TINITINGALA NG LAHAT: Pinagkamalan ng Hari ng East.Palihim na tiningnan ni Nonack ang kaniyang paligid. Dito na niya napagtanto na kakaiba ang dekorasyon sa loob nito kaysa sa ibang mga silid na nakita niya sa loob ng manor. Siguradong ito ang kanilang resting area.
Para bang sumakto ang pagkalam ng sikmura ni Nonack. Hindi ganoon karami ang kaniyang mga nakain sa Oriental Pearl kung saan nagawa niya lang uminom ng ilang tasa ng tsaa. Nakaramdam siya ng kaunting hiya rito.
Mahahalatang mahilig mag-obserba si Sky. Tumatawa nitong sinabi na "Maghintay lang po kayo. Uutusan ko ang aking mga tauhan na maghanda ng pagkain at wine para sa inyo. Iinom tayo hanggang sa tuluyan na tayong bumagsak! Haha! Nga po pala, kamahalan, matapos nating mag-inuman ay maaari rin po tayong magsalit salitan sa Faye Amazon na iyon. Masyado po talaga siyang attractive! Haha!"
"Sige, Sige." sagot ni Nonack.
Nang umalis si Sky, napansin ni Nonack na ito na ang tamang pagkakataon para maglibot at subukang hanapin ang labasan. Hindi pinigilan ng mga bantay si Nonack habang paalis sa silid at sa halip ay nagsiyuko pa ang mga ito sa kaniya. Naging direkta si Nonack pero hindi pa rin niya hinayaang pagsuspetsahan siya ng mga ito, hindi siya bumalik sa main hall-- at agad na pumasok sa isa sa mga lagusan para pag-aralan at isipin ang susunod niyang magiging hakbang. Paano nga ba niya maililigtas si Faye sa sandaling makita niya ang lagusan palabas sa lugar.
Napansin ni Nonack na nakarating siya sa isang restricted na lugar. Ang lugar na ito ay isang napakalaking silid na walang bantay sa pintuan. Pero mayroon isang babala na nakapaskil dito na nagsasabing "Walang maaaring pumasok dito nang walang paalam! Hindi nagdalawang isip dito si Nonack na agad pumasok sa loob ng silid.
Makikita sa gitna ng silid ang isang shelf na gawa sa kahoy. Nakalagay dito ang mga gamit na kinakailangan nila sa pang araw araw at ilang mga lalagyan. Naglalaman ng gamot ang ilan sa mga ito. Kahit na gamot sa sugat ang karamihan sa mga gamot dito, napansin pa rin ni Nonack ang gamit na may lebel na "Sedative Powder" na kasama ng mga ito.
"Mga sedative? Haha! Ilalagay ko ito sa kanilang wine mamaya, at sa sandaling wala na silang malay ay magagawa ko nang iligtas si Faye!" Isip ng optimistic na si Nonack.
Noong paalis na siya sa silid ay napansin naman ni Nonack ang isang tile sa sahig na naiiba sa itsura ng ibang mga tiles na nakalagay sa paligid. Inapakan niya ito at napansin sinasadya ang ginawang pag aangat sa tile na ito. Dito na hinila ni Nonack pataas ang tile at agad na nasurpresa nang makita ang isang gamit na binabalutan ng isang kulay brown na papel. Binuksan niya ito at nagulat nang makita ang isang secret manual. Makikitang nakasulat sa cover ng manual na ito ang mga salitang: Ascension of Nine Dragon. "Wow, anong klase nh libro ito? Mukhang maganda na ang librong ito sa title pa lang nito." Isip ni Nonack.
Paubos na ang kaniyang oras, itinago niya ang manual sa ilalim ng kaniyang damit at mabilis na bumalik sa main hall. Kasabay niyang nagpakita si Sky na may bitbit na isang box ng pangkain at isang jar ng wine. Kumupas na ang kulay pulang selyo sa jar ng wine kaya malinaw na maganda ang kalidad nito matapos iimbak ng napakaraming taon.
"Kamahalan, hindi po kalakihan ang magagawa kong ioffer na pagkain aa inyo. Sanay magustuhan niyo po ang mga ito." Humingi nang paumanhin si Sky habang inaayos ang lamesa.
Tumango naman si Nonack at nagsimula na sa pagkain.
Habang si Sky-- na nakakaalam sa kaniyang kinalalagyan -- ay umalis para hayaang magpiyesta sa inihanda niyang pagkain si Nonack. At nang mauubos na ni Nonack ang kaniyang kinakain, binuksan niya ang jar ng wine. Sinalinan niya ang kaniyang sarili bago maglagay ng sedatives sa loob ng jar.
Sumenyas siya kay Sky at nag-utos ng "Paghatihatian nating lahat ang jar na ito ng wine. Sabihan mo silang mula ito sa akin."
Nagdalawang isip si Sky habang sinasabi na "Alam niyo naman pong ipinagbabawal ang pag-inom sa hall hindi po ba, kamahalan?"
YOU ARE READING
'Son-in Law who surpasses them all'
DiversosBiyenan. "Layuan mo na ang anak ko! Hindi siya karapat dapat para sa isang basurang tulad mo!" Makalipas ang tatlong araw, bumalik ang manugang nito sakay ng isang mamahalin sasakyan. Biyenan, "Parang awa mo na iho, huwag mo iwan ang anak ko."