K ---------- 54
Hindi naging kumportable si Chloe dahil sa pressure ng pagtingin sa kaniya ng lahat. Gusto niyang magsalita pero hindi niya ito magawa.
Nakabalik na rin si James sa realidad at agad na sinabing "Tinakot mo talaga ako roon kuya! Hindi ako mapakali kaiisip kanina kung ano ang kundisyong hinihingi mo pero ito lang pala iyon!"
Hindi nagsalita rito si Wood, umaasa lang itong nakatingin kay Grandma Perez. Ang pinopropose niyang kasalan na ito ang magdedetermina sa kinabukasan ng pamilya Perez na tanging si Grandma Perez lamang may karapatang makapagsabi.
Sa mga sandaling ito, hindi na nagdalawang isip pa si Grandma Perez at nakangiting sinabi na "Ikinagagalak naming ang pakikipag-isa ng aming pamilya sa inyo Master Young sa pamamagitan ng isang kasalan," Dito na lumingon si Grandma Perez kay Chloe at agad na nagtanong ng "Ano sa tingin mo Chloe?"
Tumayo rito si Chloe magsisimula na sana sa pagsasalita nang makita nila ang pag-iling ni Wood habang nagsasabing "Nagkakamali po kayo Grandma. Hindi siya ang tinutukoy ko."
Ano? Hindi si Chloe Perez? Kung ganoon kanino niya gustong magpropose?
Nagulat dito ang lahat. Nagkaroon ng magkahalong nararamdaman ang napagkamalang si Chloe sa mha sandaling ito. Nakaramdam siya ng luwag sa kaniyang dibdib at curiosity sa kaniyang isipan.
Nang maconfused ang buong pamilya Perez, ngumiti si Wood at naglakad habang tinitingnan ng lahat. Nang huminto siya sa paglalakad, naouno ng katahimikan ang buong hall. Tumigil siya sa harapan ni Chen Perez.
Nakasuot si Chen ng isang sheath dress na nagpakita sa eleganteng hubog ng kaniyang katawan. Nanginig siya nang makita si Wood sa kaniyang harapan na nakapagpabilis sa tibok ng kaniyang puso.
"Matagal na kitang hinahangaan nang husto, Ms. Perez," Nakangiting sinabi ni Wood habang nakatingin sa mga mata ni Chen habang inaabot ang kaniyang kamay.
Hindi siyempre nakipagkamay si Chen kay Wood. Matapos huminga nang malalim, dahan dahan niyang sinabi kay Wood ang mga salitang "Nagkakamali po yata kayo Master Young. Kasal na po ako."
Sa mga sandaling ito, dahan dahang nakarecover ang lahat sa kanilang pagkakagulat at agad na tumango bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Chen.
"Mukhang nagkamali ka ata ng tingin sa kanilang dalawa kuya! Tatlong taon nang kasal si Chen!" Dagdag ni James.
Bahagya namang ngumiti si Wood habang lumilingon kay James "Hindi, hindi ako nagkamali. Matagal ko nang gusto si Chen at sinasabi ko sa iyo, inoffer ko lang ang pagbili sa inyong mga shares nang dahil kay Chen. Naiintindihan mo ba?"
Hindi naisip ni James na mangyayari ang mga bagay na ito kaya agad siyang napanganga nang marinig niya ang mga sinabi ni Wood habang iniisip na naisahan siya nito.
"Oh, mukhang nagbibiro yata kayo, Master Young..
" Nagsalita na rin dito si Grandma Perez.Hindi na pinatapos pa ni Wood ang pagsasalita ni Grandma Perez, "Mukha ba akong nagbibiro, Grandma?" Nagpatuloy siya sa pagsasalita, "Kung ayaw ninyo, hindi ko kayo pipilitin. Pero isipin niyo sana nang maigi ang kasalukuyan ninyong sitwasyon dahil kasalukuyan na kayong walang kakayahang magdesisyon sa mga pagmamayari ninyo kumpaya. At kung wala ako, sino pa ba ang magmamagandang loob na magbigay sa inyo ng 8 bilyon para bilhin ang inyong mga shares?"
Nagkaroon ng magkahalong nararamdaman dito si Grandma Perez pero sinubukan pa rin nitong makiusap kay Wood, "Agad akong sasang-ayon kung si Chloe lang ang gusto ninyong mapangasawa, Master Young. Pero si Chen... ay mayroon nang asawa, kaya ang ginagawa ninyong ito... ay hindi tama."
YOU ARE READING
'Son-in Law who surpasses them all'
AcakBiyenan. "Layuan mo na ang anak ko! Hindi siya karapat dapat para sa isang basurang tulad mo!" Makalipas ang tatlong araw, bumalik ang manugang nito sakay ng isang mamahalin sasakyan. Biyenan, "Parang awa mo na iho, huwag mo iwan ang anak ko."