CHAPTER XXXIII

55 14 0
                                    


KABANATA 33

Natigilan ang lahat sa kanilang nasaksihan.

"Hoy, mukhang mainitin ang ulo ni seksing ito."

"Napakahot niya lalong tingnan!"

Sinimulan na ng karamihan sa kanilang pag-usapan si Kate. Nang tahimik siyempre sa takot na baka marinig ito ni Kate at mainis ang mabagsik at magandang binibini na ito.

Pero hindi napansin ng mga nakikiusyoso ang pagfofocus ni  Kate sa reaksyon ni Nonack habang walang awang senesermonnan si James.

Nang makita niya ang kaunting ngiti sa bibig ni Nonack bilang simbolo ng pagsang-ayon nito sa kaniyang mga ginawa, mas lumakas pa ang loob ni Kate na ipagpatuloy ang kaniyang mga ginagawa.

"Ang lakas mo ring makapangmaliit ng ibang tao. Iniisip mo bang kailangan pa ni kuya Wayne ng isang mayamang babae? Nagkakamali ka yata rito!"

Kuya Wayne?

Matapos marinig ang naging tawag ni Kate kay Nonack, natigilan muli ang lahat sa kanilang kinatatayuan, maging si james ay nagulat sa kaniyang mga narinig.

Matapos magbigay ng ilang sermon, tumalikod si Kate at bumalik sa sasakyan. Masunurin itong tumayo roon bago ngumiti nang sweet at sabihing. "Wala naman po akong ginawang mali hindi po ba kuya Wayne?"

Casual namang sumagot si Nonack ng, "Magaling ginawa mo!"

Nakaramdam ng tuwa si Kate matapos purihin ni Nonack.
Nagpatuloy siya sa kaniyang pagsasalita at sinabing "Nasa service center na aking sasakyan para sa nakaschedule nitong maintenance. Huwag ka na pong mag abala, kuya Wayne, hindi mo na po ako Kailangan pang ihatid sa amin."

Tumango si Nonack at sumagot ng, "Sige, makakaalis ka na."

Mabilis na sumagot sa kaniya si Kate na siya ring nagpaalam kay Nonack. Sa ilalim ng mga nalilitong tingin ng mga tao sa paligid, tumalikod si Kate at naglakad papunta sa exit.

Umalis na rin ang mga taong nakikiusyoso matapos umalis ni Kate matapos isipan nawala nang magandang mangyayari sa dramang ito.

Dito na muling nagisip si James habang nararamdam ng hapdi sa kaniyang mukha. Nagliliyad niyang tinitigan si Nonack at sinabing, "Hindi ka pala nakikipagdate sa isang mayamang babae at sa halip ay nagawa mo palang nagkaroon ng kabit!"

"Magsalita ka na ngayon. Anong meron sa sasakyang ito? Ginamit ba ni Chen ang kaniyang posisyon at pera ng kumpanya para mabili ito?

Matapos marinig ang pagsisimula ni James sa pagsasabi ng kung ano anong mga bagay, natawa na lang sa kaniyang loob si Nonack at kalmadong sinabi na, "Hindi mo na kailangan pang malamam pa kung paano ko nakuha ang kotseng ito. Walang kahit na anong kinalaman ang sasakyang ito sa kumpanya ng pamilya niyo."

Matapos itong sabihin, nakita ni Nonack ang pag gaan ng trapiko sa kaniyang harapan, dito na inapakan ni Nonack ang accelerator ng sasakyan at umalis sa lugar.

Kumulo ang dugo ng napapamurang si James habang pinapanood ang nanlalamig na pag-alis ni Nonack. "Hayop ka! Makikita mo Nonack Wayne! Hindi pa ako tapos sa iyo!" At pagkatapos ay umalis na rin siya sa mataong bangketa kasama ng kaniyang sekretary.

Sa Platinum Entertainment.

Matapos umalis sa lugar na iyon, bumalik na si Nonack sa kaniyang opisina at nagpadala ng isang text message kay Chen na hindi siya makakauwi mamayang gabi dahil marami pa siyang kailangan asikasuhin.

Hindi na siya tinanong pa ni Chen na sumagot ng tatlonng maiiksing salita, "Oo, alam ko."

Hindi naapektuhan ang mood ni Nonack sa ginawang pag iiskandalo ni James sa gitna ng city.

'Son-in Law who surpasses them all'Where stories live. Discover now