KABANATA 41"Dito pala nila nahukay ang Xueyan Promenade Vase. Mukhang may mga itinatagong lihim ang libingang ito."
"Pero mukhang hindi nag-iingat sa paghuhukay ang mga lalaking iyon. Paano kung masira nila ang mga cultural relics ng ating bansa? Iniwan ang mga kayamanang iyon ng ating mga ninuno! Ano na ang dapat kong gawin?"
Nang isipin ni Nonack ang mga susunod niyang gagawin, narinig niya ang galit na pagsigaw ng bigotilyong lalaki, "Sino iyon? Anong ginagawa mo riyan? Lumabas ka na ngayundin!"
Nagulat dito si Nonack.
"Buwisit! Nakita niya ako!"
Maglalakad na sana mula sa likuran ng isang puno si Nonack nang makita niyang magdilim ang itsura ng bigotilyong lalaki habang direktang naglalakad sa isa pang puno na may 10 metrong layo mula sa kaniya.
"Paano niyo nagawang bastusin ang mga nakalibing dito! Puwede kayong makasuhan sa ginagawa ninyo kaya dapat niyo na iyang itigil ngayundin!"
Bago pa man makarating ang bigotilyong lalaki sa puno, isang mahinhing boses ang maririnig mula sa punong iyon.
Phew! Inakala ni Nonack kanina na siya ang nakita ng mga ito.
Kaya agad na nakahinga nang maluwag si Nonack nang marinig ang mahinhin at magandang boses na iyon.
Dito na niya nakita ang isang mahinhin at may magandang korte ng katawang babae ang naglakad mula sa punong iyon.
Natigilan dito si Nonack.
Balot na balot ng alikabok ang napakaganda nitong mukha ng mukhang rin ng kawalan ng takot at hindi mababaluktot niyang dignidad. Siya ay walang iba kundi si Faye Amazon.
"Bakit siya naririto?"
Sumimangot dito si Faye. Nakita niya ang isang grupo ng taong patagong pumasok sa Beishan habang pauwi mula sa presinto. At dahil sa ilang taong karanasan niya sa pag iimbestiga ng mga krimen, nakaramdam siya na may hindi magandang gagawin ang mga taong ito kaya agad niyang sinundan ang mga ito.
Tapos na ang kaniyang shift kaya nakasuot na lang si Faye ng casual niyang damit nang wala ang kaniyang sandata na kaniya sanang magagamit sa self defense. Kaya nang makita niya ito na maghukay ng mga libingan, hindi siya nagpadalos dalos at sa halip ay ginamit ang oras na ito para humingi ng tulong sa kaniyang mga kasamahan.
Pero sa kasamaang palad, agad siyang napansin ng bigotilyong lalaki bago pa man niya masend ang kaniyang text message sa kaniyang mga kasamahan.
Nagulat ang bigotilyong lalaki sa ganda ni Faye. Maging ang iba pang mga lalaki sa kanilang grupo ay napatitig sa ganda ni Faye.
"Wow! Mayroon din palang isang napakagandang dilag sa abandonadong bundok na ito. Nasurpresa mo ako rito!" Sabi ng bigotilyong lalaki matapos bumalik ng kaniyang diwa. Ngumiti siya kay Faye.
Agad ding tinukso ng kalbong lalaki at ng ilang mga naghuhukay na lalaki ang babaeng ito.
"Grabe, napakaganda niya."
"Masyadong kabighabighani ang aura na ito para sa isang aroganteng babae."
"Hindi bale nang mabawasan ng sampung taon ang aking buhay makuha ko lang siya!"
Nang marinig niya ang sinabi ng kaniyang mga kasabwat, ngumiti ang bigotilyong lalaki kay Faye habang nakatitig sa maganda nitong katawan. "Hoy Miss Ganda, pagod na kami sa buong araw na trabaho. Gusto mo bang makipaglaro sa amin?"
Napahinga nang malalim si Faye sa sobrang galit habang napapamurang sinabi na "Anong klase ng bibig mayroon kayo! Ako ang hepe ng Criminal Investigation Team sa Donghai City."
YOU ARE READING
'Son-in Law who surpasses them all'
DiversosBiyenan. "Layuan mo na ang anak ko! Hindi siya karapat dapat para sa isang basurang tulad mo!" Makalipas ang tatlong araw, bumalik ang manugang nito sakay ng isang mamahalin sasakyan. Biyenan, "Parang awa mo na iho, huwag mo iwan ang anak ko."