CHAPTER 27

63 13 0
                                    

KABANATA XXVII

Dalawang mga pulis ang kasalukuyang humaharang  kay Nonack na makapasok sa bahay. Dito na lumingon si Nonack at sumigaw ng "Captain Amazon, ako po ang asawa ni Chen kaya obligado po akong ipalit ang  aking sarili bilang hostage para sa kaniya. Kaya hayaan niyo na po akong makapasok!"

Pero....

Sabagay, hindi na magagawa pang pigilan ni Faye ang pagpapalit ng mga hostage kung si Nonack na rin mismo ang may gusto nito.

"Narinig mo ba ang mga sinabi niya, Captain?" Mabilis na tumayo si Grandma Perez ang nagsalita "Si Nonack na mismo ang may gustong ipalit ang kaniyang sarili. Kaya bilisan niyo nang ipalit siya bilang isang hostage!"

Wala nang nagawa pa rito si Faye, pero kahit na ganoon, kay Nonack niya lang itinango ang kaniyang ulo.

"Pakawalan mo na sila." Nanlalamig na sinabi ni Nonack.

Sa loob ng kuwarto, nagsara nang husto ang mga kamao ni Donald matapos makita ang pagpasok sa loob ni Norman.
Dito na niya tinanggap ang tali nina Samantha at Chen at agad na hinawakan si Nonack!

"Umalis na kayong dalawa, dalian ninyo." Utos ni Nonack habang nakatingin kay Chen.

Mangiyak ngiyak si Chen sa kaniyang nakita. Nagawa ng lalaking ito na gawing hostage ang kaniyang sarili kapalit niya!

"Dalian na nating umalis!" Agad na nagising ang diwa ni Samantha sa mga sandaling ito. Hinila niya si Chen at umalis sa kuwarto nang hindi lumilingon.

Sa labas ng bahay, pinaligiran ng mga miyembro ng pamilya Perez sina Chen at Samantha nang makita nila ang paglabas ng mga ito. Agad ding bumuhos ang luha ni Roberto.

"Chen, Sam, ok lang ba kayo?" Nanginig ang kaniyang kamay habang hinahawakan ang kaniyang asawa at anak.

Palagi siyang busy sa negosyo at hindi kailanman nakaranas ng ganitong klase ng sitwasyon noon. Kaya nakaramdam siya ng matinding takot kanina. Pero agad naman siyang  nakahinga nang maluwag matapos makitang ligtas na lumabas ang kaniyang asawa at anak.

"Ok na ako, Dad. Pero si Nonack, pumasok..." Sabi ni Chen habang tumitingin pabalik sa bahay ni Donald. Kasalukuyan namang hawak ni Donald si Nonack habang itinututok ang kutsilyo niyang hawak sa leeg nito.

Pero hindi na siya nakitaan pa ng  kahit kaunting takot sa kaniyang mukha. At sa halip ay nakangiti pa nitong tiningnan ang anak niyang si Chen!

"Bakit mo ba kailangan pang mag-alala sa kaniya?" Galit na sinabi ni Samantha. "Wala na tayong pakialam kung lalabas pa ba siya ng buhay o hindi na sa bahay na iyan! Isa lang naman siyang manugang na nakikitira sa pamamahay natin, tatlong taon na kayong kasal pero hindi manlang ninyo nagawang magholding hands. Kaya bakit nagawa mong mag-alala ngayon sa kaniyang kaligtasan?"

"Oo nga. Bakit kinakailangan mo pa kaming pag-alalahanin sa kaniya!" Sabi ni Grandma Perez habang papalapit kina Chen. "Bumalik na tayo sa bahay ngayundin."

"Opo, halika na." dagdag ni Roberto. Hinawakan niya ang kamay ni Chen at sinimulang maglakad papalayo sa bahay.

"Ayoko, hindi ako aalis hangga't nasa loob pa si Nonack" sabi ni Chen sa kaniya, pero mukhang hindi siya narinig ng kahit na sino. Hindi na niya alam kung ilang miyembro ng kaniyang pamilya ang humihila sa kaniya pero nagawa na nilang makalabas sa residential community nang kasama siya.

"Mayroon pa po ba kaming maitutulong sa inyo, Captain Amazon? Dahil kung wala na, mauuna na kami." Tanong ni Grandma Perez habang naglalakad kasama ng dalawa niyang mga tauhan papalapit kay Faye.

Tumingin si Faye sa kaniya at sinabing, "Nasa loob pa rin ng bahay si Nonack, hindi niyo ba siya kapamilya?"

"Hindi," siguradong isinagot ni Grandma Perez.

'Son-in Law who surpasses them all'Where stories live. Discover now