itong manugang na minamaliit ng lahat.

Buwiset! Tinakot sila ng mga sinabi niyang ito.

Pagkatapos nito, nagrebutt si Leon na para bang sinisiraan ni Nonack ang kaniyang pagkatao, "Sinabi na ng babaeng boss ng Pearl Pavilion at ng iba pang mga may-ari ng kanikanilang mga antique store na isa itong orihinal na item. Kilala na pagdating sa pagsusuri ng mga antique ang mga ito! At tanging ikaw lang ang nakapagsabi na isa itong peke. Kaya kung hindi ka makakaoagbigay ng kapanipaniwalang paliwanag para suportahan ang mga sinabi mong iyan, irereport na kita sa police para kasuhan tungkol sa pangingialam mo sa palitan ng dalawang parties."

Oh?

Nagpapanggap ang isang magnanakaw na isa pa siyang uri ng magnanakaw, siguradong paganda nang paganda ang nagiging acting nila sa mga sandaling ito.

Habang nakatingin sa seryosong mukha ni Leon, muling tumawa si Nonack. Kinuha nito ang Blood Tear Jade na nada box, pinisil ang mga ito gamit ang kaniyang kamay at dahan dahang sinabi na, "Nabubuo ang isang Blood Tear Jade sa dugo ng taong dumadaloy sa loob ng Jade na gumagawa ng hugis luhang marka sa loob nito kaya ito tinawag sa pangalan iyon."

"Kasama rito, ang magiging kasalukuyang itsura ng Jade na nakadepende sa materyales na ginamit sa jade at iba't ibang mga epekto mula sa oras at sa lugar kung san ito naexposed kaya masyadong mahirap ang paggawa sa Blood Tear Jade kaya itinuturing itong rare ng mga nangongolekta ng antique. Pero ang isang ito na dinala mo rito, kahit na mayroon itong mga marka ng luha, hindi naman ito natural na nabuo sa loob ng jade. Mahahalatang sinadya itong hinulma ng mga taong gumawa nito."

"Maliban sa mga marka ng luha nito, ang materyales ng dinala mong jade, kahit na maganda ang kalidad nito na mayroon ding nakaukit na mga marka sa labad na bahagi ng bawat jade, hindi ito nagmula sa Eastern Jin Dynasty. At mukhang kagagawa gawa lang din nito.

Habang nagsasalita, itinaas ni Nonack ang jade, tiningnan ito nang husto at tumango, "Mayroon pa nga itong moistness sa paligid. Kaya kung tama ang hinala ko, para magmukha itong nagmula noong unang panahon, inilibing mo ito sa ilalim ng lupa ng isang taon o higit pa."

Matapos magsalita, ibinato ni Nonack ang pendant na gawa sa jade pabalik sa kinalalagyan nitong box at nakangiting sinabi na, "Kaya isa lang ito sa mga bagong imitation ng orihinal na jade. Isa ring kalokohan kung sasabihin mong nagmula pa ito sa Eastern Jin Dynasty."

Bang

Hindi naging malakas ang boses ni Nonack, pero sa mga sandaling ito, malinaw at malakas ang pagkakarinig ng lahat sa mga sinabi niyang ito!

Bigla rin natigilan ang ilan sa mga nagmamay-ari ng kanikanilang mga antique store sa kanilang kinatatayuan.

May sense ang mga sinabi ng binatang ito.

'Son-in Law who surpasses them all'Where stories live. Discover now