KABANATA 37Si Jerry Blakely?
Nang marinig ang pangalang ito, agad na nakaramdam ng takot ang tatlong staff na nakatayo sa harapan ni Jerry at nagawa pang manginig ng isa sa mga ito sa sobrang takot.
Kilala ng buong Donghai City si Jerry. Mayroon itong mga kuneksyon sa mabuti at masama parte ng kanilang city!
Bakit siya naririto? Ano anh kinalaman niya sa Platinum Corporation?
" Ok lang naman kung ayaw ninyong magsalita. Pero hayaan ninyo akong maging direkta sa inyo. Sa sandalimg mapatunayan ng gagawin kong imbeatigasyon na mayroon kayong kinalaman dito, alam niyo naman na siguro ang mangyayari hindi ba?"
Nang matapos sa pagsasalita si Jerry, hindi na napigilan pa ng staff na nakatayo sa kaliwa ang kaniyang takot at agad na nagsabing, "Magsasalita na po ako... Magsasalita na po ako..."
Nagpalitan naman ng tingin ang dalawa niyang mga katabi at ninenerbiyos na tumango sa harapan ni Jerry.
Napangiti naman dito si Nonack na nakaupo sa sofa na nasa gilid ng kaniyang opisina.
Matapos ang ilang minute, pinaalis na ni Jerry ang tatlo. Tumayo ito at nagsabi kay Nonack na, "Malinaw na po ang lahat ngayon, Mr. Wayne."
Tumawa rito si Nonack. Tumayo siya at hinawakan ang kabikat ni Jerry. 'Magaling Jerry. Naging maganda rin ang performance ng iyong business nitong nakalipas na dalawang taon, mas lalo ka pang sumisikat sa buong Donghai."
"Wala lang po iyon, Mr. Wayne. Wala po ako sa kinatatayuan ko ngayon kung hindi po dahil sa inyo."
Matapos ang maiksing usapan nila ni Jerry, nagpaalam na si Nonack dito.
Nang makalabas si Jerry sa kaniyang opisina, tumawag si Samantha kay Nonack.
"Saan ka ba nagpuntang walang kuwenta ka nitong dalawang araw na nakalipas, ha? May nangyayari nang hindi maganda sa bahay pero nagawa mo pa ring mag gala? Bumalik ka na rito ngayundin!"
Matapos marinig ang sermon ni Samantha, hindi na nagsalita pa si Nonack. Alam niyang tungkol ito sa nangyari kay Janelle at sigurado ring nasa malaking problema ngayon si Chen. Pero kahit na anong mangyari, responsibilidad pa rin ni Chen ang anumang tungkol sa makeover ni Janelle.
Pero kahit na nahaharap si Chen sa isang malaking problema, hunding hindi pa rin tatawagan ni Samantha si Nonack. Dahil wala pa ring magagawa ang isang walang kuwentang tulad ni Nonack kahit na magpunta ito roon. Ang rason kung bakit niya ito tinawagan ay dahil sa pagpapatawag ng galit na si Grandma Perez sa lahat ng miyembro ng pamilya Perez.
Siguradong seryoso ang insidenteng iyon para sa pamilya Perez!
Matapos ibaba ang tawag, agad na nagmadaling umuwi ai Nonack sa tahanan ng pamilya Perez.
*****
Habang nasa daan, tinawagan ni Nonack si Janelle.
Kasalukuyan namang nasa kaniyang apartment ang naiinis na si Janelle.
Pero magalang pa rin nitong sinagot ang tawag, "Pasesya na kuya Nonack. Hindi ko naman alam na ganoon ang mangyayari sa stage kanina."
Siguradong maaapektuhan ang buo niyang imahe sa sandaling gumawa siya ng kahit anong pagkakamali sa show. Dito na mawawala ang lahat ng kaniyang pinaghirapan na siya ring magbibigay ng malaking kawalan sa Platinum Corporation. Kaya naisip ni Janelle na kaya tumawag sa kaniyang si Nonack ay para manermon tungkol sa mga nangyari kanina.
Napabuntong hininga si Nonack na nagsabing, "Hindi ikaw ang may kasalanan nito. Tapos na ang ginawa kong imbestigasyon tungkol sa insidente. At dito ko na nakita na isang problema sa loob ng pamilya Perez ang naging ugat nito.
YOU ARE READING
'Son-in Law who surpasses them all'
De TodoBiyenan. "Layuan mo na ang anak ko! Hindi siya karapat dapat para sa isang basurang tulad mo!" Makalipas ang tatlong araw, bumalik ang manugang nito sakay ng isang mamahalin sasakyan. Biyenan, "Parang awa mo na iho, huwag mo iwan ang anak ko."