KABANATA 42Ang ikalawa namang bahagi ng libro au tungkod sa Yang Feng Shui, na nagsasaad ng pagpili ng tahanan nang naaayon sa Yang, ang tirahan ng mga nabubuhay.
Parehong nagkaroon ng detalyadong diskripsyon at ilang mga illustration ang pagtuturo ng libro tungkol sa Yin at Yang.
"Buwiset, hindi ba't parang ganito ang itsura ng bahay ko?" Nagulat si Nonack nang makitaang mga pictures na makikita sa libro.
At pagkatapos ay agad niyang binasa ang detalyadong diskripsyon nito sa sumunod na page. [Kulang sa elementong kumukuha ng tubig ang layout na ito kaya maaapektuhan nito ang sinumang nabubuhay na tumira rito na makapagpapahirap sa kanilang mga buhay.]
Dito na naliwanagan si Nonack sa lahat.
Hindi na kataka taka kung bakit napuno ng problema ang pamilya Perez.
Palaging kinukulang sa pera ang kumpanya ni Chen.
Mukhang hindi ito dahil sa pagkakamali sa pamamahala nila sa kumpanya kundi sa pangit na pagkakalayout ng Feng Shui sa kanilang tirahan.Nang simulan nang basahin ni Nonack ang tungkol sa puwede maging solusyon sa problemang ito. Bigla niyang narinig ang nanghihinang boses ni Faye sa kaniyang tainga. "Nahanap mo na ba ang antidote, Nonack?"
Nagulat dito ai Nonack kaya agad niyang kinuha ang dalawang libro nang hindi na nagdadalawang isip pa. At pagkatapos ay umakyat na siya mula sa libingan para sabihin kay Faye na, "Nagtingin tingin na ako sa paligid pero hindi ko pa rin makita ang antidote nito."
Dito na kumunot ang mga kilay ni Faye habang makikita ang pagkadismaya sa kaniyang mukha.
Dito na nagtanong si Nonack ng "Ok ka lang ba? Gusto mo bang dalhin kita sa ospital?"
"Huwag na, walang ospital ang makakagamot dito.
Siguradong aabot ng 12 oras ang magiging epekto ng Weak Bones Elixir sa aking katawan. Pero agad naman akong magiging ok pagkatapos nito, pero hangga't hindi pa ako nakakalampas sa oras na iyon, hindi titigil sa panghihina ang buo kong katawan." Iniling ni Faye ang kaniyang ulo at awkward na sumagot kay Nonack.Nagulat dito si Nonack.
"Paano siyan naging ganoon kapamilyar sa Weak Bones Elixir."
Pero ayaw nang magsayang pa ni Faye ng oras. Kaya hirap na nitong ikinaway ang kaniyang kamay at sinabing "Kunin mo ang cellphone ko at tumawag ka na ng pulis!"
Tumango si Nonack habang nakaupong kinukuha ang phone ni Faye. Napalunok na lang siya para pakalmahin ang kaniyang sarili.
Bagsak at nanghihina sa lupa si Faye pero masyado pa rin perpekto ang hubog ng kaniyang katawan. Nagkaroon din siya ng kaunting pawis mula sa pakikipaglaban sa bigotilyong lalaki kanina. Kaya agad na nalaamoy si Nonack nang mahinang amoy mula sa kaniyang katawan nang lumapit si Nonack sa kaniya.
"Gupl"
Agad namang napalunok muli si Nonack nang dahil dito. Sinubukan niyang maging kalmado habang hinahanap ang cellphone ni Faye mula sa loob ng bulsa nito.
Matapos niyang tawagan ang pulis, hinawakan ni Nonack ang phone sa harap ni Faye.
At pagkatapos, ibinalik na ni Nonack ang phone sa bulsa ni Faye bago nakangiting sabihin na, "Ok, malapit nang makarating dito ang mga tauhan mo ."
Hindi na ito sinagot ni Faye at sa halip ay tiningnan niya nang maigi si Nonack at tinanong ng "Hindi pa kita natatanong. Bakit ka nga ba nandito?"
Nag-isip muna si Nonack sa loob ng isang sandali bago nakangiting sumagot ng "Nakita ko kasi ang isang grupo ng mga taong akyat sa bundok kaya nacucurious ko silang sinundan paakyat. Dito na ako nasurpresa nang makita kong mga magnanakaw pala ng libingan ang mga ito."
YOU ARE READING
'Son-in Law who surpasses them all'
RastgeleBiyenan. "Layuan mo na ang anak ko! Hindi siya karapat dapat para sa isang basurang tulad mo!" Makalipas ang tatlong araw, bumalik ang manugang nito sakay ng isang mamahalin sasakyan. Biyenan, "Parang awa mo na iho, huwag mo iwan ang anak ko."