CHAPTER 25

61 14 0
                                    

KABANATA XXV

Natural naman na sumunod ang iba pang mga bisita na magpapahayag ng interes nila sa pakikipagpartner sa pamilya Perez matapos magsalita ni Gailen.

Dito na napuno ng ngiti ang mga batang miyembro ng pamilya Perez, masyadong naging mabilis  ang biyayang sa kanila!

Nang biglang tumayo rin si Roberto.

"Ano iyon, Roberto?" Nagtatakang tanong ni Grandma Perez.

Dating pinapaboran ni Grandma Perez si Roberto. Pero bilang ama ni Chen, mula noong maikasal ito kay Nonack, tumigil na rin si Grandma Perez sa pagpabor dito nang husto.

Ikinaway ni Roberto ang kaniyang kamay at sinabi sa kaniya na "Ma, alam mo namang  matagal na akong nasa ibang bansa pero umuwi ako sa pagkakataong ito para icelebrate ang inyong birthday. Pero maliban dito, mayroon din ako dala na magandang  balita sa inyo. Isa itong project na magbibigay sa inyo ng maraming pera."

"Talaga?" Sagot ni Grandma Perez habang nakataas ang kaniyang mga kilay. "Sabihin mo kung ano ito."

Walang duda na naririnig nga ng ibang mga miyembro ng pamilya Perez na malaki nga ang kinita ni Roberto sa ibang bansa. Kaya noong makauwi ito ay agad nitong binigyan sina Chen at Samantha ng mga chekeng naglalaman ng malaking halaga. Ito ang umingit sa mga taong nakarinig nito.

Tumawa si Roberto at sinabing. "Ma, nakilala ko si Toby sa ibang bansa. Isa isang financier. Kaya kinakailangan lang natin siyang bigyan ng pera at siya na ang bahalang magpadoble nito sa loob lang na isang buwan!"

Ano?

Napahinga nang malalim ang lahat sa mga sinabing ito ni Robert. May mas pepeke pa ba rito, dodoble ang pera nila sa loob lang ng isang buwan?

Nilabas ni Roberto ang kaniyang cellphone para ipakita ang transaction recond na nakasave rito habang tumatawa na sinasabing. "Halika rito, tingnan niyo ang hawak ninyong records."

Agad na napaligiran si Roberto ng maraming tao. Ipinakita nga  ng mga records na ito na nag-invest siya ng 10 million dollars buwan buwan sa loob ng anim na mga buwan at nakatanggap ng 20 million dollars buwan buwan nang dahil dito.

"Ma, may tatlong dahilan kung bakit ako umuwi rito." Paliwanag ni Roberto. "Una sa lahat ay para icelebrate ang inyong birthday, ikalawa, alam kong ayaw niyo ksy Nonack kaya sa pagbabalik ko ngayon, sisiguraduhin kong nadidivorce sina Chen at Nonack bago ako umalis. At ikatlo, ay para ibigay sa inyo ang magandang balita na ito. Sinisiguro ko sa inyong mapagkakatiwalaan natin si Master Toby, isusugal ko rito kahit ang buhay ko!"

"Isusugak mo maging ang buhay mo?"

"Mukhang interesantenga ito, mapagkakatiwalaan naman siguro natin ang taong sinasabi ni Roberto."

Nag-usap usap ang mga miyembro ng pamilya Perez. Maagkakatiwalaan ng kahit na sino si Roberto dahil lagi itong nangunguna noon sa kaniyang klase. Isa rin siyang tapat na lalaki at isang tipo ng taong hindi manloloko ng iba. Nagawa niya ring maipakita  sa kaniyang cellphone na nagagawa niyang kumita buwan nang dahil dito.

Kumunot ang mga noo ni Grandma Perez nang magsimula na ito sa pagsasalita. "Kung totoo nga talaga ang si asabi mo sa amin Perez, puwede natin itong subukan. Pero hindi naging maganda ang performance ng mga negosyo ng ating pamilya nitong mga nakaraang taon jaya nasa 300 hanggang 300 milyon na lang ang ating pondo kaya kung magbigay muna kami ng 50 million para masubukan ito?

"Ma, kung susugal lang din naman tayo, laki lakihan na natin." Huminga nang malalim si Roberto at naglakad paabante. "May usap usapan na rin kasi na malapit na raw magretire si Master Toby. Kaya kung maaari, iinvest na natin lahat ng 400 million sa kaniya! Sigurado rin namang makakakuha tayo ng 800 milyon sa loob ng isang buwan kaya pupuwede niyo nang itigil ang pag-iinvest ninyo sa kaniya kung ayaw na ninyong sumugal, ano sa tingin ninyo?"

