KABANATA 44Nagtipon tipon ang pamilya Perez sa paligid ni Roberto para kundinahin ito na parang isang preso.
"Kasalanan mo ang lahat ng ito, Roberto!"
"Nangako kang kikita tayo nang malaki rito, pero anong nangyari?"
"Hindi ko alam na ganito pala kahindi katiwatiwala si Roberto. Kaya siguradong ganito talaga ang mangyayri..."
"Kinakailangan mong magpaliwanag ngayon sa harapan naming kahit na ano pa ang mangyari."
Mas tumindi nang tumindi ang galit ng mga ito habang isa isang nagsasalita. Makikita na nagliliyad ang kanilang mga mata na para bang gusto na nilang patayin si Roberto.
"Huwag kayong mag-alala, siguradong masosolusyunan din natin ang problemang ito." Sabi ng nababagabag na si Chen sa isang tabi.
Hindi nila nagawa pang pakalmahin ang kanilang mga sarili! Malulugi ang kilalang pamilya Perez nang dahil sa kaniyang ama!
Nagmamadali namang sinabi ni Samantha na, "isa tayong pamilya. Kaya huwag kayong masyadong magpadala sa inyong mga nararamdaman."
Pero walang kahit na sino ang nakinig sa sinabi nh mag-inang ito.
Dito na tiningnan ng dismayadong si Grandma Perez si Roberto at sinabing, "Binigo mo ako Roberto. Sabihin mo sa akin, ano na ang dapat nating gawin ngayon?"
Nagmukhang bagsak dito si Roberto. "Hindi ko naman po inakalang ganito ang mangyayari. Mabilis na nawala si Tony pero sinusubukan ko pa rin po siyang hanapin hanggang ngayon."
"Roberto, bakit nararamdaman kong kasabwat ka ng taong nanloko at gumawa ng patibong sa ating miyembro ng pamilya Perez.
Parang ibinatong bato na gumawa ng libo libong maliliit na alon sa paligid na sumangayon ang lahat sa taong iyon.
"Oo nga,. siguradong magkasabwat kayo ni Tony sa panlolokong ginawa ninyo sa amin?"
"Sabihin mo na sa amin! Nasaan ngayon si Tony?"
"Napakagaling mo talagang umarte, Roberto."
Mangiyak ngiyak na si Roberto sa kaniyang mga narinig, "Hindi ko talaga alam kung nasaan na si Tony. Isa rin ako sa mga nabiktima niya. At paano ko rin magagawa lokohin ang aking pamilya para sa isang tagalabas?"
Pero walang kahit na sino ang naniwala sa kaniya. Dito na naging emosyonal ang mga miyembro ng pamilya Perez na naghahanda sa pagsuntok sa kaniya.
Sa mga sandaling ito nakarinig ang pamilya Perez ng isang sigaw mula sa isang nagpapanic na boses, "Hindi maaari! Nakatatandang madam, naririto po ang head ng pamilya White na si Ricky White kasama ng iba pa nating mga kliyente."
Ilang tao ang naglakad papasok sa hall nang sabihin ito ng boses.
Pinangunahan ang mga ito ni Ricky White na siyang numumuno sa pamilya White.
"Grandma Perez, sumangayon na kaming lahat na suspindihin ang aming mga proyekto kasama ng inyong pamilya." Umabante si Ricky, tumingin kay Grandma Perez at direktang sinabi ang pakay niya sa pagpunta rito.
Dito na nanigas ang mukha ni Grandma Perez. "Pero bakit mo naman biglang naisip na itigil ang partnership ng ating mga pamilya?"
Dito na umabante si Gailen Godfrey, ang Presidente ng La Fortuna nang may nanlolokong ngiti sa kaniyang mukha. "Tapos na rin ang ating partnership, Grandma Perez. Huwag ka nang magmaang maangan pa. Natanggap na naming lahat ang balita na iniinvest ng Neptunus Corporation ang buong pondo nito sa ibang bansa na biglang naghalo nang parang bula.
YOU ARE READING
'Son-in Law who surpasses them all'
RandomBiyenan. "Layuan mo na ang anak ko! Hindi siya karapat dapat para sa isang basurang tulad mo!" Makalipas ang tatlong araw, bumalik ang manugang nito sakay ng isang mamahalin sasakyan. Biyenan, "Parang awa mo na iho, huwag mo iwan ang anak ko."