TINITINGALA NG LAHAT: Pinagkamalan Hari ng East.Hindi na nakapagsalita pa si Faye sa naging reaksiyon ni Kent sa mga sinabi niyang ito. Wala na siyang nagawa kundi tahimik na iiling ang kaniyang ulo.
Tila nagbibiro namang tumawa si Sky at sinabing "Niloloko mo yata ako Officer Amazon! Pinaghirapan ko kayong dukuting tatlo kaya bakit ko sila pakakawalan para sa iyo?"
Tumingin siya kay Kent at sinabing, "Kilala kita, isa ka sa mga mayayamang spoiled brat ng Donghai City, ikaw si Kent Hough tama?"
Itinango nang husto ni Kent ang kaniyang ulo, sinubukan nitong kumbinsihin si Sky at nag-alok na, "Oo ako nga iyon! Kaya sinisiguro ko sa iyong bibigyan kita ng pabuya sa sandaling pakawalan mo ako rito! Name your price! Ibibigay ko ito nang buo sa iyo!"
Tumawa rito si Sky at sinabing, "Hindi ka naman takot mamatay no iho? Narinig kong engaged na taw kayo ni Officer Amazon tama? At ibang isang lalaki, ayaw mo bang iligtas ang iyong fiancee na maiiwan dito sa sandaling pakawalan kita?"
Napanganga rito ang hindi makapagsalitang si Kent. Napalunok siya nang husto sa sobrang pagkagulat na kaniyang naramdaman.
Hindi na niya ito pinansin at sa halip ay tumingin na lang kay Nonack, "Para magawang kumain kasama si Young at Master Kent, siguradong isa ka rin sa mga anak ng mayaman sa Donghai City." Hindi naintindihan ni Nonack ang ibig sabihan ni Sky kaya wala na siyang nagawa kundi mapasimangot.
Nagpatuloy si Sky gamit ang nakakaloko niyang ngiti, "Sige, wala kayong kinalaman sa mga nangyari sa Grandmaster Heaven Cult. At reasonable naman akong tao kaya pakakawalan ko ang isa sa inyong dalawa."
Dito na napapigil hininga si Kent. Kalmado namang nagtanong si Nonack ng, "Ano ang ibig mong Sabihin dito?".
Tumawa si Sky at sinabing, "Madali lang ito bata. Sundin natin ang matagal niyo nang sinusunod na pamamaraan sa pagnenegosyo. Magbibid kayong dalawa para sa inyong mga buhay. Papakawalan ko ang pinakamataas na bidder. At para naman sa pinakamababang bidder... puputulan ko ito ng isa sa kaniyang mga darili at itatapon sa loob ng isang bartolina."
Naningkit dito si Nonack at nag-isip sa kaniyang sarili na, "Grabe, marunong talagang makipaglaro ang isang ito."
Kasabay nito ang biglang pagsasalita ni Kent ng, "Call ako rito! Mag ooffer ako 30 million!" Nasabik dito nang husto si Kent, walang pakialam siyang tumingin kay Nonack, "Isa lang nakikitirang manugang ang lalaking ito. Kaya sigurado akong hindi na niya maaabot ang kahit 3 million na offer, paano pa kaya ang ibinigay kong offer na 30 million. Ako ang mananalo rito! At sa sandaling makawala ako ay agad kong kokontakin ang aking mga tauhan para iligtas si Faye. Siguradong maaantig ang puso nito at papayag na ring matulog kasama ko! Haha!" Tuwang tuwang inisip ni Kent.
Matapos makita kung gaano katuso si Kent, tahimik na tumawa si Nonack at sinabing "Nakahanda ang binatang ito na gawin ang lahat para lang mabuhay. Nagbigay siya ng starting bid na 30 million? Magkano nga ba ang dapat kong ibid? 50?" Noong mag-isip nang malalim si Nonack, hindi nito sinasadyang mapatingin kay Sky. Napansin niya kung paano magbago ang expression sa mukha nito na gumising sa nag-iisip niyang diwa.
"Teka nga muna! Dinala ako ng lalaking ito sa isang lihim na taguan ng kanilang kulto. Kaya paano niya hahayaang malaman ng kahit na sinong tao sa labas ang tungkol sa lugar na ito? Kaya kahit na magkano pa ang aking, ioffer, siguradong hinding hindi niya kami pakakawalan. Kung ganoon, ano pang point ng bidding na ito? Para matuwa si Sky at sinabing, "Wala akong 30 million."
Dito na natuwa nang husto si kent na haloa maihi sa kaniyang puwesto. Nagsisigaw siya ng "Nanalo ako! Nanalo ako! Haha!"
Sinenyasan ni Sky ang kaniyang mga tauhan. Kinuha nila si Nonack at ipinatong sa isang lamesa. Puputulin na nila ang isa sa mga daliri nito nang sumigaw si Faye ng "Hindi mo ito maaaring gawin sa kaniya! Wala siyang kinalaman dito. Kung gusto mongaghiganti, ako ang pagbuntonan mo rito!"
YOU ARE READING
'Son-in Law who surpasses them all'
RandomBiyenan. "Layuan mo na ang anak ko! Hindi siya karapat dapat para sa isang basurang tulad mo!" Makalipas ang tatlong araw, bumalik ang manugang nito sakay ng isang mamahalin sasakyan. Biyenan, "Parang awa mo na iho, huwag mo iwan ang anak ko."