TINITINGALA NG LAHAT:
Ang pagdating ni President PUAL JAMES ng DRAGON TECH...Bumagsak sa tindi ng nararamdaman niyang desperasyon si Chen nang marinig ang mga sinabi ni Grandma Perez.
Tuwangp tuwa na nag-usap usap at nagmalaki sina James at ang iba pang miyembro ng pamilya Perez. Wala silang pakialam sa kasiyahan ni Chen dahil ang pinaka importante sa kanila ay pagtatayo ng isang bagong kumpanya gamit ang perang ibinigay sa kanila ni Wood.
Natawa naman si Nonack sa naging usapan ng mga ito.
"Ano naman ang itinatawa tawa mo riyan?" Galit na itinanong ni Grandma Perez.
Nanlolokong sinabi ni Nonack na, "Natatawa ako sa pamilya ninyo! Hindi magawa ng kinikilalang pamilya Perez na magmanage ng kanilang mga ari arian pero nagawa pa rin nilang isisi ang lahat ng ito sa isang babae. At ang mas masaklap pa rito ay nakahanda rin kayong isakripisyo maging ang inyong apo para lang sa kinabukasan ng mga Perez."
"Wala ka nang pakialam sa usapan ng aming pamilya! Kay Wood lang liligaya si Chen at hindi sa isang talunang katulad mo!" Sabi ni Grandma Perez.
Huminga nang malalim si Nonack at nagpatuloy sa pagsasalita, At inis na inis kayong lahat dahil iba na ang nagmamayari sa karamihan ng mga pag-aari ninyong shares. Dahil lang sa incompetence ninyong lahat ay nagawa ninyong ibenta ang isang babae sa inyong pamilya para sa inyong mga dignidad."
"Ikaw..."
Matapos matawag talunan sa harap ng lahat, hindi na nakapagpigil pa si Grandma Perez na sumigaw ng "Palabasin ninyo siya! Alisin niyo siya sa harapan ko!"
Walang sinuman ang nagtangkang lumapit kay Nonack. Naalala pa nila kung paano binugbog ni Nonack si Wood kahapon. Nagawa ng nakikitirang manugang nila na itong bugbugin si Wood, kaya sino ba sa kanila ang may sapat na lakas nh loob para mabastos kay Nonack?
Sinubukang pakalmahin ni Chen ang sitwasyon, niyakap niya.qng braso ni Nonack at nagmakaawa, "Tumigil na sa pagsasalita si Nonack..."
Ang tanging solusyon na naiisip ni Chen sa mga sandaling ito ay ang magmakaawa kay Grandma Perez nang personal pagkatapos ng meeting. At kung magiging sapat ang sincerity niya rito ay umaasa si Chen na mababago niya ang isip ni Grandma Perez. Mas magiging magulo lang ang lahat kung makikipaglaban nang harapan ang isang taong kumakampi sa kaniya sa harap ng kanilang pamilya, gaya ng ginagawa ngayon ni Nonack.
Naintindihan ni Nonack ang iniisip ni Chen kaya sinuklay niya ang buhok nito at dahan dahang sinabi na "Huwag kang mag-alala. Hindi mo kailangang humingi ng tawad sa kanila. Sila pa mismo ang hihingi ng tawad sa iyo."
Ano? Kami pa mismo ang hihingi ng tawad kay Chen? Nagbibiro ka ba? Haha!
Wala nang nasabi na kahit ano rito ang nakasimangot na si grandma Perez.
Inisip ni Chen na pagbuhatan ni Nonack ng kamay ang mga ito para puwersahang humingi ng paumanhin sa kaniyang harapan, kaya agad niyang sinabi na "Alam kong pinoprotektahan mo ako Nonack, pero hindi ka dapat dumepende sa dahas para lang makuha ang gusto mo. Marami pa rin ang mas malakas kaysa sa iyo, tatndaan mo yan."
Sa mga sandaling ito, may isang tao ang nagsalita at nagsasabing, Grandma Perez, nandito po si President Paul James ng Dragon Tech!"
Mabilis na tumayo ang lahat para batiin ito. Si Paul James ng Dragon Tech ang pinakamalaking shareholder ng mgq ariarian ng pamilya Perez. Kaya natural na tumayo ang lahat para lang batiin ito.
Habang si Paul naman -- na nakasuot ng pangkaraniwang damit -- ay sinusundan ng dalawa niyang mga assistant
"Nagkita tayo muli, Grandma Perez," Natutuwang bati ni Paul.
YOU ARE READING
'Son-in Law who surpasses them all'
DiversosBiyenan. "Layuan mo na ang anak ko! Hindi siya karapat dapat para sa isang basurang tulad mo!" Makalipas ang tatlong araw, bumalik ang manugang nito sakay ng isang mamahalin sasakyan. Biyenan, "Parang awa mo na iho, huwag mo iwan ang anak ko."