CHAPTER XXXVIII

53 13 1
                                    


KABANATA 38

Totoo bang hindi si Chen ang may gawa nito?

Natigilan ang lahat sa kanilang mga narinig.

Nagulat dito si Grandma Perez at agad na napatanong ng, "Ano ba talaga ang nangyari, Ms. Park?"

Hindi ito sinagot ni Janelle. Ngumiti lang ito nang kaunti bago lumingon at tumingin kay James.

Nang sabihin ni Janelle na mag- iimbestiga ito, naramdaman pa rin ni James na sinusuwerte siya sa pagkakataong ito.

Pero matapos lumingon ni Janelle para tingnan siya sa isang malaking problema.

Dito na nagsalita si Janelle sa pinto, "Pumasok na kayong tatlo!"

Dito na agad pumasok nang nakayuko sa meeting room ang dalawang mga staff sa backstage ng show.

Agad na nakaramdam ng pagkahilo si James matapos makita ang tatlong tao na ito. Nagulat siya rito habang pinagmumukhang kalmado ang kaniyang sarili sa harapan ng lahat.

Dito na nagsalita si Janelle sa tatlo ng, "Sabihin niyo na ang katotohanan!"

Matapos utusan ni Janelle, tumingin nang diretso ang isa sa tatlo at tumingin sa paligid ng meeting room. Tumigil ang kaniyang paghananap nang makita niya si James at sinabing. "Siya iyon. Sinabihan kami ng Mr. James Perez na itong gawin iyon."

Dito na nagsalita ang isa pa sa tatlong staff matapos mapalunok nang malakas, "Opo, binigyan niya kami ng malaking halaga para sirain ang earpiece na isusuot ni Ms. Park. Sinabi niya ring bibigyan pa niya kami ng pabuya sa sandaling magawa namin ito!"

Hindi naman nagsalita ang natitira sa tatlong mga staff pero walang tigil nitong itinango ang kaniyang ulo habang nakatingin kay James.

Ano?

Si James ang may pakana ng lahat?

Nagulat ang lahat nang marinig ang mga sinabi ng tatlong backstage staff ng show habang mukha namang nacoconfuse ang mukha ni James sa mga sandaling ito.

Dito na namula ang mukha ni James habang nagmumurang sinabi na, "Anong kalokohan iyan!" Pero agad niyang nilunok ang kaniyang mga sinabi nang makita niya ang mukha ni Janelle.

Sanay nang maging bastos sa usapan ni james. Pero sinubukan niya itong pigilan nang sumali na sa kanilang usapan si Janelle dahil ito ang kumakatawan sa Platinum Corporation.

"Huwag ninyo ako basta bastang aakusahan! Kilala niyo bang tatalo kung sino ako? Naiisip niyo na ba ang mga pupuwedeng mangyari sa inyo dahil sa ginawa ninyong iyan?" Habang pinipigilan ang kaniyang sarili sa pagmumura, mabagsik ba tiningnan ni James ang tatlo.

Talagang nakakatakot ang malademonyong itsura ni James ngayon.

Sa mga sandali ring iyon, naglakad palapit si Grandma Perez sa tatlo at sinabing. "Isa itong seryosong bagay. Kaya dapat lang na pag-isipan ninyong tatlo ang tungkol dito. Siya ba talaga ang nag-utos sa inyo na gawin ito?"

Kahit si Janelle na mismo ang direktang nagsabi nito, hindi pa rin naniniwala si Grandma Perez na magagawa ni James ang mga ganitong klase ng bagay.

Habang nakatingin sa mukha ni James at sa pressure na nagmumula sa matandang namamahala sa pamilya Perez, nag-aalalang tumingin sa isa't isa ang tatlong mga backstage staff ng show.

Siguradong maiinis si James sa sandaling magsabi sila ng totoo.

Pero mas ok pa rin ito kaysa sa pangbabastos kay Jerry Blakely! Sino nga ba ang magagawang gumalit kay Jerry sa buong Donghai City?

'Son-in Law who surpasses them all'Where stories live. Discover now