KABANATA 9
Haha! Halos matawa nang sobrang lakas ni Nonack nang marinig niya ang halaga ng bill. Isa talagang mangmang ang James na ito! Walang sinuman sa party ang nakakaalam sa wine na inorder ni james para sa lahat maliban na lang kay Nonack. Ito ay ang Romanee-Conti, na mayroong retail price na umaabot sa higit 1 million dollars, at higit 30 bote nito ang inordrr ni James para sa lahat!
"Pinagloloko mo ba ako?" Nagpapanic na sinabi ni james. Tumayo sya at sinabi sa waiter na "Nasa 30 million dollars ang halaga ng nakain ng higit 300 miyembro ng mga Perez na dumalo rito? Kung ganoon, nasa 100, 000 ang average na bill ng bawat isang bisita tama? Sige, gusto kong makausap ang manager ninyo."
Napatingin na lang ang dalawang waiter ng hotel sa isa't isa, wala na silang nagawa kundi tawagin ang kanilang manager.
Ang kanilang manager ay isang 30 year old na lalaking nakasuot ng isang malinis na suit.
"Gusto niyo pa bang ipagpatuloy ang pag-ooperate ng hotel. "Nasa 100,000 ang bill ng bawat isang bisita namin? Sa maniwala ka man o sa hindi, irereport ko ang hotel na ito sa Consumers Association."
Hindi man lang nag-alala ang manager ng hotel sa mga sinabing ito ni James at tumayo lamang sa kaniyang harapan at sinabing. "Excuse me, sir. Ang wine na inyong inorder ay ang limited edition na Romanée-Conti. 800 bote lang nito ang minamanufacture taon taon sa buong mundo kaya nasa 1.63 milyon dolyar ang market price ng bawat isang bote nito. Binigyan ka pa po naming ng discount matapos ninyong umorder ng 30 bote ng wine na ito sa amin."
Agad na nagliyad sa galit si James at kinuwelyuhan ang manager ng hotel na nakatayo sa kaniyang harapan. "Isa itong limited edition na wine pero nagkaroon kayo ng 30 bote nito dito? Sino bang mangmang na oorder ng wine na ito sa inyo? Ha?"
Gumawa na lang ng pekeng ngiti ang manager ng hotel. Bilang isang managers sa loob ng lima hanggang anim na taon, marami na siyang mga nakita na importanteng tao mula sa iba't ibang bahagi ng Donghai City. Pero, ito ang unang beses niyang nakakita ng isang walang kakayahang tao na umaarte na parang isang mayaman.
Kinontrol ni manager ang kaniyang emosyon at sinabing "Sir, may tatlong bagay lang po akong lilinawin sa inyo. Una, sinabi niyo po kanina na gusto ninyong orderin ang pinakamahal naming wine, at nakuhanan po video ng aming cctv. Ikalawa, sinisiguro po naming na authentic at certified ang mga wine na sineserve namin dito, hindi ko rin po alam kung bakit nagkaroon ng ganito karaming bote ng mga limited edition na wine ang aming boss. At huli po sa lahat, ayusin po ninyo ang pakikipag-usap sa amin."
Thud!
Pagkatapos nitong magsalita nasa sampung mga maskuladong lalaki ang pumasok mula sa pinto. Nakasuot ang mga ito ng mga kulay itim na short sleeved shirt na nagpakita sa mga naglalakihan nitong mga tattoo.
Sila ang mga security guard ng Oriental Pearl Hotel. Bilang pinakamarangyang hotel sa buong Donghai City, walang sinuman ang nagtangkang gumawa ng gulo sa loob ng hotel. Alam ng lahat na hindi naging maganda ang pinagmulan ng nagpapatakbo sa Oriental Pearl Hotel. Walang sinuman ang nagpakamangmang at nagsimula ng anumang gulo rito.
Makikita sa gitna ng mga ito ang isang lalaking nakasuot ng isang Chinese tunic suit habang may hawak hawak na tungkod sa isa niyang kamay. Ang lalaking ito ay walang iba kundi ang boss ng Oriental Pearl na si Norman Woodall.
Naging makaluma ang style ng suot ni Mr. Norman, kaya napagkakamalan siya ng iba bilang isang 70 year old na lalaki. Pero 30 year old pa lang ang tunay niyang edad sa kasalukuyan.
At natural lang na nagpanic ang mga Perez at agad na humingi ng tawad nang dalhin ni Norman ang mga maskuladong lalaki na ito.
Dito na tumulo ang kasing laki ng mga balang pawis ni James sa kaniyang mukha. Si Norman Woodall ang nakatayo sa kaniyang harapan! Ang boss ng Oriental Pearl Hotel at isa sa mga kilalang tao sa larangan ng mga underground business sa Donghai City!
YOU ARE READING
'Son-in Law who surpasses them all'
RandomBiyenan. "Layuan mo na ang anak ko! Hindi siya karapat dapat para sa isang basurang tulad mo!" Makalipas ang tatlong araw, bumalik ang manugang nito sakay ng isang mamahalin sasakyan. Biyenan, "Parang awa mo na iho, huwag mo iwan ang anak ko."