K ---- 49Matapos ang mahabang araw, nakaalis na ang halos lahat ng mga bisita sa mansiyon ng mga Wayne. Umalis na rin ang ilan sa mga senior ng pamilya Wayne na nag-iwan na lamang sa mga nakababatang miyembro ng Wayne na kasalukuyan pang nag-iinuman sa living hall mansion na nagpupumilit sa groom na ibalik ang bride sa kanilang kuwarto.
Ang groom namang si Jackson ay naparami sa pag inom kaninang hapon kaya kasalukuyan pa itong natutulog sa kaniyang kuwarto habang ang kaniyang bride naman na si Rebecca Song ay abala sa pag entertain ng kanilang mga bisita habang tulog ang kaniyang asawa.
Naroon din siyempre ang pinakamatanda nilang kapatid na si franky at ang asawa nitong si Yumi.
"Sige na, lumalalim na ang gabi. Oras na para umuwi!" Sabi ni Yumi habang nakatingin sa kaniyang orasan.
Pero mukhang ayaw pang umuwi ng asawa niyang si Franky na kumaway sa kaniya habang sinasabing "Ah, espesyal ang araw na ito sa ating lahat. Kaya bakit hindi ka na maunang umuwi sa atin? Dito lang muna ako para mag enjoy hanggang mamaya."
"Masyado ka nang lasing. Ano pa bang dapat niyong pag-usapan?"
Hindi na natuwa rito si Yumi pero ayaw niyang ipahiya si Franky sa harap ng kaniyang pamilya kaya wala na siyang nagawa kundi umalis.Nang umalis si Yumi, tumama ang paningin ni Franky sa bride na si Rebecca. Umupo at nag-inom ang mga nakababatang miyembro ng pamilya Wayne habang binibigyan at sinasalinan sila ni Rebecca na parang isang mabuting asawa.
"Masyadong maganda at sexy ang babaeng pinakasalan ng aking kapatid." Isip ni Franky.
Binalot na ng alcohol ang kaniyang isipan kaya habang mas patagal nang patagal ang kaniyang pagtingin kay Rebecca ay mas paganda nang paganda ang itsura nito para sa kaniya.
Gulp!
Wala nang nagawa si Franky kundi maglaway kay Rebecca.
Nang malasing na nang husto silang lahat, tumayo na ang nakangiting si Franky at sinabing. "Sige na, mukhang nag enjoy talaga tayong lahat ngayong gabi! Tulog pa rin si Jackson at kailangan pang maglinis ni Rebecca kaya oras na siguro para umuwi hindi ba?
Tumango rito ang lahat dahil siya ang nakatandang magmana sa mga negosyong hawak ng kanilang pamilya.
"Mukhang napagod ka ngayong araw, Rebecca." Nilapitan ni Franky si Rebecca nang makaalis na ang huling bisita sa kasaln.
Nakangiti namang sinabi ni Rebecca na, "Ok lang ako. Ikinagagalak ko ang pagpunta ninyo ngayong araw. Naparami lang talaga ang ininom no Jackson kaya hindi na niya kayo naentertain masyado kanina. Kaya ako na lang ang pumalit sa kaniya."
"Masuwerte siyang makapangasawa ng isang katulad mo. Napakasuwerte talaga ng batang iyon!" Nakangiting sinabi ni Franky habang naglalakad palapit para magsalin ng tsaa sa isang tasa.
Habang nagsasalin, naglabas siya ng isang bote ng powder mula sa kaniyang bulsa na kaniyang ibinudbod sa isinalin niyang tsaa. At pagkatapos ay lumingon siya kay Rebecca para ibigay ang hawak niyang tsaa rito. "Marami rami rin ang nainom mo Ngayong araw, Rebecca. Ito,magtsaa ka muna para gumaan naman kahit papaano ang pakiramdam mo. Kailangan mo pang asikasuhin si Jackson mamaya pagkatapos mong maglinis dito."
"Salamat, kuya." Hindi na ito inisip pa ni Rebecca na humigop sa ibinigay na tsaa sa kaniya.
"Sige kung ganoon, mauuna na ako. Kailangan ko na ring magpahinga." Ngiti ni Franky
Pagkatapos siyang ihatid ni Rebecca palabas ng living hall, bumalik na ito sa paglilinis. Matapos ang ilang minute, nakaramdam si Rebecca ng pagkahilo at nawalan ng malay nang magawa niyang sumandal sa kanilang sofa.
YOU ARE READING
'Son-in Law who surpasses them all'
RandomBiyenan. "Layuan mo na ang anak ko! Hindi siya karapat dapat para sa isang basurang tulad mo!" Makalipas ang tatlong araw, bumalik ang manugang nito sakay ng isang mamahalin sasakyan. Biyenan, "Parang awa mo na iho, huwag mo iwan ang anak ko."