CHAPTER 8

67 14 0
                                    


KABANATA 8

Tatlong Segundo lang ang inabot ni Donald para sagutin ang tawag.

Agad na pinindot ni Cheng ang Loudspeaker button.

Napatingin naman si Samantha na nakatayo sa tabi matapos makita ang screen ng cellphone ni Chen "Mahal kong anak, so si Donald pala ang nagbigay ng Worship of Crystal sa iyo. Mabait siyang lalaki kaya siguruin mong maaapreciate mo ang mga nagawa niya sa iyo dear.

Sadyang nilakasan ni Samantha ang kaniyang pagsasalita at hindi rin nakalimot magbigay ng tingin kay Nonack. Kung ikukumpara para kay Donald, walang kahit na anong naging kuwenta si Nonack. Nabanggit din ni Donald noon na nakahanda itong magbayad ng 20 milyong dolyar bilang dote kung magagawa niyang mapakasalan si Chen.

Maririnig naman sa kabilang linya si Donald na kasalukuyang nakaupo sa bangketa. Kanikanina lang ay Nakatanggap ito ng isang tawag na bunabawi sa lahat ng suportang ibinigay ng mga Wayne sa kaniya!

Halos malusaw si Donald sa kaniyang kinatatayuan nang marinig niya ang balitang ito. Siguradong magiging wala na siyang kahit na anong silbi sa sandaling mawala ang suportang ibinibigay ng mga Wayne! Sinabi rin sa tawag na ang dahil ito sa pambabastos niya sa isang tao na nay malakas na impluwensya at hindi dapat bastusin ng kahit na sino.

Pero hindi pa rin maisip ni Donald kung sino ang tao na nagawa niyang bastusin!

"Donald, magagawa mo ba akong makuhanan ng isa pang pares ng Worship of Crystal?" tanong ni Chen sa kabilang linya.

Kahit na nasa gitna si Donald ng pinakamasaklap na pangyayari sa kaniyang buhay, nagawa pa rin niyang ngumiti matapos marinig ang boses ni Chen na siyang tumawag sa kaniya. "Iyong replica na ibinigay ko sa iyo ang tinutukoy mo hindi ba?

"Replica?"

Nagpalitan ng tingin sina Chen at Wency. Hindi nila magagawang magkamali sa kung ano ang imitation at orihinal na Worship of Crystal.

"Oo, hindi ba't binigyan kita ng isang pares ng mga replica ng Worship of Crystal na nagkakahalaga ng 300,000?" Nagpatuloy sa pagsasalita si Donald 'pero hindi ba't itinapon ito ng walang kuwanta mong asawa? Nasa bahay pa ang mga iyon ngayon, kaya sabihin mo lang para maibigay ko na ang mga ito sa iyo."

Napuno nang pagtataka ang nakapagandang mukha ni Chen matapos marinig ang mga salitang ito!

Hindi si Donald ang nagregalo sa kaniya ng orihinal na Worship of Crystal na kaniyang suot ngayon? Maliban sa kaniya, sino pa bang magbibigay sa kaniya ng isang regalo na nagkakahalaga ng 30 million dollars?!

Ibinaba na ni Chen ang tawag at naalala ang mga sinabi ni Nonack na bibilhin siya nito ng orihinal na pares ng Worship of Crystal noong ihatid siya nito sa trabaho.

Habang iniisip,hindi mapigilang mapatingin ni Chen kay Nonack.

Kasalukuyan nang may hawak na chopsticks si Nonack para ubusin ang ikalawa niyang cup ng kanin habang ang iba ay  hindi  pa nagagawang magsimula sa pagkain.
Namumuhi siyang tiningnan ng mga tao sa kaniyang paligid na umupo sa pinakamalayong upuan mula kay Nonack na magagawa nilang maupuan.

Nagbuntong hininga rito si Chen. Ano ba ang iniisip niya ngayon, paano siya mareregaluhan ni Nonack ng orihinal na pares ng Worship of Crystal?Napakaimposible.

Matapos ang kalahating minuto, ibinaba na rin sa wakas ni Nonack ang chopsticks na kaniyang hawak. Pinunasan niya ang kaniyang bibig habang nakatingin kay Wency.

Isang napakainteresanteng babae ni Wency. Napansin ni Nonack na mayroon itong suot na isang kulay puting bracelet sa kaniyang kamay, pero ilan lang ba sa kanila ang nakakaalam na isa itong antigo?

'Son-in Law who surpasses them all'Where stories live. Discover now