KABANATA XXIV
"Grandma, narito naman po ngsyon ang president ng Poesia Eleganza na si Joyce Dickinson."
Wow!
Nagulat sa mga sandaling ito ang buong villa!
Kung masasabi ng marami na mataas na ang reputasyon nina Norman at Jerry sa buong Donghai City, mas mataas naman ng isang level sa dalawang ito ang reputasyon ni Joyce!
Nasa golden age nito ngayon ang Poesia Eleganza! Sa lahat ng mga cosmetic brands, tanging ang Poesia Eleganza lang ang nakatanggap ng napakataas na mga review habang nangunguna sa shares. Maging ang bagong labas nitong Crown Line ay hindi magagawang makuha o mabili ng kahit na sino!
Kilala rin ni Grandma Perez si President Dickinson?
Natitigilang tumingin ang lahat sa pintuan papasok sa venue.
Nakasuot si Joyce ng business attire at high hills habang naglalakad kasama ang lima hanggang anim na mga maskuladong lalaki sa kaniyang likuran.
Natigilan ang karamihan sa mga lalaki sa kanilang nakita. Masyadong naging kabighabighani ang aura na ipanakita ng papasok na si joyce! Kahit na isa siyang babae, nagawa pa rin ng kaniyang aura na ioverwhhelm ang pakiramdam ng mga lalaki sa kaniyang paligid!
"Excuse me, nandito po ba si Mr. Wayne?"
Mahinang itinanong ni Joyce habang papasok sa hall, nolagay niya rin ang kaniyang regalo sa tabi ng kaniyang paa. Hindi rin nakalagay sa box ang kaniyang regalo na isang grandfather's clock na gawa sa puro ginto! Nagulat nang husto ang lahat habang tinitingnan ito!
Pero ang pinaka nakapagtataka sa lahat ay ang itinanong ni Joyce nang makapasok siya sa hall ng villa na katulad ng itinanong ng mga nauna sa kaniya! Hinahanap din nito si Mr. Wayne! Sino ba talaga si Mr. Wayne?
Naflatter dito si Grandma Perez. Si Joyce Dickinson ang taong nakatayo sa kaniyang harapan!
Nasabik din nang husto ang mga babaeng bisita sa pagdiriwang, hindi na sila nakapagpigil pa at agad na pumaligid kay Joyce.
"Mayroon pa po bang stock ng Crown Line ang kumpanya ninyo, President Dickinson? Gusto ko po sanang bumili nito!"
"Ako rin po President Dickinson, nakahanda po akong magbayad nang doble para rito!"
"Nakahanda naman po akong magbayad ng halagang mas mataas ng limang beses sa orihinal nitong presyo! Maaari niyo po ba kaming mapagbentahan ng ilang mga sets, President Dickinson?"
Naglaway ang buong bansa sa Crown Line Cosmetics. Kaya mayroon bang kahit na sino pang babae na hindi humiling na magkaroon nito?
Ngumiti si Joyce at tumingin sa kaniyang paligid. Nadismaya ito nang hindi niya makita si Nonack.
Pero tama naman ang naging inquiry ng mga tauhan ni Joyce na sa tahanan ng mga Perez niya matatagpuan si Nonack. Kaya inaassumeb nito na naging maganda ang relasyon niya sa mga Perez.
Habang iniisip ang mga bagay na ito, nagsalita si Joyce, "siyempre, kaibigan ko na rin ang sinumang kaibigan ni Mr. Wayne. Ubos na nga ang Crown Line sa mercado, pero nagpapasalamat pa rin ako kay Mr. Wayne dahil binago niya ang buhay ko. Kaya hindi magiging problema ang ilang sets kung gagawin ko ito para sa kaniya."
"Talaga?"
"Nananaginip ba ako? Magkakaroon na rin ako ng Crown Line!"
Nakaramdam ng pagkasabik ang ilan sa mga babae, pero lingid sa kanilang kaalaman na ang basurang si Nonack na kanilang minamaliit ang Mr. Wayne na tinutukoy ni Joyce.
" Ladies." Sabi ni Joyce habang ikinakaway ang kaniyang kamay. "Sabihin ninyo kay Mr. Wayne kung ilang set crown line ang gusto ninyo, siya ang magsasabi nito sa akin, mauuna na ako. Iiwan ko na rin ang regalo ko rito."
Agad na umalis si Joyce matapos nitong magsalita.
"Sino nga ba si Mr. Wayne, President Dickinson!"
Tanong ng ilan sa mga babae, pero nakalayo na sa kanila si Joyce. Hindi sila magkakaroon ng inaasam asam nolang Crown Line kung hindi nila makikita si Mt. Wayne. Kaya nababagabag na nag-usap usap ang mga babae.
"Kahanga hanga talaga na naging ganito kalawak ang mga kuneksyon ni Grandma Perez!"
Sa mga sandaling ito, hindi na nakapagpigil pa ang kinikilalang ama ng pamilya White na si Ricky kaya lumapit na ito at sinabing "Grandma, mayroon magandang project na sinimulan ang aming pamilya kaya naghahanap kami ng makakapartner namin dito, paano kaya kung magkaroon ng partnership ang ating mga pamilya para rito?
Sino ba si Ricky? Siya ay walang iba kundi ang talentadong ama ng pamilya White! Natigiln ito sa kaniyang mga nakita! Sa sobrang lawak ng kuneksyon ni Grandma Perez ay nagawa nitong makilala sina Norman at Jerry. Nagawa rin siyang irespeto ng mga taong ito na umabot sa pagbibigay ng mga regalong nagkakahalaga ng milyon milyon sa kaniyang kaarawan.
Ganito kaganda ang naging kuneksyon ni Grandma Perez kaya mas maigi kung makikipagpartner ang mga ito sa pamilya Perez!
"Sandali lang, Mr. White." Isang middle aged na lalaki ang naglakad din papalapit mula sa kaniyang kinauupoan. Siya ang President ng La Fortuna na si Gailen Godfrey.
"Mayroon din kaming magandang project sa LA Fortuna na gusto sana naming ialok kay Grandma Perez." Nakangiting sinabi ni Gailen.
Masasabi maging ng isang mangmang na naraming taon na sa hall ang gustong makipagpartner sa pamilya Perez matapos ng kanilang mga nakita.
*****
Time : 5 : 22 am
Date : 10 - 09 - 21
Noted : Follow & Vote
*****
YOU ARE READING
'Son-in Law who surpasses them all'
RandomBiyenan. "Layuan mo na ang anak ko! Hindi siya karapat dapat para sa isang basurang tulad mo!" Makalipas ang tatlong araw, bumalik ang manugang nito sakay ng isang mamahalin sasakyan. Biyenan, "Parang awa mo na iho, huwag mo iwan ang anak ko."