KABANATA 15
Habang nakasuot ng dress na nagpapakita sa magandang hubog ng kaniyang katawan, tumayo si Chloe sa entrance ng Platinum Corporation. Hindi niya lang ibinibida ang kaniyang ganda at katawan, kundi para na rin magpasikat sa mga paparazzi na kumukuha sa kaniyang mga litrato matapos isipin na isa siyang bagong artista na papasok sa Platinum Corporation.
Naisip maging ng mga security guard na isang artista si Chloe kaya nag-ingat ang mga ito sa pagcheck sa kaniya. Dumiretso ito sa opisina ng Presidente kung saan naaktuhan niya si Pearl na naglalakad palabas nang kakatok na sana siya sa pinto nito para pumasok.
Magsasalin sana si Pearl ng tsaa kay Nonack noong mga panahong iyon. Pero nang buksan niya ang pinto at makita si Chloe, agad niyang pinaalis ito sa building matapos malaman na ipinadala ito ng mga Perez.
Mayroon bang kahit na sinong hindi nakakakilala kay Chloe? Bilang isang babae na nakikila sa kaniyang kagandahan sa buong Donghai City, marami na siyang naging manliligaw na kaniya ring tinanggihan. Pero noong araw na iyon, siya naman ang nakatanggap ng pagtanggi kaya nakaramdam siya ng hindi maalis na sama ng loob sa kaniyang dibdib.
Hindi naman mapakali ang matandang babae matapos malaman ang nangyari.
*****
Kinabukasan,sa villa ng pamilya Perez.
Ngayong ang kaarawan ni Grandma Perez Kaya naging masigla ang hangin sa loob ng villa.
Nagsiuwi ang mga miyembro ng pamilya Perez saan man sila naroroon ngayon at ang balita tungkol sa ika 70 nitong birthday ay agad na kumalat sa buong Donghai City.
Natural lang na mangimbita sila ng mga tao para sa ika 70th birthday ni Grandma Perez. Kahit na isa lang second class na pamilya ang mga ito, marami pa ring mga tao ang inimbitahan para sa salo salong gaganapin sa kanilang villa.
Isang hilera ng mga sasakyan ang makikitang nakaparada sa labas ng villa na pagmamayari ng pamilya Perez.
Makikitang nakatayo sa harapan ng isa Land Rover sina Chen at Samantha na hindi mapakaling tumitingin sa kanilang mga orasan.
Hindi nagtagal, nakita na rin nila ang isang electric bike na dahan dahan dahang lumalapit sa kanila. Agad na tumakbo si Nonack palapit sa dalawa nang mapahinto niya ang kaniyang bike.
"May nadaanan po ako traffic. Napakatinding traffic." Humuhingal na paliwanag ni Nonack.
"Buwisit!" Ihahatid dapat siya ni Pearl dito pero masyado nang naging mabigat ang traffic! Matapos mastuck sa flyover ng higit sa isang oras, agad niyang kinuha ang kaniyang electric bike mula sa compartment ng sasakyan at agad itong sinakyan dahil malapit nang magsimula ang salo salong hinanda ng pamilya Perez.
Gaya ng nakasanayan, isang prominenteng pamilya ang mga Perez na nakapagpatingin at nakapagpatawa sa maraming mga bisita nang makita nila ang pagdating ng isang bisita na nakasakay sa isang electric bike.
"Tingnan ninyo, Hindi ba' t si Nonack ang isang iyan? Ang manugang nilang nakikitira lang sa pamilya ng kaniyang napangasawa."
"Sigurado akong tama ka rito!haha!"
"Napakabasura talaga nito. Masuwerte lang siya na nagawa niyang mapakasalan ang isang magandang babae na kagaya ni chen!"
"Haha, kulang pa ang mga nalalaman mo sa kanila. Narinig kong natutulog lang siya sa sahig kahit na nakasama niya si chen sa iisang bahay sa loob ng tatlong taon. Haha!"
Ilang mga nakababatang miyembro ng White Family ang nagsama sama para makipagchismisan. Ilang henerasyon na ring maganda ang relasyon sa pagitan ng mga Perez at ng mga White na mas lalo pa nilang napatibay sa pagpapakasal ng kanikanilang mga miyembro mula sa magkabilang pamilya. kaya nagkaroon sila na napakaraming kaalaman tungkol sa mga nangyayari sa pamilya Perez.
YOU ARE READING
'Son-in Law who surpasses them all'
AcakBiyenan. "Layuan mo na ang anak ko! Hindi siya karapat dapat para sa isang basurang tulad mo!" Makalipas ang tatlong araw, bumalik ang manugang nito sakay ng isang mamahalin sasakyan. Biyenan, "Parang awa mo na iho, huwag mo iwan ang anak ko."