K ---------- 58
Mahina namang tumawa rito si Nonack. "Ok lang, wala rin naman na akong gagawin pa roon, at hindi rin naman ako gutom."
Napuno ng paghingi ng tawad si Faye sa mga sandaling ito. "Pasensya kana kina Kent at sa mga kasama nito kanina, ganoon lang talaga sila. Huwag mo na silang pansinin."
Binalewala naman ito ni Nonack, "Ok lang, marami na akong nakilala na katulad nila." Tumingin siya kay Faye at nagdalawang isip bago magtanong ng. "Pero, naiisip mo pa rin bang bagay kayo ni Kent Hough sa isa't isa?"
Wala na siyang pakialam sa bagay na ito kaya hindi na ito dapat itinanong ni Nonack, pero hindi niya alam kung ano ang nag-udyok sa kaniya para itanong ito. Hindi naman siya sinagot ni Faye, pero mukhang natigilan at naging awkward ang reaksiyon nito sa kaniyang narinig.
Sa totoo lang, hindi naman kinamumuhian ni Faye si Kent, pero wala rin siyang nararamdaman para rito. Nangyari lang ito dahil sa magkaparehong katayuan ng kanikanilang mga pamilya na matagal na ring malapit sa isa't isa kaya matagal nang magkakilala sina Kent at Faye, ito rin ang naging dahilan kung bakit hinihikayat silang dalawa nang husto ng kanikanilang mga pamilya na maging magkasintahan at maging mag-asawa, kaya wala nang nagawa si Faye kundi nagdadalawang isip na sumang-ayon sa mga ito at sumama kay Kent. Pero naging malinaw ang kaniyang kundisyon na walang sex ang magaganap sa kanilang dalawa bago sila ikasal, holding hands lang magagawa bilang magkasintahan.
Dito na iniba ni Faye ang topic at sinabing, "Hoy halika na. Ihahatid na kita sa inyo. Ako rin naman ang nagdala sa iyo rito kaya hindi ko gugustuhing makita na pumara ka nang taxi pauwi." Tumango naman dito si Nonack.
Habang paalis sila ng hotel, hinabol ni Kent ang dalawa bago tawagin ni Faye, "Fay! Bakit kasama mo pa rin siya?" Nainis na rito si Kent na walang respetong nakatingin kay Nonack.
Sumagot naman si Faye ng, "Ilang beses ko bang Sasabihin sa iyo Kent na kaibigan ko si Nonack. Kaya paano mo nagawang tratuhin siya na parang isang basura sa dining area kanina?"
Nang makita ni Kent na ng pagdepensa ni Faye kay Nonack, agad na nakaramdam ng matinding galit si Kent. "May nasabi ba akong mali? Hindi ba't siya ang nakikitirang manugang ng mga Perez? Tatlong taon na siyang nakikitira sa mga Perez -- isang walang kuwentang nilalang. Alam ng buong Donghai City ang tungkol dito! At isa lang ako sa mga taong nakakaalam at nagsasabi ng totoo sa kaniya!"
Hindi siya pinansin ni Faye na nagpatuloy sa paglalakad. At nang makita ni Kent kung paano siya hindi pansinin ni Faye. Nagbabagabag siyang nagtanong dito ng, "Saan ka pupunta?"
Galit naman siyang sinagot ni Faye, "Para ihatid si Nonack pauwi! Ako ang nagdala sa kaniya rito kaya hindi ko hahayaang umalis siya rito nang mag-isa!"
Noong una, nag-init sa galit si Kent, pero nang makita niya ang hubog ng katawan ni faye -- agad na nawala ang kaniyang galit. Paano niya naging girlfriend ang galit at napakagandang babae na ito?
"Paano kaya kung hintayin mo na lang ako sa dining room? Ako na ang maghahatid kay Nonack pabalik. Magkakaroon tayo ng party mamaya, kaya sabay na tayong umuwi mamaya." Alok ni Kent habang sinusubukang pakalmahin ang sitwasyon.
"Hindi ako interesado." Hindi pa rito nagpatinag si Faye.
Dito na nagbuntong hininga si Nonack. Iniisip niya kung papara na ba siya ng taxi nang biglang may isang itim na luxury minivan ang huminto sa kanilang harapan mula sa parking lot ng hotel. Bumaba mula rito ang ilang mga maskuladong lalaki na nakapagpakaba kay Nonack.
Ang leader ng mga ito-- na may malalim na mga mata-- at itsurang pa katandaan pero nagmukhang mature dahil sa kaniyang edad ang nakipag-usap sa kanila. "Hello, ikawcba si Ms. Faye Amazon?" Magalang siyang nagtanong bago naglakad palapit sa tatlo.
YOU ARE READING
'Son-in Law who surpasses them all'
RandomBiyenan. "Layuan mo na ang anak ko! Hindi siya karapat dapat para sa isang basurang tulad mo!" Makalipas ang tatlong araw, bumalik ang manugang nito sakay ng isang mamahalin sasakyan. Biyenan, "Parang awa mo na iho, huwag mo iwan ang anak ko."