K -------- 53Sa mga sandaling ito, umupo si Grandma Perez sa kaniyang kinauupuan, umikot ang kaniyang paningin sa paligid habang seryosong nagsasalita sa mga ito.
Binubuo ang mga tao sa kaniyang paligid ng mga miyembro ng pamilya Perez. At ang bawat isa sa mga ito ay may bagsak na mga mukha habang nananatiling tahimik sa kanilang kinatatayuan. Sa totoo lang, napasakamay ni Paul James ang kapangyarihan magdesisyon ng mga Perez para sa kanilang kumpanya. At si Paul James ay hindi rin isang pangkaraniwang tao kaya ang pinaplano ni Grandma Perez na ibalik sa kanila ang awtoridad sa kanilang mga kumpanya mula rito ay maituturing na isang panaginip na walang wala sa realidad. Sa mga sandaling ito kuminang ang mga mata ni James Perez na tumayo at nagsabing "mayroon po akong ideya, Grandma."
"Magaling, sabihin mo sa amin ang naiisip mo ngayon, James." Natutuwang sinabi ni Grandma Perez.
Dahil sa insidente ng pananabotahe kay Janelle Park noon, pinarusahan ng pamilya Perez si James na kung saan hindi na ito maaari pang mangialam sa desisyon ng pamilya pagdating sa kanilang mga kumpanya. Pero isa itong seryosong bagay na magdedetermina sa kapalaran ng kanilang kumpanya kaya wala nang pakialam pa si Grandma Perez sa ipinataw niyang parusa sa apo niysng ito. At higit sa lahat, ito na rin ay dahil sa favoritism ni Grandma Perez sa apo niyang si James.
Agad na lumakas ang loob ni James sa pangtanggap na ito sa kaniya ni Grandma Perez, dito na niya dahan dahang sinabi na, "Grandma, hawak ni Paul ang 51% ng ating mga shares sa mga hawak nating kumpanya, kaya wala na tayong magagawa pa sa mga ito, at kung pipilitin pa rin nating bawiin ang nawalang shares na ito, hindi ito magiging madali para sa atin. Bakit hindi na lang natin ito isuko?"
"Isuko?" Simangot ni Grandma Perez kasama ng iba pang mga miyembro ng pamilya Perez.
Nagpatuloy naman sa pagsasalita si James, "Hindi ba't may 49% pang mga shares na natira sa atin? Kung ibebenta natin ang 20% nito, magagawa nating magsimula ng isa pang kumpanya na hawak natin, o mag invest sa ibang mga kumpanya. At sa sandaling lumaki ang bago nating kumpanya, magagawa na muli nating sa dati!"
Wow!
Agad na namangha ang lahat sa mga sinabing ito ni James, napuno ng pananabik ang kanilang mga mata, kasama na rito si Grandma Perez, "Oh James, napakatalino mo talagang bata ka napakaganda ng naisip mong iyan."
Pero may isang tao mula sa mga dumalong miyembro ng pamilya Perez ang biglang nagsalita, "Maganda ang naisip mo, pero kanino naman natin ito ibebenta?" Dito na muling napahinga nang malalim ang lahat.
Isang confident na ngiti ang nagpakita sa mga labi ni james, "Sa totoo lang, may solusyon na ako para riyan. Mayroon akong kaibigan na gustong bumili sa 20% ng mga natitira nating shares sa kumpanya.
Dito na muling nasabik si Grandma Perez na nagtanong ng, "Sino?"
Kasabay nito ang nagugulat na pagtingin ng lahat kay James. Gustong gusto ni James ang pagkuha sa atensyon ng lahat kaya nagmamalaki niyang inanunsyo na "Mayroon akong kaibigan na nagmamayari ng isang martial club, ang kaniyang pangalan ay Wood Young."
Ano? Si Wood Young?
Para bang may isang pagsabog na naganap sa buong hall nang ianunsyo ni James ang pangalan nito. Si Wood Young ang pinakakilalang Martial Master na nagawang manalo nang sunod sunod sa loob ng tatlong taon. Nagbukas siya ng mga Martial Club sa buong bansa kabilang na ang ilang mga Martial Club na nagbukas sa Donghai City. Tanging ang isang tao lang na kagaya niya ang may kakayahang bumili sa 20% ng kanilang mga share.
Sa loob ng sandaling ito, napuno ng pagkagulat ang lahat, at napuno ng mga papuri ang buong hall.
"Hindi ko inaasahang may kakilala si James na katulad ni Wood Young!"
YOU ARE READING
'Son-in Law who surpasses them all'
RandomBiyenan. "Layuan mo na ang anak ko! Hindi siya karapat dapat para sa isang basurang tulad mo!" Makalipas ang tatlong araw, bumalik ang manugang nito sakay ng isang mamahalin sasakyan. Biyenan, "Parang awa mo na iho, huwag mo iwan ang anak ko."