CHAPTER XLV

53 17 2
                                    


KABANATA 45

Hindi makaupo nang diresto si Grandma Perez habang emosyonal na nagtatanong kay Paul. "Maaari ko bang tanungin kung sino ang Mr. Wayne na ito, Mr. Paul James..."

Iniling ni Paul ang kaniyang ulo at pinutol ang pagsasalita ng matanda. "Mas maigi kung iisipin mo muna ang problemang kinakaharap ninyo ngayon, Grandma. Mahalaga ang oras ko. Kaya bibigyan lang kita ng limang minuto."

Tumigil na sa pagsasalita si Grandma Perez.

Desperado na sa mga sandaling ito ang pamilya Perez. Siguradong maglalaho sila sa sandaling hindi nila mabayaran ang kanilang mga utang.

Kahit na hindi pabor sa kanila ang kondisyong ibinigay ni Paul, atleast ay mabibigyan silang mga Perez ng oras para maibangon ang kanilang mga sarili.

Pero walang kasiguraduhan ang magiging kinabukasan ng mga negosyo ng kanilang pamilya sa sandaling makipagpartner sila sa Dragon Tech.

Matapos ang ilang pagdadalawang isip, nagbuntong hininga si Grandma Perez at tumango kay Paul. "Sige papayag na kami sa gusto mo."

"Hindi tayo pupuwedeng pumayag aa gusto niyang mangyari, Grandma."

"Oo nga, sa sandaling payagan natin ito,. siguradong wala na tayong magagawa sa anumang desisyong papasukin ng Neptunus Corporation sa hinaharap.

"Grandma..."

Dito na biglang nag-usap usap ang mga miyembro ng pamilya Perez, ang bawat isa sa mga ito ay nakaramdam ng matinding pagkabagabag sa kanilang mga sarili.

Kahit na masusuportahan ng partnership nila sa Dragon Tech ang pag-unlad ng mga negosyong hawak ng pamilya Perez, kung wala sa kalahati ang kanilang mga share, ang buo nilang pamilya ay magiging empleyado lamang ni Paul.

"Tama na iyan, manahimik na kayong lahat!" Tumayo si Grandma Perez nang may nanlalamig na itsura sa kaniyang mukha habang galit na sinisigawan ang kanilang mga kapamilya, "Ito na ang desisyon ko. Huwag niyo na itong pag-uusapan pa kahit na kailan."

Nang makita nilang galit si Grandma Perez, agad na nagsitahimik ang lahat, wala nang sinuman ang nagtangkang sumalungat sa matanda.

Ngumiti naman si Paul na nagtransfer ng pera sa pamilya.

Matapos ang kalahating oras, sa labas ng villang pag-aari ng mga Perez, tumawag si Paul kay Nonack habang nakasakay sa isang mamahaling sasakyan.

"Tapos na po, Mr. Wayne!" Buong galang na sinabi ni Paul.

"Magaling! Wala na akong ipapagawa pa bukod dito, Lil P. Balikan mo na ang mga dapat mong gawin."

"Sige po."

Nasa loob ng kaniyang opisina sa Platinum Corporation si Nonack. Kasalukuyang niyang binabasa ang "The Geomancy of Yin and Yang" na libro sa kaniyang kamay. Natutuwa siyang ngumiti nang marinig niya ang update na nagmula kay Paul.

Matapos niyang ibaba ang tawag, nagpatuloy si Nonack sa pagbabasa ng libro.

Napuno ng mga interesanteng bagay ang librong "The Geomancy of Yin and Yang" kaya agad nitong nakuha ang interes ni Nonack.

Walang masabi si Nonack tungkol sa "Infinite Elixir Technique." Napansin din maging ni Faye na walang kuwenta ang Golden Pill na kaniyang ginawa. Kaya malinaw na isa lang kasinungalingan ang librong ito.

Nang biglang magring ang kaniyang cellphone. Mula kay Faye ang tawag na ito.

"Ano ang pangalan ng elixir pill na ibinigay mo sa akin, Nonack? Nagawa ko nang makatawid at maging isang Master General!" Nasasabik na sinabi ni Faye.

'Son-in Law who surpasses them all'Where stories live. Discover now