Nang marinig ang mga salitang ito,  nagpalitan ng tingin ang mga miyembro ng pamilya Perez.

Naniwala ang ilan sa mga ito at hinikayat si Grandma Perez na subukan ang sinasabi ni Roberto habang ang iba naman ay tumanggi sa suhestiyon niyang ito.

"Hindi natin pupuwedeng  gawin ito,  Grandma." Sabi ng tumatayong si Chloe matapis itong pag-isipan nang maigi.

"Wala nang libre sa panahon ngayon!" Galit na ikinalampag ni Chloe ang kaniyang mga paa. "Isa  itong  scam kaya mas maiging huwag na natin itong subuksn!"

Smack!

Hinampas ni Roberto ang lamesa at tumitig nang husto kay Chloe "Ano ang ibig sabihin nito, Chloe? Sinasabi mo bang umuwi ako para ilagay sa scam ang pera ng ating pamilya? Paano mo ako nagawang  pag-isip nang madama?"

"Hindi naman sa pinag-iisipan kita ng masama. Gusto ko lang malaman na kung may ganitong klase na pala ng mga investment, sino pa ang maeenganyong magtrabaho hindi ba?"

"Ikaw! Ikaw .." Nang magsasalita na sana si Roberto para sumagot sa sinabi ni Chloe, pinutol na ni Grandma Perez ang kaniyang pagsasalita.

"Tama na, isa tayong pamilya, kaya bakit ninyo kailangan magtalo?" Hindi natutuwang sinabi ng matanda habang dahan dahan tumitingin kay James. "Ano sa tingin mo James?"

Kahit na peke ang ibinigay ni James na perlas at nagawa ring mabugbug ni Arnold, ito pa rin ang paborito niyang apo.

Kaya natural lang na hingin niya ang payo ni James pagdating sa mga importanteng bagay nakagaya nito.

Walang sinuman ang nakapansin sa tahimik na pagtawa ni James.

Dodoble ang investment mo sa loob lang ng isang buwan? Isa ba itong klase ng panloloko na ginagawa sa mga bata? Isa itong scam! Tumanda na si Grandma Perez kaya natural lang na hindi niya masabi kung isa ba itong scam o hindi!

Kahit na may katigasan ng ulo si James, naging matalas oarin namn ang kaniyang isipan. Kaya natural lang na sabihin niya si Grandma Perez na huwag itong subukan pero kasalukuyang puno ng galit ang kaniyang puso kay Nonack.

Kahit na ano pa ang  sabihin ni Roberto, siya pa rin ang biyenan ni Nonack. At hindi rin naging maganda ang ibinigay na impression ni Roberto kay James.

"Puwede natin siguro itong subukan, Grandma." Sabi ni James.

Naoag-isipan na ito nang husto ni James. Wala nang babalik sa anumang pera na iinvest nila. At sa sandaling mangyari iyon, siguradong mauubos sa loobng isang iglap ang pondo ng  kanilang pamilya habang nasisira nang tuluyan ang reputasyon ni Roberto! Dito na itatakwil ng pamilya Perez ang pamilya ni Roberto, sa mga sandaling ito lang lulubag ang loob ni James!

"Nasisiraan ka na ba James?" Sabi ng galit na si Chloe. "Pinapayuhan mo ba si Grandma na mag invest sascam ba iyan?"

Pero bago pa man makasagot si James, ikinaway na ni Grandma Perez ang kaniyang kamay at tumayo. "Tama na, wala na kayong dapat na pag-usapan. Nagdesisyon na akong sundin ang payo ni james. Iinvest na namin buong pondo ng aming pamilya sa sinasabing investment ni Roberto."

Woah!

Umingay ang lahat sa sobrang pagkasabik pero wala nang kahit na sino ang tumutol pa rito dahil maituturing nang final ang anumang desisyon na gagawin ni Grandma Perez.

Sabagay, paboritong paborito nito si James kaya sapat na ang opinyon nito para makagawa siya ng isang desisyon.

Sa tulong ng financial director ng kanilang pamilya, nasasabik na tiniransfer  ni Roberto ang 400 million na pera ng pamilya Perez sa kaniyang account....

*****
Time     :      2 : 45 pm
Date      :     10 - 09 - 21
Noted    :    Follow & Vote
*****

'Son-in Law who surpasses them all'Where stories live. Discover now