TINITINGALA NG LAHAT:
Ang pagpipilit ni GRANDMA ipakasal ni CHEN kay Wood...Tanging si Nonack lang ang makakapagligtas sa kaniya ngayon.
"Nagmamakaawa ako sa iyo, Nonack. Iligtas mo siya." Sabi ng hindi mapakaling si Faye.
Dahan dahang ngumiti rito si Nonack "Paano? Paano ka magmamakaawa? Kailangan mong magpakasincere."
"Ano ang ibig mong sabihin?" Mahinhing sinabi ni Faye.
"Paano kaya kung tatawagin mo ako bilang "Mabuti mong kuya" -- para pakawalan ko siya." Nagbibirong inalok ni Nonack.
Agad na nagblush ang mukha ni Faye na napakagat nang husto sa kaniyang labi habang nag-iisip nang malalim. Ito ang unang beses na may magrequest nang ganitong klase ng bagay sa kaniya. Pangkaraniwang siya ang nasa mas mataas na posisyon kaya itinuturing siya ng lahat bilang nakatatandang ate.
Hindi na matitiis pa ni Kent ang kahihiyang ito. Papasok na sana siya sa eksena nang maisip niyang hawak na ni Nonack ang kaniyang buhay -- kaya agad niyang nilinok ang kaniyang pride.
"Kung hindi mo ito gagawin, aalis na ako sa lugar na ito," Natutuwang dagdag ni Nonack. Kasabay nito ang pag-iisip niya ng "Grabe, napakaperpekto talaga ni Faye sa lahat ng bagay.
Sayang lang dahil ikakasal na ito kay Kent.""Huwag kang umalis! Mabuti...
mabuti kong kuya," Mahinang sinabi ni Faye. Kasabay ng pagbagsak ng kaniyang boses ang pagtingin ng napapahiyang si Faye sa ibaba."Sige, dahil nakita ko naman kung gaano ka kasincere, papayagna ako sa gusto mo." Natutuwang sinabi ni Nonack.
Habang si Kent na nainis dito -- ay nalahinga na rin nang maluwag.
Pero hindi pa rito tapos si Nonack. Tumingin siya kay Kent at sinabing, "Gagawin ko ito para sa fiancee mo. Kung hindi lang dahil kay Faye na tumawag sakin bilanh mabuti niyang kuya, pagmamakaawain sana kita habang pinagsisisi sa lahat ng ginawa mo sa akin."
"Hayop ka Nonack, mag-ingat ingat ka sa sinasabi mo!" Babala ni Kent.
Iniling ng nadidismayang si Nonack ang kaniyang ulo habang sinasabing, "Wala talagang kapantay ang yabang mo. Sige, bahala ka na kung ganoon. Malapit na silang magising kaya hindi na kita pag aaksayahan pa ng oras."
Dito na nagpanic si Kent. Agad siyang umiyak at sinabing "Patawarin mo ako Nonack! Kasalanan ko ang lahat ng ito. Alam ko namang mapagpatawad kang tao! Kaya patawarin mo na ako."
Mukha siyang bagsak sa mata nina Nonack at Faye habang nag-iisip ng "Hayop ka Nonack, makakabawi rin ako sa iyo!"
Tumawa si Nonack at agad na pinakawalan si Kent. Pagkatapos ay nagpunta na sila sa lagusan palabas ng manor. Masyado itong nakakalito dahil nagawa nilang mawala rito nang ilang beses. Matapos ang kalahating oras ay nakarating na rin sila sa lagusan nito palabas.
Habang papalabas , wala na silang nakita na kahit ano maliban sa karagatan. Matatagpuan ang branch ng Grandmaster Heaven sa ilalim ng isang bangin na nasa tabi ng dagat. Tinandaan no Faye ang lahat ng tungkol sa lokasyon ito at nagdrive gamit ang minivan pabalik sa city.
*****
Hatinggabi na nang makauwi si Nonack. Dito niya napansin ang mabilis na nakatulog na sina Samantha at Chen kaya agad siyang nagpunta sa guest room na nasa ikalawang palapag para hindi magising ang mag-ina.
Isinara niya ang pinto at agad na kinuha ang manual na kaniyang nakuha sa manor ng Grandmaster Heaven Cult. Makikitang nakasulat sa unang pahina nito ang mga salitang:
"Ang Ascension of the Nine Dragons ay ang supreme mastery ng Grandmaster Heaven Sect. Ang sinumang makakapagmaster nito ay magkakaroon ng lakas na aabot sa kalangitan.
YOU ARE READING
'Son-in Law who surpasses them all'
RandomBiyenan. "Layuan mo na ang anak ko! Hindi siya karapat dapat para sa isang basurang tulad mo!" Makalipas ang tatlong araw, bumalik ang manugang nito sakay ng isang mamahalin sasakyan. Biyenan, "Parang awa mo na iho, huwag mo iwan ang anak ko."