KABANATA 7
"Kate, tigilan mo na yan," mahinang bulong ni Chen matapos marinig ang pagsaway ni Kate kay Nonack.
Kahapon sa taunang pagtitipon ay ipininagyabang ni James ang kaniyang suit, ngunit si Nonack pa rin ang tumayo at tumulong kay Chen para mapawi ang kaniyang kahihiyan.
"Chen, masyadong malambot ang puso mo. Kung ako lang sa iyo, hihiwalayan ko na siya," malamig na sinabi ni Kate. "Matagal ka nang kasal sa kanya, pero hindi niyo pa nasusulit ang iinyong pagsasama. Hindi ko alam kung paano mo matitiis makasama ang basura na ito araw-araw."
"Kate," tawag no Nonack habang tumititig nang malalim. Himdi na niya napigilan ang kaniyang sarili at agad nang gumawa ng sarili niyang hakbang.
Masasabi nating maganda si Kate, nakasuot siya ng isang maikli at masikip na palda na nagpapakita sa kayumanggi niyang mga binti.
"Nangangailangan ng limang milyon ang kumpanya ng aking asawa, kaya paano mo nasabing hindi ako makakatulong sa kaniya?" Nakangiting sinabi ni Nonack. "At kung tama ang aking alaala sinabi mo na kung makakapaglabas ako ng limang milyon, tatawagin mo akong daddy, hindi ba?"
"Oo, sinabi ko nga iyon." Dahan dahang tumayo si Kate. "Tingnan nga natin at kung wala kang mailalabas tatawagin mo naman akong mommy?"
"Paraan," walang pakialam na umupo si Nonack sa isang upuan. Itinaas niya ang kanyang maruming sako at ibinaliktad. Dito na bumuhos ang mga laman nito sa mesa.
Sa mga sandaling ito, ang buong bahay ay naging kasing tahimik ng libingan!
Parang waterfalls na bumuhos ang mga kulay pula at nagniningning na bungkos ng mga pera na umabot sa punto kung saan nagsilaglagang ilang mga bulto sa sobrang dami.
"Ito...ito..."
Napatitig si Kate sa sobrang pagkamangha na umabot sa punto na kung saan ay hindi na niya nagawa pang makapagsalita.
"Five Million ba talaga ang halaga ng mga caah na ito?" Naglakaf din palapit sa kanila si Samantha, medyo humupa na ang galit na naramdaman nito kanina.
Nanginig dito ang mga binti ng mga matatalik na kaibigan ni Chen na sina Kate at Paula. Talaga mapapatigil ang kahit na sino sa kanila sa sandaling makakita sila ng limang milyon dolyar na halaga ng pera na nakakalat sa kanilang harapan.
"Tawagin mo na akong daddy, nakikinig ako." sabi ni Nonack habang hinahatak ang kaniyang buhok.
Hindi nagtagal ay nagising na rin si Kate sa kaniyang pagkagulat.
Timingin siya kay Nonack at ngumisi, "Nonack, akala mo ay hindi ko alam na 200 dollars lang ang ibinibigay na allowance ni Chen aa iyo araw-araw. Kaya sigurado akong madumi ang pera na dinala mo rito ngayon tama?"
Nanginig ang katawan ni Chen sa mga sinasabing ito ni Kate , mabilis siyang lumakad papunta kay Nonack para hawakan ito sa braso at dalhin sa kanilang kuwarto.
Pagkasa ng pinto, bumulong sa kaniya si Chen, "saan nanggaling ang pera na iyon, Nonack? galing ba ito sa maruming gawain"
"Malinis ang perang iyon Chen, hiniram ko lang yun sa kaibigan kong mayaman kaya huwag ka nang mag-alala at gamitin mo na ito para maibangon ang inyong kumpanya" paliwanag ni Nonack pagkahinga na niya ng malalim.
Si Nonack ang bagong presidente ng Platinum Corporation, pero ayaw niyang ipaalam ang tungkol dito kay Chen nang ganito kaaga dahil iisipan lang nito na sinuwerte lang siya sa pagkakataong ito.
"Kaibigan? Kailan ka pa nagkaroon ng kaibigan?" sabi ni Chen habang hindi mapakali niyang idinadabog ang kaniyang mga paa "Matagal na tayong kasal, kaya bakit hindi ko alam na mayroon ka palang kaibigan?"
YOU ARE READING
'Son-in Law who surpasses them all'
RandomBiyenan. "Layuan mo na ang anak ko! Hindi siya karapat dapat para sa isang basurang tulad mo!" Makalipas ang tatlong araw, bumalik ang manugang nito sakay ng isang mamahalin sasakyan. Biyenan, "Parang awa mo na iho, huwag mo iwan ang anak ko."