CHAPTER XXXIV

53 14 2
                                    

KABANATA 34

Si Leon Lee ang binatang nagpunta rito mula sa Lin City. Dahil sa iniindang cancer ng isa sa kaniyang mga kapamilya, napagpasyahan niyang ibenta na ang kayamanan ng kanilang pamilya para matustusan ang pampagamot nito.

Naroon din ang iba pang mga may-ari ng iba't ibang mga antique store nang marinig ang tungkol dito.

Matapos ipaliwag ni Peter ang kuwento ni Leon kay Wency, ipinakilala na siya nito, "Ito po pala ang aming boss na si Ms. Wency."

Tapat namang tumango si Leon at sinabing, "Kinakailangan ko nang magpunta sa ibang antique store sa sandaling hindi makapagdecide ang babaeng boss ninyo."

Matapos niyang sabihin ito, binuksan na ni Leon ang hawak niyang box.

Makikita sa loob ng box ang isang kulay dugong pendant na gawa sa jade.

Mayroon ding mga nakaukit ditong mga antique design habang bilugan at moist naman ang itsura ng jade. Ang pinakamapapansing katangian ng hawak nitong antique ay ang kulay pulang pattern na parang isang punit sa loob.

Hindi na nakapagpigil pa sa pagsasalita si Wency nang makita niya ito. "Blood Tear Jade?"

Napahinga naman ng malalim ang iba pang mga may-ari ng iba't ibang mga antique stores at namangha sa kaniyang narinig.

"Hoy, isa talaga itong Blood Tear Jade."

"Tingnan mo ang kulay nito, siguradong isa itong Top Quality na antique."

Nag-usap usap ang mga may-ari ng ibang mga antique store at namangha lalo sa kayamanang dala ng binata. Nakaramdam naman ng proudness si Leon sa kaniyang dibdib habang tumatango kay Wency. At pagkatapos sinabi ng binata na, "Ikaw nga talaga ang babaeng boss dito. Agad mong nakilala ang Blood Tear Jade sa unang tingin mo pa lang dito. Nakita mo ba ang mga nakaukit sa salita rito? Pagmamayari ito noon ng Eastern Jin Dynasty."

Ang Blood Tear Jade at isang uri ng mga sinaunang jade. Nabubuo ang Blood Tear Jade sa pamamagitan ng paghahalo sa dugo ng kanilang mga ninuno. Ang partikular na uri ng jade na itong may parang hugis luhang   pattern sa loob ay kilala sa tawag na Blood Tear Jade.

Kaya napakarare nito para sa mga kolektor ng antique.

Naging emosyonal ang mga may-ari ng iba pang mga antique store nang marinig ang mga sumunod na sinabi ni Leon.

"Nagmula  talaga ito sa Eastern Jin Dynasty!"

"Oo nga, tingnan mo ang  nakaukit na salita rito. Siguradong nagmula ito sa era
na  iyon."

Tinanong ni  Wency si Leon, isang sandali, matapos mamangha sa hawak nitong kayamanan. "Magkano naman  ang gusto mong maging kapalit nito?"

Kahit ito pa lang ang unang beses na makikita ni Wency ng isang Blood Tear Jade, marami na siyang mga nabasang mga pag-aaral tungkol sa mga Blood Jade. At katulad ng mga nabasa niyang jade ang hawak na jade ni Leon kaya nakasiguro si Wency na totoo ang hawak nitong Blood Tear Jade.

Matapos marinig ang  usapan ng ibang  mga may-ari ng antique store, mas naging sigurado pa si Wency sa kaniyang mga naisip.

Pero nang tanungin na ni Wency si leon tungkol sa magiging presyo nito, tahimik na iniling ni Nonack ang kaniyang ulo.

Maaari ngang hindi alam ng iba ang tungkol sa Blood Jade, pero expert na pagdating dito si Nonack. Mayroong Blood Tear Jade ang lolo niya noon na siyang ipinapalaro sa kaniya noong maliil pa lang siya. Kaya  agad niyang nalaman sa unang tingin na peke ang hawak na jade ni Leon.

Nagawa talaga ng binatang ito na lokohin ang pamilya Young.

Masyado pang bata at kulang sa karanasan si Wency. Kaya natural lang na hindi niya rin makita kung peke ba ito o hindi. Pero nagawa ring sumangayon ng mga may-ari ng iba pang mga antique store sa naging desisyon niya hindi ba? Mukhang nadala lang ang mga ito sa naging usapan nina Leon at Wency. Nakakahiya talaga ito kung tutuoain.

'Son-in Law who surpasses them all'Where stories live. Discover now